Chapter 28

24 3 0
                                    

Chapter 28

Nagbuga ako ng marahas na hangin matapos mag-impake ng mga damit. Isang malaking maleta ang dadalhin ko. Isang linggo lang naman kami doon pero nagpasobra ako ng mga damit in case of emergency.

"Nagdala po kayo ng mga bikini, Ma'am?" tanong sa akin ng isang maid. Ngumiwi ako bago umiling at sumagot.

"Hindi 'e, hindi naman ako nagsusuot no'n." sambit ko.

"Conservative pala kayo, Ma'am." komento niya. Naiilang akong ngumiti.

"Hindi naman, pero nagbaon naman ako ng beach dresses kaya okay lang."

Tinulungan ako ng mga maid na ibaba ang maleta dahil medyo mabigat ito. Nakita ko rin ang ilang bagahe sa ibaba na sa tingin ko ay kay Papa.

Mamayang 2pm pa naman ang byahe namin at 12:30 pa lang ngayon ng tanghali Kagaya nga ng inaasahan ko ay konti lamang sa mga relatives namin ang dadalo. Masaya ako dahil pupunta sina Tita Clay.

"We'll eat lunch then aalis na tayo."

Tumango ako kay Papa at umakyat patungong kwarto ko para maligo. Gusto kong ma-excite pero may bumabagabag sa akin. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring paramdam si Atlas.

Iniisip ko na baka nakalimutan na niya ang birthday ko. Gaano ba siya ka-busy para kahit isang ligaw na text message man lang mula sa kanya ay mapadpad sa akin?

Naalala ko na naman noong mga panahon na mas gusto kong hindi kami mag-usap dahil pakiramdam ko ay hindi naman kami magkakasundo. Ngayon ay naiinis na ako dahil hindi ko siya makita.

Matapos kong maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok at nagsuot ng off-shoulder white dress. Hindi ako naglagay ng make-up dahil hindi ako marunong.

Sa isang private plane kami sasakay patungo sa Isla. Dalawang oras ang byahe kaya hapon na kami makakarating doon. Isa iyong Isla sa Palawan na pag-aari ni Papa.

Bumaba na ako dahil tinatawag na ako ni Papa para sa pananghalian. Sa halip na sa kitchen pumunta ay nagtungo ako sa may poolside dahil doon nakahanda ang mga pagkain.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang kausap ni Papa. Bumilis ang tibok ng puso lalo na nang marinig ko ang kanyang boses. Seryoso silang nag-uusap ni Papa at nang matagpuan niya ang tingin ko ay umawang ang kanyang labi.

"Hey," masuyong wika niya.

Kinalma ko ang sarili at normal lang na naglakad palapit sa kanila. Nginitian ko si Papa pero hindi ko pinansin ang nasa harap niya.

"Let's eat, Pa." aya ko kay Papa at ngumiti. Hindi siya nagbigay ng reaksyon at mukhang tinatantya ang mood ko. Nakikiramdam din siya sa amin ng kaharap niya.

"Hey, are you mad?" tanong Ni Atlas.

Parang wala akong narinig na nagpatuloy sa pagkain. Naiinis ako sa sarili ko. Gustong-gusto ko siyang makita pero ngayong nasa harap ko naman na siya ay nagagalit at naiinis ako.

Valid naman siguro ang rason ng galit ko. Sinong hindi magagalit kung hindi siya nagparamdam ng ilang araw?

"Caroline Therese,"

Hindi ko pa rin siya pinansin o kahit pinukulan ng tingin. Magtiis siya.

"Titignan ko lang kung nakaayos na ang mga gamit."

Tumayo si Papa matapos niyang kumain. Gusto ko siyang pigilan dahil ayaw kong maiwan kaming dalawa dito ni Atlas pero hindi ako makapagsalita hanggang sa nakaalis na si Papa.

Mas bibilisan ko na lang ang pagkain para hindi na kami magkausap. Natatakot ako dahil baka bumigay agad ako kapag kinausap ko siya.

Naramdaman kong dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang upuan palapit sa upuan ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata na naapektuhan ako.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now