Chapter 10

730 22 4
                                    

Chapter 10

"Badtrip!"

Kausap ko sa phone si Vincent. Ang aga niyang tumawag ngayon. Mabuti nalang at nakaligo na ako nang tumawag siya.

"Bakit?" tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok.

"Mukhang hindi ako matutuloy diyan sa Sabado," sagot niya.

"May nangyari ba?"

"Pinapauwi ako ng Palawan ni Mommy," mahinang sagot niya. Tumawa ako at alam kong narinig niya 'yon.

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya makapalag sa Mommy niya. Basta Mommy niya ang nagsabi, wala siyang magagawa kung hindi sumunod.

"Caroline," banta niya.

"Okay...sorry," pigil ko pa rin ang pagtawa. "Marami pa namang pagkakataon," sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Tsk! Sayang, excited pa naman akong makita ka. Ano na kayang itsura mo ngayon?"

"Hindi ko alam," walang kwenta kong sagot. Humalakhak siya mula sa kabilang linya.

Tinapos ko na ang tawag dahil aalis na ako para pumasok. Bigla akong kinabahan dahil makikita ko ngayong umaga si Atlas. Kung pwede lang na maging invisible ako ay gagawin ko.

Pagbaba ko galing 2nd floor ng building ay nasa baba na nga si Atlas.

"Let's go," aniya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Naglakad ako palapit. Naamoy ko agad ang pamilyar na amoy niya.

"H-Hindi ako sasabay," sambit ko pero sa iba nakatingin.

"What? Why?" nag-iba agad ang tono ng kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi. Bagong ligo rin ako pero parang pinagpapawisan kaagad ako.

"A-Ano....may dadaanan pa ako bago pumuntang school." palusot ko.

Ayoko siyang makasabay dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Dapat ay okay na dahil hindi ko naman talaga sinasadyang ma-like ang profile picture. Hindi dapat big deal 'yon pero bakit parang ang laking bagay noon sa akin?

"Then let's go," aniya.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"We'll not use my car, let's just walk."

Nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang dinig ko? Maglalakad siya at sasabay siya sa akin?

"S-Sigurado ka?" hindi pa rin ako tumitingin sa kanya o partikular sa mga mata niya. Hindi ko kaya, pakiramdam ko ay mapapaso ako.

"Of course, and why aren't you looking at me?" naglakad siya papalapit sa akin kaya nataranta akong umatras.

"T-Tara na," sambit ko at nilagpasan siya. Hindi ako tuluyang nakalagpas dahil nahawakan niya ang kanang braso ko. Parang may kung anong elektrisidad na naman ang dumaloy sa buong katawan ko.

"Look at me," utos niya. Mas lalo kong iniwas ang aking mukha dahil sa lapit niya.

Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Seryoso siya sa lahat ng oras pero ngayon ay makulit siya.

"Male-late na tayo," tanging sambit ko. Nakayuko ako at hindi sinunod ang utos niyang tumingin sa kanya.

"We'll not go unless you look at me." madiin na sabi niya.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya. Umawang ang labi ko nang makita ko ang buong mukha niya. Mas lalo siyang gumwapo sa itsura niya ngayon.

Kaya pala gusto niyang tingnan ko siya ay dahil bagong gupit siya ngayon. Ang gwapo niyang tingnan dahil malinis ang gupit niya. Hindi ko agad 'yon napansin noong una dahil busy ako sa pag-iwas ng tingin sa kanya.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now