Chapter 23

27 3 0
                                    

Chapter 23

"Ayoko na, Atlas." wika ko matapos uminom ng tubig. Napangiwi na lang ako nang makitang nilalagyan niya pa ng pagkain ang plato ko.

"You should eat more," aniya. Umiling ako.

"Ayoko na, busog na talaga ako." sambit ko.

"Fine," he sighed. Kumuha siya ng table napkin at saka walang pag-aalinlangan na pinunasan ang gilid ng labi ko. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha habang ginagawa iyon.

Nagwala na naman ang puso ko. Nang matapos siya at tumikhim ako dahil nailang at nahiya ako. Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko.

Simple lang naman yung ginawa niya pero ang lakas ng epekto sa akin.

Magsasalita sana ako dahil may bigla akong naalala nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bag.

Kinuha ko iyon at nakita ang isang text message na galing kay Vincent.

From: Vincent

Hey, how are you?

Ngayon na lang ulit siya nag-text matapos yung huli niyang text na babalik daw siya dito sa Pasay.

Magtitipa na sana ako ng reply para sa kanya nang biglang magtanong si Atlas.

"Who's that?" kuryosong tanong niya.

"Uhh.. si Vincent." nag-alinlangan pa ako kung sasabihin ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay magkaaway parin sila.

Agad na nagdilim ang mukha ni Atlas sa sagot ko. Nag-iigting din ang kanyang panga dahil sa inis.

"What did he say?"

"Nangangamusta lang," maikling sagot. Nakita ko ang pag-irap ni Atlas. Hindi ko napigilang ngumisi dahil sa inaasta niya.

"Don't reply, it's our date today." seryosong sabi niya pero bahagya namang nakanguso.

Sinunod ko ang sinabi niya dahil ayaw ko namang sirain ang mood niya ngayon. Rereplyan ko nalang si Vincent kapag nakauwi na. Tinago ko ulit ang phone ko sa bag. Hindi ko nakalimutang i-silent iyon.

"Tinago ko na," sambit ko para hindi na siya magalit. Hindi siya sumagot pero nakita kong nangingiti siya. Napangiti ako dahil doon.

"Nga pala," panimula ko dahil naalala ko na ang gusto kong itanong sa kanya. "Ni-reject mo daw si Kate?"

"Yeah," mabilis na sagot niya.

"Bakit?" tanong ko ulit. Kumunot ang noo niya.

"Anong bakit? I rejected her because I don't like her." seryosong sagot niya.

"Balita ko nga ang sungit mo daw, daig mo babaeng may period." sabi ko.

"Tss.." ang tanging nasabi niya at nag-iwas ng tingin. Hindi man lang itinanggi na masungit siya.

Kadalasan sa mga babae ngayon ay mas gusto iyong masungit, cold, at walang pakialam.

"How about you? Iyong Mark, did he confess to you?" siya naman ang nagtanong.

"Paano mo nalaman na may gusto siya sa akin?" gulat kong tanong. Hindi ko alam na pati 'yon ay alam niya. Sa tuwing nasa trabaho kasi kami ay parang wala siyang pakialam sa mga katrabaho namin.

"It was so obvious that he likes you." sagot niya at umirap na naman. Gusto ko ulit matawa. Bakit ba ganito ang inaasta niya ngayon? Nanliligaw pa lang siya pero ang seloso na.

"Sinabi niya sa akin na gusto niya ako pero ang sabi ko ay wala pa sa mga isip ko ang gano'n." wika ko. Buong atensyon na ni Atlas ang nakatuon sa akin. Para bang lahat ng binibitawan kong salita ay napakahalaga para sa kanya.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now