Chapter 15

35 4 0
                                    

Chapter 15

Mabilis kong inagaw sa kanya ang kanyang cellphone. Nakita ko ang gulat at pagkamangha sa kanyang mukha. Muntik pang mahulog ang cellphone pero mabilis ko itong nasambot

"What the?" pagtataka niya.

"Bakit mo pa ise-search?" tanong ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi maintindihan ang nararamdaman dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Why not? Hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng 'syota' ." aniya. Pinigilan ko ang ang nagbabadyang pagtawa dahil inulit na naman niyang sabihin.

"Huwag na," ang tanging nasabi ko. Nangunot ang kanyang noo at sinamaan ako ng tingin.

"Give me back my phone," utos niya. Mabilis akong umiling.

"E, yung 'jowa'? Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?" tanong ko. Napangiwi ako dahil pati ang ilong niya ay nagugusot na dahil sa inis.

"Where did you learn those freaky words?" galit na tanong niya.

"Maririnig mo naman 'yon kahit saan, o kaya mababasa sa internet." sabi ko. Umirap siya sa sagot ko at saka namaywang.

"That's the reason why I don't have any interest in social media. The only time that I got interested is when you stalked my account," ngumisi siya sa huling sinabi. Nanlaki naman ang mga mata ko at parang nangapal ang mukha ko sa hiya.

Mabilis kong binalik sa kanya ang phone at nagsimula ulit maglakad. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko na parang lalabas na. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin iyon?!

"Hindi ko sinasadya 'yon!" sabi ko. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Okay," may bahid ng pang-iinis ang tono ng kanyang boses. Mas lalo pa akong nahiya nang marinig ko ang pagsipol niya sa likod. Alam kong nang-iinis siya.

Hindi ako makapaniwala na may ganitong ugali si Atlas. Ang hirap niya talagang basahin dahil pabago-bago siya ng mood. Ni hindi ko nga ine-expect na mangyayari ang lahat ng ito. Ang pagsasabay namin papuntang school, trabaho, at sa pag-uwi. Pati ang pagtatrabaho niya kung saan ako nagtatrabaho.

Atlas is a really unpredictable person.

"Why did you like my profile—"

"Hindi ko nga sinasadya!" sigaw ko. Akala ko ay magagalit siya pero maliit na ngiti lang isinagot niya. Muntik pa akong matulala sa ngiti niya.

Gusto ko nang maiyak dahil sa kahihiyan. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam nang sobra-sobrang pagkapahiya.

"A-Ano nga palang sinabi mo sa Manager?" pag-iiba ko ng topic. Sana lang ay kumagat siya.

"He interviewed me, that's all." sagot niya.

"Hindi ka pinagpasa ng requirements?"

"Pinagpasa. How the hell would I be hired if I don't pass my requirements?" aniya. Umawang ang labi ko ang tumango. Hindi ko naman kasi nakita na may requirements siyang dala.

"E, sa experience?" alam kong alam naman niya ang tinutukoy ko.

"What kind of experience?" tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pakiramdam ko ang nag-init na naman ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Malay ko," mahinang sabi ko at mas binilisan ang paglalakad. Nakapasok na kami sa street at konting lakad na lang.

"May tanong ako," naramdaman kong binilisan niya rin ang paglalakad niya.

"Ano?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"How do you feel every time....I cuss?"

Hindi ko inaasahan ang tanong niyang 'yon. Matagal bago ako nakasagot dahil iniisip ko kung bakit biglaan niyang naitanong iyon.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now