Chapter 19

31 4 0
                                    

Chapter 19

"Vincent!" sigaw ko nang makita ang pagsuntok niya kay Atlas.

Malakas ang impact ng suntok ni Vincent ngunit hindi sapat para mapatumba si Atlas. Napaatras lang siya ng kaunti at saka hinawakan ang pumutok na labi.

Akala ko ay titigil na si Vincent nang masuntok niya si Atlas ngunit hindi pa pala. Lumapit pa siya at saka kinuwelyuhan si Atlas.

"Gago ka!" nanggagalaiting sambit ni Vincent. Walang reaksyon si Atlas at nakatitig lamang dito.

"Tama na, Vincent!" wika ko na umaasang makikinig siya sa akin. Hindi ako pinansin ni Vincent.

"Kilala ko ang ugali mong gago ka! You kissed her without her consent, right?!" tanong ni Vincent habang nakahawak parin sa kwelyo ni Atlas.

Matagal bago sumagot si Atlas. Unti-unting sumilay sa kanyang labi ang isang mapang-asar na ngiti.

"You're absolutely right,"

Pagkatapos iyong sabihin ni Atlas ay isang malakas na suntok na naman ang ibinigay sa kanya ni Vincent. Napatakip ako sa aking labi at tuluyang lumapit sa kanila para awatin.

"Tigilan mo na sabi, Vincent! Tama na!" sigaw ko.

"Tangina mo, Atlas! Kung gagawa ka na naman ng kalokohan mo, huwag mong idamay si Caroline!" galit na sigaw ni Vincent.

Habang si Vincent ay galit na galit, si Atlas naman ay kalmado lang ngunit may diin sa mga titig.

"Don't tell me what to fucking do." mariing wika ni Atlas. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin doon ni Atlas.

Nang makita kong mas hinigpitan ni Vincent ang kapit sa kwelyo ni Atlas ay lumapit ako at hinawakan ang kamay niya.

"Please, Vincent. Tama na," mahinang sambit ko.

Pareho silang napatingin sa akin. Akala ko ay tatanggalin ni Vincent ang kamay niya ngunit si Atlas ang marahas na umalis sa kamay niya.

Dahil sa ingay ay unti-unting naglalabasan ang mga kapitbahay. Nakakahiya dahil gumawa pa kami ng gulo.

Nang tuluyan silang maghiwalay ay hinila ako ni Vincent sa gawi niya. Malakas ang pagkakahila niya kaya muntik na akong matumba. Nang makita iyon ni Atlas ay siya naman ang sumugod.

Umamba siya ng suntok kay Vincent ngunit nang makita ako ay nahinto sa ere ang kanyang kamay.

"Akala ko ay matino kana, hindi pala. At hanggang ngayon ay nandadamay ka parin ng ibang tao."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Vincent. Alam kong ang tinutukoy niya ay yung mga ginawang hindi maganda ni Atlas noon dahil nakwento na niya sa akin 'yon. Nandadamay ng ibang tao?

"Don't act like you're so clean, Arthur." sagot ni Atlas. Hindi agad nakapagsalita si Vincent sa sinabi nito.

"Stay away from, Caroline." wika ni Vincent. Nagdilim ang paningin ni Atlas dahil sa sinabi niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

"Why would I take orders from you? You have no right to command me."

"And you don't have the right to kissed her,"

Nagtagisan ang kanilang mga titig. Napapikit ako dahil mas lalong dumarami ang nakikiusyoso sa nangyayari. Mukhang napansin din naman iyon ng dalawa.

Humarap sa akin si Vincent.

"Get your keys, then lock your doors." seryosong utos niya.

"W-Why?" naguguluhan kong tanong.

"Just do it, Caroline."

The Two Of UsWhere stories live. Discover now