Chapter 24

25 3 0
                                    

Chapter 24

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na ipagpasalamat ko. Dapat ba akong magpasalamat na sa collarbone ako nilagyan ni Atlas ng kiss mark o dapat ba akong magpasalamat sa uniform ko dahil natatakpan nito ang kiss mark na ginawa niya?

"I'm really sorry,"

Pang-sampung beses na niyang sinabi sa akin iyan ngayong umaga. Monday ngayon at start na ng 2nd sem kaya heto at sabay ulit kaming pumapasok. Sinoli na niya ang kotse niya sa Daddy niya kaya naglalakad kami ngayon.

"Oo na, Atlas." wika ko nang hindi makatingin sa kanya. Nahihiya ako dahil ginusto ko din naman yung halik pero hindi ko naman inaasahan na lalagyan niya ako ng kiss mark.

"But you're mad. I'm really sorry. I lost control and—---"

"Hindi ako galit, Atlas! Tumigil kana sa kaka-sorry mo dahil lalo lang akong nahihiya!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Ang kulit niya kasi. Hindi ba niya nahahalata na nahihiya ako.

Ngumuso si Atlas at napahimas sa kanyang batok.

"O-Okay," wika niya.

Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa. Awkward na naman ang atmosphere at ayoko na nang ganoon. Sinubukan kong magbukas ng ibang topic.

"Alam mo na ba ang ibig sabihin ng 'syota'?" tanong ko. Sinadya kong itanong iyon para siya naman ngayon ang makaramdam ng hiya. Hindi ko rin kasi talaga makalimutan ang gabing 'yon. Tawa ako ng tawa dahil baluktot ang dila niya kapag bibigkasin ang salitang iyon.

"Yeah," kunot noong sagot niya. Ngumiti ako at nagpigil ng paghagikgik.

"Nag-search ka sa internet?" nang-aasar na tanong ko.

"Tss..I already know what's the meaning of that word." aniya na iniiwasan ang tanong ko.

"Hindi talaga ako makapaniwala na hindi mo alam ang ibig sabihin no'n. Hindi mo ba iyon nababasa o nakikita sa internet?"

Tuluyan na siyang humarap sa akin na may bahid ng inis sa mukha.

"I already told you, I only got interested because you liked my picture—---"

"AKSIDENTE 'YON!" sigaw ko dahil pinaalala na naman niya.

Wala na ang bahid ng inis sa kanyang mukha ngayon at napalitan na ng pagngisi. Ako naman ay bumalik ang hiya at nag-iinit ang buong mukha.

"Next time, if you want to stalk me, use a different account." wika niya habang nakangiti pa rin.

Hindi nalang ako nagsalita at tumalikod na para tumuloy sa paglalakad. Kapag pinatulan ko pa siya ay hindi matatapos ang pag-uusap namin. Ang balak ko ay inisin siya pero sa huli ay ako pala ang talo.

Nakasunod siya sa akin na sumisipol at halatang nang-aasar. Parang deja vu ang nangyayari sa amin ngayon.

"Don't worry, I won't call you my 'syota' or my 'jowa' if we're finally together. It's so cringe,"

Pinigilan kong matawa dahil sa kaartehan niya. Agad din namang nawala ang pagngisi ko dahil sa sunod na sinabi niya.

"I will let you use my Facebook account so you can browse my pictures—-"

Humarap ako sa kanya kaya napatigil siya sa sinasabi at huminto sa paglalakad.

"Tumigil kana, Atlas." nagbabantang wika ko habang mariing nakatitig sa kanya.

Napalunok siya ng makita ang kaseryosohan ng boses at titig ko. Kinagat niya ang labi niya at tumango.

"Okay, I'll stop. Sorry," mahinang sabi niya.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now