Chapter 16

32 4 0
                                    

Chapter 16

"Ang aga mo ulit,"

1 week. Isang linggo na ang nakalipas. Wala akong ibang ginawa sa buong linggo kung hindi ang iwasan si Atlas.

"Napaaga lang," sagot ko kay Irene. Tumango lang siya dahil iyon naman lagi ang sagot ko tuwing nakikita niyang maaga akong pumapasok.

Sinanay ko ang sarili ko na pumasok nang maaga kesa sa usual. Kahit tapos na ang paggawa namin ni Jerald ng activity at nai-present na ay patuloy pa rin ako sa pagpasok ng maaga.

Hindi ko kayang makasabay at makasama si Atlas. Pagkatapos ng ginawa niya noong nakaraang linggo ay hindi ko na alam kung paano siya kakausapin o pakikitunguhan.

Napakaraming tanong sa isip ko. Kahit paulit-ulit kong itanong sa sarili ko, wala pa rin akong mahanap na sagot. Isa lang ang tanong na paulit-ulit pumapasok sa utak ko.

Bakit niya ako hinalikan?

Tuwing naalala ko iyon ay nag-iinit ang buong mukha ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na nangyari nga iyon.

Nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Parang bigla akong nabingi at wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sobrang gulat. Wala na sa akin ang unang halik ko dahil kinuha na niya. Kinuha na ni Atlas. Iyon ang tumatak sa isip ko.

Unti-unti niyang hiniwalay ang kanyang labi sa akin at saka ako tinignan. Kita ko sa kanyang mukha ang pangamba, takot, at kaunting...tuwa. Habang ako naman ay hindi na alam ang gagawin pagkatapos ng halik.

Tinulak ko siya at lumayo sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Nakita kong gusto niya akong hawakan pero hindi niya tinuloy.

Hindi ako nagsalita at mabilis na tumakbo patungo sa apartment ko. Nakatakip ang isang kamay ko sa aking labi. Napasandal ako sa likod ng pinto pagkapasok. Nangilid ang aking mga luha dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Tinapik ko ang aking dibdib dahil hindi pa rin tumitigil sa malakas na pag kabog.

Simula noon ay iniwasan ko na si Atlas. Inagahan ko ang pagpasok at lagi akong nagmamadali sa pag-uwi, h'wag lang siyang makasabay. At sa trabaho, hindi ko siya pinapansin o kahit tignan man lang.

Mukhang alam niyang umiiwas ako dahil hindi na niya ako kinakausap o nagpupumilit na sabay kami. Hindi narin namin naabutan ang isa't-isa sa building. Kung iniiwasan ko siya ay parang iniiwasan niya rin ako.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko.

From: Vincent

I'll fetch you again later. :)

Si Vincent naman ay sinusundo ako pauwi galing school pati sa trabaho. Sinabi ko sa kanya na huwag nang gawin 'yon pero mapilit talaga siya. Kesyo wala naman daw siyang gagawin.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya umuuwi at kung wala ba siyang pasok. Wala daw silang pasok at ayaw niya pa raw umuwi.

Hindi ko na nireplyan si Vincent dahil wala akong load. Nang matapos ang klase ay dumiretso na ako palabas ng school. Sa harap ako ng entrance ng school sinusundo ni Vincent kaya naman madalas kaming pagtinginan.

Nang makasakay sa koste niya ay pinaandar niya agad ito.

"Kamusta?" tanong niya.

"Okay, lang. Busy, malapit nang matapos ang first sem." sagot ko.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now