Episode 22

6.7K 236 30
                                    

MONDAY came and I ready myself to face Sebastian. I am ready to dive on his game without getting drown. At the sea of his malicious aim of courting me, I will make sure that I am inflatable. Lulutang ako at hindi magpapalubog sa lahat ng kagaguhan niya.

He should know better.

He should effin know that this Chance Vivienne Zoberano is not deserving of his shits. I am more than what he thinks I am. Kung ang iba ay magkakandarapa para lang ligawan niya, iba ako. Makikipaglaro ako habang nililigawan niya. Makikipaglaro ako at sisiguraduhin ko na sa huli, ako lang ang panalo.

I am confident with that mindset as soon as I entered the classroom. Pero nagulat na lang talaga ako nang walang Sebastian na um-attend sa klase ni Mrs. Catapang.

Ano kayang nangyari sa lalaking iyon? Sobrang nasaktan ba siya nung hindi ko nasagot ang tanong niya sa akin last Saturday? Dinibdib niya ba? Nawalan agad siya ng pag-asang mabuhay? Akala niya ba, basted na agad siya sa akin? Luh? Ang ganda ko?

Bahala nga siya diyan!

Right now, I am alone. Nakaupo ako dito sa bakanteng table na makikita sa gilid ng grassfield. Hindi sumama si Alaia sa akin kasi ang gaga, nandoon sa jowa niya. Kapag iyon talaga nabuntis nang maaga, tatawanan ko siya habang inuubuhan!

Dahil medyo bored ay kinuha ko na lang ang libro ni Colleen Hoover sa bag ko. Reading a book with all of the green infront of you is the most relaxing way to spend your time. I love doing this ever since I was a child.

Bubuklatin ko na sana ang libro nang bigla, may naramdaman akong umupo sa tabi ko. And with his minty scent, mukhang kilala ko na agad kung sino ito. Pamilyar itong pabango niya dahil isang linggo ko lang naman itong naamoy.

Lumingon ako sa kanya. I was about to speak when all of a sudden, my mouth fell open.

It was not Sebastian . . .

Holy God . . .

"Makiki-upo." He started with his friendly smile. Napakalinis niyang tingnan dahil sa maayos niyang buhok. Ganoon na rin ang kaputian at kakinisan ng kanyang balat. Para siyang baby na ang sarap-sarap pisilin sa pisngi.

Letche . . .

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Bato ka, sis?!

"Uhm, you okay?" Ang tanong niya habang lumalawak ang kanyang ngiti.

It was Mylo Rivas.

Yes, Mylo freaking Rivas!

Boset ka, hindi ko na kaya!

Gusto kong gumulong sa damuhan. Gusto kong tumalon mula sa fine tree. Gusto kong maging langgam na nakalaklak ng gunggong na Lola Remedios!

Teka lang, hanuba?!

Bakit habang palawak nang palawak ang ngiti niya, parupok naman ako nang parupok—charot! Mentally, I slapped myself. Naka-move on na ako sa kanya, okay?! Dati ko lang siya crush at hindi na ngayon, olrayt?! Dapat hindi na ganito ang epekto niya sa akin!

Ako kasi iyong tipo ng tao na kapag hindi ko na gusto, hindi ko na talaga iyon gusto hanggang sa huli. I am a huge believer of the quote, "past is past." At oo, ang drama ko. Crush ko lang naman siya pero ganito ako ka-OA. Wampake!

Umubo ako at pinilit na pakalmahin ang sarili. Lumunok muna ako nang malala bago magsalita. "S-Sure . . ."

Tumango siya at sumandal sa sandalan.  Ako naman ay umusod ng kaunti papalayo sa kanya. Ang punyawa kasi, baka wala nang bearing iyong winisik kong pabango sa uniform ko kaninang umaga! Nakakahiya kung amoy-araw ako ngayon! Kahit na ex-crush ko siya, ayaw ko rin namang ma-turn off siya sa akin no!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now