Chapter 14

30 4 0
                                    

Chapter 14

Nakatitig ako sa aking cellphone na patuloy pa rin ang pagri-ring dahil sa tawag ni Vincent. Natahimik si Atlas kaya alam kong nakita at narinig niya ang pagtawag.

Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag pero wala namang masama kung oo. Gusto ko rin malaman kung bakit hindi na tumawag si Vincent noong nakaraang araw.

"Uh, sagutin ko lang 'to," sambit ko, tumango si Atlas at nauna nang maglakad.

Pinindot ko ang phone at sinagot.

"Hello?" sagot ko.

"Caroline," wika ni Vincent sa kabilang linya.

"Kamusta? Nasa Palawan ka pa?" hininaan ko ang aking boses.

"Yes, matagal pa bago ako makakapunta d'yan," aniya. Ramdam ako ang pagod niya sa tono ng kanyang boses.

"Okay lang, kahit pag-uwi mo ay magpahinga ka muna." wika ko. Para kasing minamadali niya ang pagpunta dito.

"Tsk. Balak kong tumakas, may pupuntahan sina Mommy na meeting—--"

"Hoy! Ano ka ba?!" napalakas ang pagkakasabi ko kaya napalingon si Atlas. As usual ay nakakunot na naman ang noo niya.

Hilaw akong ngumiti sa kanya at mahinang nag-sorry.

"Bakit?!" tanong ni Vincent.

"Bakit ka tatakas? Magagalit Mommy mo!" sagot ko. Narinig ko ang pagpalatak niya.

"Boring! Puro meeting sila," aniya.

"E, ganoon talaga. Huwag ka nang tumakas ah!" nagbabanta kong sinabi. Nagbabaka-sakali akong makikinig sa akin ang isang 'to.

"Fine, pero nasaan ka ba? Parang ang ingay?" tanong niya.

"Ah, papunta sa apartment tapos puntang trabaho," sagot ko. Nakatitig ako sa likuran ni Atlas habang naglalakad. Hindi ko sigurado kung naririnig niya ba ako pero hindi naman niya siguro naiintindihan.

"Oh, okay." sambit ni Vincent. Naningkit ang aking mga mata dahil sa tono ng kanyang boses. Para bang may binabalak siya.

"Huwag kang tatakas ha," banta ko. Narinig ko ang paghagikgik niya sa kabilang linya.

"Yes, promise." sagot niya.

Tinapos ko na ang tawag dahil nakarating na kami sa APRT building. Hindi na ako kinausap ni Atlas. Nagpunta siya sa apartment niya at nagpunta rin ako sa apartment ko.

Pumasok ako at saka nagbihis. May pagmamadali sa kilos ko dahil baka mamaya ay maghintay na naman si Atlas. Mabilis lang ang pagluluto ko at saka pagkain. Matapos ay lumabas ako ng bahay, nagulat pa ako dahil saktong kalalabas lang din ni Atlas. Wala siyang reaksiyon.

"Tara na?" aya ko. Medyo nakangiti ako pero iba ang atmosphere, parang lumamig. Tumango lang siya bilang sagot. Napawi ang ngiti ko dahil doon. Dapat ay nasasanay na ako sa ganitong ugali ni Atlas pero hindi pa rin pala. Ang hirap niya kasing basahin.

Tahimik kaming naglakad papuntang Premier Mart. Hindi ako mapakali kaya nagtanong ako.

"Nasaan nga pala ang sasakyan mo? Parang hindi ko na nakikita," hindi ko na kasi nakikitang naka-park iyon sa labas kaya nagtaka ako.

"Binawi na ni Daddy," maikling sagot niya. Hindi ko maitago ang kuryosidad.

"Bakit?" tanong ko. Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"I-I need to..be independent." nag-iwas siya ng tingin at napakamot siya sa kanyang batok. Napanganga ako dahil sa sagot niya. Gusto kong ipaulit ang sinabi niya pero baka magalit.

The Two Of UsKde žijí příběhy. Začni objevovat