Chapter 13

28 3 0
                                    

Chapter 13

"Ha?"

Kailangan ko pang kumpirmahin sa kanya kung tama ba ang narinig ko. Gusto niya raw magtrabaho kung saan ako nagtatrabaho?

"I know you heard it right." seryosong sabi niya.

"S-Sorry, sigurado ka? Magtatrabaho ka?" agad na bumusangot ang mukha niya sa sinabi ko. Para bang nainsulto ko siya.

"When did I not get serious?" inis na tanong niya.

"Biglaan kasi ang pagkakasabi mo," sagot ko. Humalukipkip siya habang nakasandal pa rin sa railings.

"Kailangan ba dahan-dahan?" pambabara niya. Ako naman ang nakaramdam ng inis ngayon. Umirap ako sa kanya at lumapit sa pinto ng aking apartment. Nilabas ko ang susi at binuksan 'yon.

Kung magiging salbahe lang din naman siya, kausapin niya sarili niya.

"Mag-isa ka d'yan," wika ko at isasara na sana ang pinto nang bigla niyang tinulak pabukas ang pinto. Halos mapaatras ako dahil sa lakas niya kahit mahinang tulak lang naman iyon.

"Tsk, I'm asking for help," aniya habang nakahawak pa rin ang kamay sa pinto. Kaunti lang ang awang ng pinto dahil pilit ko pa ring sinasarado iyon.

"Asking for help daw pero ang salbahe mo," inis na sagot ko.

"What? Saang part ako naging salbahe?" tanong niya na parang wala siyang alam. Hindi ako sumagot at masama siyang tinignan. Tinanggal niya ang kamay sa pinto kaya tuluyan ko iyong naisara.

Narinig ko ang pagsasalita niya sa kabila.

"Okay, fine. P-Please."

Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ko ang pinto at tiningala siya. Narinig ko ang pagsasabi niya ng 'Please' at gusto kong kumpirmahan na sinabi ga niya 'yon.

"What?" tinaas niya ang kanyang kilay.

"Anong sinabi mo?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin.

"Nothing," maikling sagot niya at umatras. Ako naman ay lumapit ng kaunti.

"May sinabi ka e," pagdidiin ko.

"I said nothing, wala akong sinabi." pilit niyang tanggi. Seryoso ko siyang tinignan pero hindi siya natinag.

"Okay," sambit ko at muling pumasok sa apartment ko. Malakas kong sinarado ang pinto.

"Please,"

Muli kong binuksan ang pinto para harapin siya. Nakatitig na siya sa mga mata ko at hindi na mailap. Parang bigla akong natauhan. Ang mga mata kong nakatitig din sa kanyang mga mata ay unti-unting napapaso.

Hindi ako makapaniwala na kaya niya palang magsabi ng 'Please'. Naalala ko noong una kaming nagkakilala, kahit kailan ay hindi niya mabigkas ang mga salitang 'Sorry' at 'Thank you'.

Akala ko ay kaya kong matagalan ang titig niya pero hindi pala. Ako ang unang nagbawi ng tingin.

"O-Okay," tanging sambit ko. Huminga siya ng malalim at hinagod palikod ang kanyang buhok.

"As I said earlier, I want to work." aniya.

"Sa pinagtatrabahuhan ko?" muling kumpirma ko at tumango siya bilang pagsagot.

Hindi ako makapaniwala na desidido nga siya na magtrabaho. Ilang araw lang siyang hindi umuwi at ngayon ay buong-buo ang loob na magtrabaho.

"Cashier din ba gaya ko?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong klaseng trabaho ba ang gusto niya.

"No, I want the one that packs groceries." mabilis na sagot niya. Kita ko sa mukha niya na hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakasabi niya.

"Bagger," tumango ako. "Pero kailangan doon ng requirements at saka kahit konting experience." dugtong ko.

The Two Of UsOn viuen les histories. Descobreix ara