Chapter 12

28 3 0
                                    

Chapter 12

Hindi pumasok si Atlas noong Friday. Hindi rin siya umuwi ng apartment niya. Magdamag akong hindi nakatulog dahil hinihintay ko siya. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa mga lalaking nagtangka sa amin.

Hindi siya umuwi pero nagtext siya sa akin. Sinabi niyang nakakulong na ang mga lalaki. Hindi na nakuha ang statement ko dahil si Atlas na ang nag-asikaso sa lahat. Nalaman ko rin na pati ang pamilya o kamag-anak ng mga lalaki ay pinalayas na sa kabilang street.

Sa tingin ko ay sobra na 'yon. Hindi dapat nadamay ang pamilya nila dahil wala naman silang kasalanan. Sinabi ko 'yon kay Atlas pero hindi na siya nagreply.

Ang inaalala ko naman ay ang dahilan kung bakit hindi siya umuwi noong Friday. Nag-aalala ako dahil matindi rin ang sugat na natamo niya.

Nang malaman ni Aling Ida ang nangyari ay inulan niya ako ng tanong. Pati ang mga kapitbahay ko ay gustong malaman ang nangyari. Pinaikli ko na lang ang kwento dahil ayoko nang maalala pa.

Sabado ngayon at hindi pa rin umuuwi si Atlas. Tapos na akong maglaba. Nakabili na ako ng washing machine. Walang dryer pero okay na rin dahil hindi na mabubugbog ang kamay ko sa kusot. Nakapagbayad na rin ako ng rent para sa susunod na buwan.

"Meow," napalingon ako kay Thor at nakitang nakalapit na siya sa akin. Nakasandal ako sa railings at tinatanaw ang labas. Ang totoo ay hinihintay ko talaga si Atlas.

Napangiti ako dahil bumagay sa kanya ang binili kong collar. Bumuntong hininga ako at tinanaw muli ang labas. Hindi ko na naitanong kay Atlas kung bakit hindi siya umuwi sa apartment niya. Nahihiya akong magtanong dahil baka isipin niya na masyado akong nakikialam.

Tumunog ang aking phone mula sa loob. Mabilis akong pumasok sa loob at dinampot ang cellphone. Ang nasa isip kong tumatawag ay si Atlas ngunit nanghinayang nang makitang si Tita Clay iyon.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello, Tita."

"Cali, kamusta ka?" she asked. Pinigilan kong mapabuntong hininga.

"Maayos po ako, kayo po? Kamusta kayo? Sina Tito, Ate Farrah, at Faye?" tanong ko pabalik.

"We're good, hija. Ang Tito Francis mo ay busy sa farm habang ang Ate Farrah mo naman ay nagtatrabaho. Si Faye, nag-aaral pero madalas ang gala." sagot niya.

"Nagpunta nga po si Faye dito last time," sambit ko.

"Yes, hindi ko mapigilan sa paggala ang batang iyon kaya pinagayan ko pero binilinan ko na daanan ka...and she told me something," natigilan ako sa huling sinabi ni Tita. Bigla akong kinabahan. May sinabi si Faye?

"Ano po 'yon?" pinilit kong gawing normal ang aking pagsasalita sa kabila ng kaba.

"Uh...is there a guy living near you?" tanong niya. Unang pumasok sa isip ko si Atlas. Naalala kong nakita nga pala ni Faye si Atlas last time.

"Yes po, Tita. Nangungupahan din po sa katabi kong bahay." kunwari ay wala lang sa akin ang pagsasabi no'n.

"Do you trust him? I mean, if he lives beside you, then you guys are interacting, am I right?"

"Opo Tita pero hindi naman po kami c-close," napapikit ako dahil sa pagkautal. Hindi nga ba kami close ni Atlas? Halos araw-araw kaming magkita at mag-usap. At nitong nakaraang araw nga lamang ay sabay pa kaming muntik na mapahamak.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita Clay sa kabilang linya.

"I trust you, if you trust him then that's fine with me." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon