Chapter 20

35 4 0
                                    

Chapter 20

Ayoko ring mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasang isipin ang huling sinabi ni Vincent sa akin. Magdamag akong gising at madaling araw na nang dinalaw ako ng antok dahil sa pag-iisip.

Maaring tama si Vincent dahil wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit ako hinalikan ni Atlas. Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko nang unti-unting mapagtanto iyon.

Kung totoo ngang iyon ang dahilan ni Atlas, ganoon ba siya kasama para gawin 'yon sa'kin? Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ko siya sinampal noong gabing hinalikan niya ako.

Nang gabing hinatid ako pauwi ni Vincent ay nadatnan ko sa labas ng kanyang apartment si Atlas. Ako yata ang hinihintay niya dahil para siyang nabuhayan nang makita ako. Ramdam kong gusto niya akong kausapin pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.

Naging matamlay ako sa mga sumunod na araw. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil ilang araw na lang ang finals. Ang dapat na focus ko ay ang pagrereview.

"Kinakabahan ako sa finals," madramang wika ni Jessica.

Nandito ulit kami sa oval at may kanya-kanya kaming notes na binabasa. Kaming tatlo lang nina Irene at Jessica ang nandito. Wala si Marcus at Jerald.

"Hindi ka naman nagrereview," pambabara ni Irene. Bumusangot ang mukha ni Jessica.

"Nagrereview ako 'no!" ani Jessica at pinakita ang notes. Inirapan lang siya ni Irene at sa akin naman bumaling.

"Bakit hindi na kayo nagsasabay ni Atlas?" diretsong tanong niya. Nagulat ako doon. Paano nila nalaman?

"Uhh....." nangangapa ako ng maaaring isagot.

"Ang aga mo na kasing pumapasok lagi," sambit naman ni Jessica.

"Hindi na ako sumasabay sa kanya," sagot ko at saka kinagat ang aking labi. Alam kong mag-uumpisa na silang magtanong kung bakit.

"Nag-away kayo?"

Mabilis akong umiling.

"Hindi ah, wala naman kaming dapat pag-awayan."

"Bakit hindi na kayo sabay?"

"Sinadya ko lang na hindi sumabay sa kanya. H-Hindi naman kami close," nag-iwas ako ng tingin dahil hindi kapani-paniwala ang palusot ko.

"Ang daya mo! Nagsasabi kami sa'yo pero ikaw hindi. Naglilihim ka," humalukipkip si Jessica at nakangusong tumingin si malayo. Para siyang batang nagtatampo.

"Totoo naman, saka ayokong ma-issue. Alam kong hindi lang kayo ang nakakahalata na sabay kaming pumapasok. Umiiwas lang ako." paliwanag ko.

Hindi na ulit nagtanong pa ang dalawa. Hindi naman nagtampo si Jessica. Kunwari lang 'yon para makasagap ng chismis sa akin. Isang buong sem na kaming magkaibigan kaya alam kong hindi siya nagtatampo.

Pag-uwi galing eskwela ay naghanda naman ko papasok sa trabaho. Mabilis ang kilos ko dahil ayaw kong maabutan si Atlas. Nagpaalam ako kay Thor at naglakad na patungong trabaho.

Buong akala ko ay matiwasay akong makakarating sa trabaho nang hindi nakakausap o nakikita man lang si Atlas pero imposible 'yon dahil pareho kami ng lugar na pinagtatrabahuhan. At bagger ko pa siya!

"I will also go to work,"

Pagsasalita ni Atlas sa likod ko. Nakasunod siya sa akin. Boses niya palang ay kilala ko na. Umahon na naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman ako nagtatanong kaya bakit pa siya nagsalita.

Mas binilisan ko ang paglalakad ko at ramdam kong binilisan niya rin ang kanya. Nainis ako at halos tumakbo na makalayo lang sa kanya.

Nahinto ako sa paglalakad nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Ang pagkabog ng dibdib ko ay mas lalong nadagdagan.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now