Episode 75

6.3K 218 65
                                    

"WHAT do you mean?" I asked Mylo with my chest caving in.

He smirked. Tumawa muna siya nang bahagya bago sumagot. "Hindi lang ako ang nanloko dito."

Doon ay naging mabilis ang pagtibok ng puso ko. Naghintay ako sa susunod niyang sasabihin. Nakakainis na para bang sinasadya niya pang mambitin.

"Si Sebastian din-"

I cut him off. "What do you mean?"

Matigas na ang tono. Wala nang pasensya na mababakas sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano itong ibubulgar niya sa akin. Moreover, kung dapat ko ba itong paniwalaan dahil unang-una pa lang, siya ang manloloko dito. Siya ang gago. Ang tarantado.

Imbes na sagutin ako ay nag-smirk pa siyang lalo sa akin. Matapos ay inabot niya ang kanyang cell phone. Maya't maya siyang sumusulyap sa akin habang may kung anong pinipindot doon.

Hanggang sa bigla, nag-ring ang cell phone ko. Kasabay iyon ang paglapag niya ng kanyang cell phone sa mesa.

Tiningnan ko ang screen ng cell phone ko at atigilan ako sa nakita.

What is this . . .

Mylo Rivas sent a video.

"See it for yourself, Chance." He mumbled as he stood up. "You also deserved to know the truth."

Patuloy lang naman akong naguguluhan. I was just there, blinking with the confusion storming my head. Hanggang sa tinapik niya ako sa balikat bago maglakad papalabas ng cafe. Iniwan niya ako dito sa loob. Naguguluhan. Natatakot. Kinakabahan? Pero bakit ako kinakabahan?

Lumunok na lang ako nang malala. Matapos ay huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang cell phone ko. I diverted myself to Mylo's message. At bigla na lang talagang lumakas ang pagtibok ng puso ko nang makita ang thumbnail ng video na sinend niya sa akin.

Nandoon si Sebastian. I was sitting beside him. Ang camera ay nakapwesto sa aming gilid. Obvious na hindi ko alam ang ginagawa niyang ito. Never akong sumulyap sa camera, eh.

Kailan kaya kinunan ni Mylo ang video na 'to?

But by the look of my dress, was this . . . was this the night where I played truth or dare with PDYN Band? The night where I swear, I will never fall for Sebastian again?

Isang malalim na hininga na lamang ang ginawa ko. Naisipan ko nang pindutin ang play button ng video. And then there, it answered my questions.

That yes . . . this was that night I can never forget.

"Sandali!" It was Alaia from the video. "Kukunin ko lang ang cell phone ko sa taas."

She pointed her forefinger towards Sebastian. "H'wag mo munang hahalikan ang best friend ko, ha! Sinasabi ko talaga sa 'yo! Hintayin mo ako, ikakamatay ko kapag hindi ko na-video-han ang first kiss niya!"

There, nawala na siya sa frame. Hanggang sa nag-zoom in ang camera sa amin ni Sebastian. Right now, his stare is cold. I can still remember how intimidated I am by him that time.

"Can I refuse the dare?" Tanong ko. "It's my first kiss. I don't want to lost it just because of a dare."

Naalala ko pa ang kaba ko noong mga oras na ito. First kiss ko, eh. Tapos ibibigay ko lang kay Sebastian na that time ay gigil na gigil ako? Gago ba sila?

"It's just a kiss, Chance. Come on, it's not like, we are about to kill you or something." Maxton laughed.

Sa video ay tumingin ako kina Casper. Shaking my head, I mumbled, "I really don't want to do it. Please, respect it-"

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now