Episode 2

11.4K 360 194
                                    

IF someone is to ask me what is the situation that I am witnessing right now . . .  Dzai, World War III siya, dzai. Patuloy ang pagsisigawan nina Sebastian at Catalina. Pareho kayong bingi, mga dzai? Hindi pwedeng mag-usap nang mahinahon? Required manggigil?

"For the nth time, I am asking--" Sebastian started pero pinutol siya ni Catalina sa isang sampal.

"Wow, what was that for?!" He almost squealed in disappointment.

"Because you fucking deserved it, jerk!"

"Why would I fucking deserve it when you are the who kissed some random guy out of nowhere—and take note, hinalikan mo siya sa mismong harap ko!" Napahilamos na lang si Sebastian sa mukha. "Sa mismong harap ng boyfriend mo!"

Exactly!

Maski naman kasi ako, maguguluhan din kagaya niya. Hindi ko makita ang pinupunto ni Ate Ghorl. Gan'on ba siya katanga para hindi malaman na kagaguhan iyong ginawa niya? Basically, that was a form of cheating. Tapos sa mismong harap pa ni baby! Hanuba?!

"Ano? Sumagot ka!" Permanenteng naging marahas ang tono ni Sebastian. "Kasalanan ko na naman ba 'to? Kasalanan kong hinalikan mo iyong lalaking iyon?"

"Oo!"

Teka nga! Kaunti na lang talaga, papasok na ako sa eksena para magdonate ng utak kay bakla! Hanuba? Hanuyan?!

"How was that became my fault?" Nakita kong kumislap ang butil ng luha sa mga mata ni Sebastian. Kumirot ang puso ko nang slight. Ramdam kong naiirita na talaga siya pero . . . wala, eh. Mahal niya kaya olats.

"Because you fucking changed." Iritadong sinuklay ni Catalina ang kanyang mahabang buhok gamit ang mga daliri. "You fucking changed, Baste. Hindi na ikaw iyong minahal ko noong una. Wala na iyong kilig. Wala na akong maramdaman sa 'yo."

Napalunok ako sa narinig.

Nakita kong bumagsak ang mga balikat ni Sebastian. At one moment, he appeared to lose his balance. Napasandal ang kanyang pwetan sa terrace.

At that moment, hindi ko hiniling na maging terrace na lang. Hiniling ko na sana, ako na lang si Catalina. Para hindi na masaktan nang ganito ang baby ko. Kasi kung ako talaga ang nasa pwesto ng babaeng iyan, nako, mapapalaban ang baby na 'yan sa 'ken . . .

"Dahil lang ba sa kilig kaya mo ako sinagot?" Nabasag ang boses ni Sebastian.

"Oo," nagbaling si Catalina ng tingin sa ibang direksyon.

"I didn't changed, Catalina. You are the one who changed. You lifted your standards so high that I failed to reach it. Ang demanding mo na. Okay lang sana kung nasa hulog pero hindi eh. Nasasakal ako. Nahihirapan na ako. Pero kahit na gan'on, mahal pa rin kita."

Tinalikuran siya ni Catalina. The bitch is about to walk out when Sebastian mumbled, "eh ikaw, ba? Gan'on ka rin ba?"

Masakit marinig ang mahinang pagtawa ni Sebastian. Puno iyon ng kirot. "Minahal mo ba talaga ako o pinili mo lang na mahalin ako para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo?

Doon ay muling humarap sa kanya si Catalina.

"Na eto," Sebastian threw his hands on the air, "the popular Sebastian guy is dating you so you get the privelege to have the key of being one of the alpha queens of the University. And now that you get the fame that you are always craving for, wala na ako? Useless na ako kaya itatapon mo na lang ako?"

"What are you fucking saying?!"

"Na ginamit mo lang ako. Na hindi mo talaga ako minahal . . ." Umigting ang panga ni Sebastian kasabay ng tuluyang pagtulo ng luha niya, "totoo naman, 'di ba?"

Ilang segundong namayani ang katahimikan. Walang naisagot si Catalina. At that specific moment, gusto ko na siyang sampalin nang magising na siya sa katangahan niya! Binabasura niya lang naman ang pinapangarap ko, dzai!

Hindi na nakasagot pa si Catalina. Nanatili siyang tahimik na nakatingin lang kay Sebastian.

"Thank you for answering . . ." Those are the last words of Sebastian. Tila ba siyang naghina, napaupo na lang siya sa sahig. Nakatungo siya habang nakasandal ang likod sa terrace.

Muli siyang tinalikuran ni Catalina. Dali-dali akong nagtago nang makitang lumakad ang babaeng tanga papunta sa direksyon ko. Nag-kunwari tuloy akong may hinahanap sa malaking paso ng Alocasia.

Nang masigurado ko nang nakababa na siya ng hagdan, muli kong ibinaling ang tingin kay Sebastian. I heaved my deepest sigh because of his sight.

He looks miserable. Kung may ibang meaning pa talaga ang pinagbagsakan ng langit at lupa, eto na 'yon— siya na 'yon. Kulang na lang talaga ay ulan, papasa na 'tong one of the saddest scene ever.

Charot.

Dahil malakas ang loob ko, I started to walk towards him. Dzai, grab the opportunity na, huy! Malapit nang maghiwalay iyong dalawa, mauna ka na sa pila kahit wala pa namang pila talaga!

Naupo ako sa tabi niya. Sumandal rin ako sa terrace. "Okay lang 'yan. Shit happens and we can never stop it."

Nag-angat siya ng tingin. Dzai, napalunok ako nang magtama ang mga mata namin for the first time! Gusto ko tuloy tumalon sa balcony na 'to sa sobrang kilig!

"Ano ba? Okay lang 'yan, atleast you know it . . . and you are going to move on without any regrets because at the very first place, it wasn't your . . ."

Nakita kong kumunot ang kanyang noo.

Naging mahina tuloy ang boses ko, "fault."

Lumunok ako nang malala, "at all."

"Get out of my sight." He rudely mumbled.

Napakurap ako. Doon ay bigla akong tumayo na para bang isang sundalo na inutusan ng kanyang General.

"You really fucking have the nerves to eavesdrop on our conversation, sino ka ba?" Nakita ko ang lalong pag-igting ng kanyang panga.

Natahimik ako.

Hindi ako naging handa sa bangis na pinaparanas niya ngayon sa akin. Ilang segundong nakatingin lang ako sa kanya na para bang isang daga na nakatingin sa isang lion. Hindi ko magawang makapagsalita man lang.

"You know what? Just leave," marahas niyang itinuro ang pintuan, "just leave!"

Nakatungo ako. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang panginginig nito. Wala na akong hinintay pa kung hindi ang sundin na lang siya. Dali-dali akong pumasok sa loob ng second floor.

Mabigat ang dibdib, gusto kong sampalin ang sarili ko.

Letche . . .

Bakit ba kasi ang pakialamera ko?! Negative points tuloy ako!

Napasabunot na lang talaga ako sa buhok ko habang nagbubutil ng luha ang mga mata ko. Nagpasya na lang talaga akong umuwi at magmukmok sa kwarto ko.

Ayoko na talaga!

Hanuba?!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now