Chapter 4

553 21 0
                                    

Chapter 4

"Good evening," bati ko sa kanya pabalik.

Hindi ko alam kung kukunin ko na ba ang kuting o magbibihis na muna ako. Naiilang din ako dahil wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos bumati.

Sa huli ay napagdesisyonan kong magbihis muna dahil nakahiga pa rin sa mat ang pusa ko. Nakakahiya naman na bigla ko siyang kunin.

Pumasok ako sa apartment at saka naglinis ng katawan. Sabi ko ay magbibihis lang ako pero naglinis narin dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko.

Nagdadalawang-isip ako kung lalabas ako o hindi. Iniisip ko kung naroon pa ba si Atlas o wala na. Dapat nga ay magpasalamat ako sa kanya dahil binantayan nga niya ang pusa.

Nakasimpleng pantulog lang ako at nakalugay ang mahabang buhok. Lumabas ako ng apartment at agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Bahagyang tinangay ng hangin ang aking buhok.

Nasa labas pa rin si Atlas. Naupo siya sa sahig na katabi ng pusa. Nakita niya ako at hinagod ng tingin ang suot ko. Umiwas ako ng tingin dahil bigla akong na-conscious.

Paano ko kukunin ang pusa kung hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ito?

"Salamat sa pagbabantay sa kanya," panimula ko. Muli niyang hinawakan ang kuting na natutulog.

"No problem," sagot niya. Ilang minutong katahimikan ang namagitan bago siya nagsalita ulit.

"What's his name?" tanong niya na hindi nakatingin sa akin. Ngumuso ako nang maalala ang binigay kong pangalan sa kuting.

"Thor," mahinang sagot ko pero alam kong narinig niya. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Ang gwapo.

"Avengers, huh?" komento niya. Mas lalo akong ngumuso. Nahihiya ako dahil feeling ko weird ang binigay kong pangalan pero cute naman.

"Para unique," sabi ko. Mahina siyang tumawa. Akala ko ay mali lang ang narinig ko pero totoo ngang tumawa siya. Parang ang sarap no'n sa tenga.

Hindi ko inaasahan na magkakaroon kami ng conversation na magaan lang. Pangit ang unang encounter namin at ine-expect ko na talaga na hindi kami magkakasundo.

Naisip kong pwede naman pala siyang makausap ng mahinahon lang. Hindi yung para siyang laging galit. Kung ganito siya nung unang pagkakakilala namin ay baka naging magkaibigan pa kami. Who knows?

"I'm Atlas Jimenez, I just realized that we're neighbors and we still don't know each other's name," wika niya. Napakagat ako ng aking labi. Alam ko ang pangalan niya pero hindi niya alam ang akin.

"Caroline Therese Aranza, Cali nalang," sabi ko. Akala ko ay hindi na siya magtatanong pero mali ako.

"You're working, right?" tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya at kinabahan. Baka mamaya ay insultuhin na naman niya ako. Hindi ko na yata kayang maulit ang pag-iyak ko sa harapan niya.

"Oo, bakit?"

"Why? Hindi ba't nag-aaral ka pa?" binalingan niya ako at nakita ko ang malalim niyang pagtitig. Hindi pang-iinsulto ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon kung 'di kuryosidad.

"Working student, part time ko ang pagiging cashier sa Premier Mart." sagot ko. Nangunot ang kanyang noo na parang may hindi naiintindihan. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang na-curious.

"Don't you have parents to support you? And why are you living alone? Why do you have to work for yourself?" sunod-sunod na tanong niya. Napaawang ang labi ko dahil doon. Napansin niya yatang masyado siyang maraming tanong kaya nag-iwas siya ng tingin.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now