Chapter 7

559 21 1
                                    

Chapter 7

Jessica: Caroline, san kana?

Nagsusuklay pa ako ng buhok nang ma-receive ko ang chat ni Jessica sa GC. Today is Saturday. Ngayon ang hangout namin at kanina pa sila nagchachat sa group chat. Kakatapos ko lang maligo at ngayon ay nagpapatuyo ng buhok.

Nakasuot lang ako ng high waisted skinny jeans at floral blouse. Ang jeans ay kakabili ko lang last week at ang blouse naman ay regalo pa sa akin ni Tita Clay last christmas.

Nagtype ako ng reply sa kanila.

Caroline: Papunta na ako.

Kinuha ko ang aking sling bag. Sinigurado ko muna na naroon ang susi ng apartment saka ang wallet ko. Nilapitan ko si Thor na nakatingin lang sa akin.

"Aalis na ako, hintayin mo 'ko ha?" hinawakan ko siya sa katawan.

"Meow,"

"May pasalubong ako sa'yo pagbalik ko." sabi ko. Tumayo na ako at saka lumabas ng apartment.

Napagdesisyonan kong iwan na lang siya sa loob ng apartment ko. Baka mamaya ay kung saan na naman siya magpunta.

Naisip kong baka galit si Atlas dahil kay Thor. Siguro ay nakukulitan siya sa alaga ko dahil sunod nang sunod sa kanya. Kahapon ko lang 'yon naisip. Wala na kasi akong ibang maisip na dahilan kung bakit siya galit.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari nung isang araw. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi na witch daw ako at ginayuma ko siya. Sa tuwing naalala ko 'yon ay hindi ko maiwasang hindi matawa.

Sa tingin ko kasi, wala sa vocabulary ni Atlas ang mga salitang 'yon. Lagi siyang seryoso at parang galit. Pagkatapos noon ay hindi na ulit kami nag-usap. Hindi ko alam kung natatandaan niya ba ang nangyari o hindi.

Sumakay ako ng jeep papuntang MOA. Wala na akong data kaya hindi ko na macheck ang gc. Mabuti na lamang at medyo maluwag ang traffic kaya mukhang hindi matagal ang byahe.

Magkikita-kita kami sa isang open parking. Ang usapan namin ay 9:00 am kami magkikita. Mahigit sampung minuto bago ako nakarating.

Pagkababa sa jeep ay natanaw ko agad sila. Kumaway ako ng makita nila ako. Napangiwi pa ako dahil mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Nakakahiya dahil late na nga, ako na lang din pala ang hinihintay.

"'Kala ko scam ka e," nakangiting wika ni Jessica nang makalapit ako.

"Hindi ah, medyo natagalan lang sa pag-aayos." sagot ko.

Namamangha ako dahil ang daming pwedeng puntahan. Kahit nga siguro wala kang gawin at tingnan lang ang mga taong dumaraan ay okay na sa akin. Magandang ideya rin na sumama ako. Noon kasi, hindi naman ako nakakagala kung saan-saan.

Nagtatalo pa sila kung saan kami unang pupunta. Sa huli ay napagdesisyonan na pumunta muna sa Lakbay Museo. Si Marcus ang nag-suggest noon dahil nakapunta na raw siya doon.

Sorang makulay at napakaganda. Tungkol ang Lakbay Museo sa mga Filipino foods, Philippine attractions, at local culture.

Nangulit pa si Jessica na magpicture raw kami dahil ipo-post niya sa instagram.

Sunod na pinuntahan namin ang Blue Bay Walk. Maraming tao, ang sabi ni Marcus ay mas marami raw tao dito kapag gabi dahil sa mga ilaw.

Nagpicture ulit kami. Ayaw na ni Marcus at Jerald pero mapilit si Jessica. Wala namang problema sa amin ni Irene.

"Ayusin mo mukha mo Marcus!" sabi ni Jessica.

"Nakaayos mukha ko," ani Marcus pero nakabusangot naman.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now