Chapter 26

29 3 0
                                    

Chapter 26

5 months later

The school year ended. Sobrang daming nangyari sa loob ng limang buwan. Hindi rin ako makapaniwala na limang buwan na ang nakalipas mula noong nagkausap kami ng Papa ko.

That was the best day of life. Hindi ko pinagsisihan na binigyan ko siya ng pagkakataon noon. Hindi mangyayari ang lahat ng ito at hindi kami magkakasama kung hindi ko siya pinakinggan noon.

Gaya ng inaasahan ko, nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko noong makausap ko siya. Sobra ang pasasalamat ko kay Tita Clay at Atlas dahil sila ang mga taong nagkumbinsi sa akin na kausapin siya. Ngayon ay walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko.

"Your birthday is near, I want to throw a party for you. Only relatives are invited."

Nasa hapag kainan kami ngayon ni Papa at kumakain ng breakfast. Hindi kami sa loob ng mansyon kumain kung hindi sa may poolside. May mga maids na nagse-serve sa amin ng pagkain.

Sa totoo lang ay kahit limang buwan na ang nakalipas simula nang tumira ako dito sa bahay niya..or bahay namin ay hindi pa rin ako sanay.

"Is that necessary, Pa?" tanong ko. Dahil sa totoo lang ay hindi ako mahilig sa party. Kaya lang ako nakakapunta sa mga party noon ay dahil sinasama ako ni Tita Clay.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Papa. Nilagyan niya ng bacon ang plato ko kaya nagpasalamat ako.

"Huwag na ang party, Pa, kahit simpleng salu-salo o dinner lang ay okay na sa akin." sagot ko.

Hindi naging madali ang lahat bago kami tuluyang nagkasama ni Papa. Kinailangan naming ipaalam sa mga relatives ko sa side ni Mama. May mga ilang nagalit dahil pinaniwalaan din nila noon na nagloko ang Papa ko. Ang iba naman mahinahon at tinanggap si Papa na pinagpasalamat ko.

Pinakilala rin ako ni Papa sa mga relatives ko sa side niya. Nakilala ko ang mga Tita at Tito ko pati na rin ang mga pinsan ko. Masaya silang makita at makilala ako.

I told my Papa that I want to meet my grandparents, pero hindi na mangyayari iyon dahil wala na sila. May bahagi sa akin ang malungkot dahil hindi man lang nila nalaman na may apo sila kay Papa. Kahit pa sila ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Mama.

Papa convinced me to live with him. Nalaman kasi niya na nangungupahan at may trabaho ako sa Pasay kaya kinumbinsi niya akong tumira sa mansyon namin. He doesn't like the idea of me working and living in a small place. Noong una ay nagdadalawang isip ako pero kalaunan ay pumayag ako sa gusto niya.

At ngayong tapos na ang school year, plano ni Papa na ilipat ako sa prestihiyosong paaralan sa susunod na pasukan. Hindi rin ako umangal dahil alam kong gusto niya lang bumawi sa akin.

Hindi agad ako nakapag-adjust noong tumira ako sa mansyon. May sarili akong kwarto at mas malaki pa iyon kaysa sa apartment na tinuluyan ko! Inaasikaso ako ng mga maids at kahit sabihin kong huwag na ay hindi sila nagpapapigil.

May mga maids din naman sa bahay ni Tita Clay noon pero konti lang dahil gusto niyang matuto rin kaming kumilos sa loob ng bahay kasama si Faye at Ate Farrah. Nagpapasalamat naman ako dahil doon ay natuto ako sa mga gawing bahay.

Kalat din ang mga bodyguards sa buong mansyon. Kilalang businessman ang tatay ko kaya hindi mawawala ang mga threats sa buhay niya. Kaya noong sinabi niya sa akin na hindi niya ako mapapakilala sa buong bansa bilang anak niya ay naintindihan ko iyon. Hindi kayang i-risk ni Papa ang kapakanan ko.

Wala akong pakialam kahit walang nakakaalam na may anak si Papa. Ang mahalaga ay makasama ko siya.

Tinupad ni Papa ang pangako niyang babawi sa akin. Kada may okasyon ay lagi siyang may regalo sa akin. Pasko, new year, valentines etc., Minsan nga ay kahit normal na araw lang ay bibigyan niya ako ng kung anu-ano.

The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon