The One with the Ball

Začít od začátku
                                    

"Sabihin mo na lang ang point. Kahit naman walang nangyari kagabi, hindi kumportable ang may bolang ganito sa upuan."

"That's meant to be uncomfortable. That's your secret. Hindi ka makakaupo nang maayos. Pwede kang masanay eventually, pero tatayo at tatayo ka pa rin kasi, kailangan mong lumipat ng pwesto. At kapag nakita iyan nang pinagtataguan mo ng bolang iyan, ng sikretong iyan, kakailanganin mong magpaliwanag. Kaya pumili ka na ngayon. Aalisin mo na lang ba yang bola sa pwet mo, o hihintayin mo pang makita niya yan, na sa dulo, kailangan mo rin namang magpaliwanag."

Inalis ko na ang bola sa upuan ko at iniabot kay kuya. Hinawakan niya ang bola at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

"Gets mo? Yan kasing mga sikreto, may sariing buhay yan. Kahit gaano mo itago, makakalabas at makakalabas ang mga iyan. At makakasakit sila sa pinagtataguan. At ang mas makakasakit pa, pag sa iba pa nila nalaman."

"Wow, kuya, andami mong alam," reaksyon ko.

"I got that from dad, that if you've only given him the chance, siya na rin siguro ang nagsasabi sayo nito."

"Okay lang kuya, nandyan ka naman."

"But I'm just a kuya. A daddy is so much better. Our daddy is so much better," nagiging serious si kuya. "Naalala ko nung pumunta kayo ng Mommy mo sa bahay namin. Nung pinili kami ni Daddy over you and Tita Veron. Alam kong iyun ang umpisa ng galit mo kay Daddy. I understand that. Daddy understands that.

"He isn't a perfect person, we all know that. My mom knows that oh so well. Pero ginagawa niya ang lahat para mapasaya ang mga mahal niya. Dati, may mga sikreto din kami, yung tatakas kami sa gabi para kumain ng ice cream. Pupunta kami sa club house para mag swimming, hihiga kami sa bubong para ituro niya sa akin ang mga stars. Mga sikreto namin yun sa mommy ko. Ayaw kasi ni mommy yun. Delikado, sisipunin ako, tataba ako. Pero gusto ni Daddy na mapasaya ako. Kaya nung nalaman kong may kapatid pala ako sa ibang mommy, tinanong ko si Daddy, 'Dad, bakit hindi mo na kang sinikret sa amin yung ibang family mo?' sabi ni Daddy, 'para makapagsimula na tayong lahat maging masaya.' It must have taken Dad five years for that secret to come out, but mom never found it out by herself. Si Daddy ang umamin. And it was a good decision. Hindi man naging madali para sa ating lahat, eventually things turned out to be okay. Okay sila ni Mommy ko ngayon. Tita Veron seems to be very happy with your Tito Raul. And we, his kids are doing great.

"We can only move forward if we let go of everything that is holding us back. I'm not saying this to take away your grudges on our father. I'm telling you this para maka-move forward na kayo ni Gabriel. Sabihin mo na sa kanya yang ginawa mong kalokohan. I'm sure he'll understand."

"Yun na nga kuya. Lagi niya akong naiintindihan. Talo pa niya ang google," sabi ko.

"Mas mahal ka kasi niya kesa sa kung anu ano pang gusto niyang isipin. Mas mahalaga ka kesa sa mga takot at pangamba niya."

"Nararamdaman ko naman yun," sagot ko.

"Nararamdaman din niya yang tinatago mo," sabi ni Kuya. "Hinihintay ka lang niyang magsalita. How long have you been uncomfortable?"

"Isang buwan na rin, halos."

"Ang tagal na 'tol," sabihin mo na. "Pero sa tingin ko, iintindihin pa rin ni Gabriel yan."

Napaisip ako.

Hanggang sa makarating kami sa Dangwa. Andaming bulaklak. Bumaba kami. Umakbay sa akin si Kuya.

"Daddy is just like that, too. He loves us more than anything else in the world. He always tells me that, 'mahal ko kayo ng mga kapatid mo.' Mga daw, e isa lang ang kapatid ko sa mommy ko. That means ikaw yung ka-mga."

Oh Boy! I Love You!Kde žijí příběhy. Začni objevovat