Episode 20

7.9K 280 95
                                    

HINDI na gumanda pa ang timpla ng mukha ko nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Sebastian. Silence was clearly the main theme of the irritating scene that we are currently in.

Binuksan ko na lang ang bintana. Humampas sa akin ang malamig at sariwang hangin. Pinagmasdan ko ang palayan na dinadaanan namin ngayon. Kay ganda nitong tingnan sa ilalim ng bilog na buwan. Para ba itong isang painting na madalas kong nakikita sa mga museum.

"You didn't tell me, your parents are famous." Ang pagputol ni Sebastian sa katahimikan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit ko naman 'yon sasabihin sa 'yo? Close tayo?"

"My mom is a massive fan of your parents," ang tugon niya na para bang wala lang sa kanya ang pagtataray ko. "As far as I can remember, na-kwento niya rin yata sa akin one time na palagi siyang nakasunod sa parents mo sa kahit anong show na mag-guest sila noong kabataan niya. She is so devoted to them to the point na kapag may basher silang kasama sa studio, inaaway niya raw."

"Oh, well . . ." Natigilan ako at para bang biglang lumaki ang mga tainga ko. Mayabang ang ngiting iginawad ko sa kanya.

And then he whispered something. Sakto namang may siraulong bumisina sa likod namin dahilan para hindi ko talaga siya marinig. "I don't really know how would she react after she learned that the girl that I like is the daughter of her idols."

"Ha?" Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Nothing."

"Magsasalita ka na nga lang, pabulong pa. Edi sana, kinimkim mo na lang 'yan nang 'di ako nabu-bwiset dito, 'di ba? Jusko." Inirapan ko siya.

Muli kong tinuon ang tingin ko sa bintana pero nang muli siyang nagsalita ay napalingon uli ako sa kanya.

"Your feistiness is challenging me." From the dim light of the moon, I can clearly see him to smile for me for the very first time. And oh my fucking hell, he appeared to be more handsome with that freaking smile. I found myself swollowing hard over this godly pretty boy beside me.

Then he glanced at me while still wearing that rare smile. "Now, I want to know you more."

Napakurap ako at pinilit na labanan ang sarili sa tukso ng kanyang magandang mukha. Umubo-ubo ako. Nag-kunwaring nabubulunan sa sariling laway.

"Kwento mo sa kalabaw na may pink na panty." Umirap ako sa kanya at saka muling ibinalik ang tingin sa bintana. Napalunok ako dahil sa biglang naramdaman mula sa aking dibdib. Patago ko itong sinapo.

Teka, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Gago ba 'to? Nakainom ba 'to ng gunggong na red horse?

The last thing that I heard from him is a chuckle before silence completely succumbed us once more. Nanahimik na lang talaga ako the whole drive. Mabuti na lang talaga at ganoon rin siya. Mas mainam na iyong manahimik siya keysa kung ano-anong kagaguhan ang pinagsasabi niya diyan.

"WE'RE here." His baritone voice came as soon as the car stopped.

"Alam ko." Tinaasan ko siya ng kilay.

Totoo naman talaga, alam kong nandito na kami. Kung sa ibang kwento, tatanga-tanga ang female lead. Ibahin niya ako. Obvious naman na nandito na kami once na natanaw ko na iyong iba't-bang tent na pinaliligiran ng mga yellow lanterns.

Ano bang inaakala niya? Na ganito ang sasabihin ko? Na, "telege be? Hala shengkyu. Nendete ne pele teye? Hele beket ngeyen mo lang shinabe? Nengengeneg tuloy ako sa keleg. Ahihihihi!"

For the second time, ngumiti siya habang nakatingin sa mukha ko. Matapos ay naiiling siyang tumawa nang bahagya. Ako naman ay napaiwas sa kanyang mukha. Grabe naman kasi ang isang 'to, bakit ang gwapong ngumiti? Bakit ang sarap pangigilan dito sa kotse hanggang mabuntis ako—shuta ka, Chance! Bold na 'yan!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now