Episode 49

7.9K 228 73
                                    

THE next morning came and the feeling is really surreal. I woke up with a genuine smile on my face. Sino ba namang hindi mapapangiti nang ganito kung ang isang Sebastian Gavin Molina ang nakadilig sa 'yo kagabi? Cheret!

Nang bumangon na ako ay talagang doon ko lang naramdaman na wala na nga talaga ang bataan ko. Dito ko na naramdaman ang kirot ng pagkababae ko. Sa laki ba naman ng pumasok dito ay ewan ko na lang talaga kung makalakad pa ako nang maayos mamaya.

Nagbuntong-hininga na lang ako para maibsan ang pananakit ng ibaba ko. Hanggang sa mapatingin ako sa tuwalya na nakasapin sa kama. Doon ay nakita ko ang dugong nagmula sa akin. Napangiwi ako.

"Hoy . . . Lalaki." Inalog-alog ko si Sebastian.

Dahil hindi naman siya malalim kung matulog ay nagising din agad siya. Nang nagmulat siya ng mga mata ay isang magandang ngiti ang iginawad niya sa marupok kong puso.

"Good morning, baby." He said with a voice that is so deep, so charismatic and . . . so sexy. Bakit ba kasi ganito ka-sherep pakinggan ang boses ng mga lalaki kapag bagong gising?

"A-Anong gagawin natin dito sa towel? Puro dugo ko na pala 'to. Walangya ka, baka isipin ng mga staff na nagsaksakan tayo dito kagabi."

That was the point where he gave me a naughty grin. "Bakit? Totoo naman ah, sinasaksak kita kagabi sa pussy mo gamit ang—aray!"

Nahampas ko nga sa braso! Gagong 'to, ah! Nakuha pang magbiro! Kapag ganitong masakit ang pempem ko, umayos-ayos siya!

Natatawa lang naman siyang bumangon. Kinuha niya ang tuwalya mula sa aking pwetan. Napangiwi ako sa tila ba kalawang na amoy niyon. Pero nagulat ako nang bigla niya iyong ipasok sa kanyang backpack.

"H-Hoy! Bakit mo nilagay sa bag mo?!" Nanlalaki ang mga mata ko sa pagtataka.

He blinked at me. "Remembrance."

"Sasapakin na talaga kita, umayos ka!"

"Kidding." He guffawed sexily and I only gave him a poker face. "Dito ko muna ilalagay para maitapon natin sa garbage bin sa labas mamaya. I am quite sure that the last thing you want is them seeing your virginity blood at the bathroom, right?"

May point naman siya. Iyon ang dahilan kung bakit hinayaan ko na lang talaga siya. Matapos din iyon ay inaya na niya akong maligo. And yes, kahit na ang sakit na ng pempem ko ay may nangyari pa rin sa amin sa banyo. Apakagaleng!

With the water from the shower dropping on our body, our steamy needs kept on growing. Just like how he kept on owning me while he moaned that thing called "love". And I just let him. Mahal na mahal ko siya, eh. At kapag mahal mo, willing kang ibigay ang lahat sa kanya. Kahit na delikado pa. Kahit na maaga pa.

Tanga na kung tanga pero lahat naman ng nagmamahal ay nagiging tanga, 'di ba?

Kaya with that, mabuhay ang mga tanga!

PASADO alas-dose na yata ng tanghali nang maihatid na ako ni Sebastian sa bahay namin. At ang talagang bumungad sa amin mula sa gate ay ang mataas na kilay ni Mom, ang umiigting na panga ni Dad, at ang malditang singhal ni Hope.

At one moment, gusto kong sa bahay na lang nina Sebastian tumira habang buhay.

Pero dahil alam kong kasalanan ko rin naman ito, lumabas kami ni Sebastian sa sasakyan kahit na mapanganib iyon para sa kapakanan naming dalawa. I have no choice but to face the consequences of what I did. Ang gaga ko lang kasi, hindi na ako nakapag-paalam sa kanila. Basta-basta ko na lang pinatay ang cell phone ko. Nang buksan ko na ito ay doon ko na nakita ang 1,000 plus na missed calls galing sa kanilang tatlo.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now