Episode 21

7.3K 227 20
                                    

Author's Note: Ni-rewrite ko 'yung Episode 21 HAHAHA kalimutan niyo na 'yung previous Episode HAHAHAHA

×××

SUNDAY evening came, binabagabag pa rin ako ng itinanong sa akin ni Sebastian. I was really shock. That was by far, the most shocking question that someone has ever asked me.

Mabuti na nga lang talaga at noong mga oras na iyon, sumingit sa eksena ang kapatid kong si Hope. Ang gaga, kinalampag ba naman ang bintana. Sa hiya ay agad na lang talaga akong nagpaalam kay Sebastian. Hindi ko na nasagot pa ang kanyang tanong sa akin.

"Ma'am, nandito na po tayo." Ang sambit ni Manong Kanor kung kaya't nawala ako sa malalim na iniisip.

"Makikibaba na lang po ng mga gamit ko, Manong. Ako na po ang bahalang mag-akyat ng mga iyon sa dorm ko."

Tumango lang ang matanda sa akin matapos ay lumabas na siya ng kotse. Lumabas na rin ako. At nang mailabas na niya ang lahat ng mga gamit ko ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Bitbit ang mga iyon, pumasok na ako sa dorm.

Sa loob ng elevator ay para akong timang. Para akong sabog at ngarag. May isang boses na naman kasi ang nakikipaglaro sa utak ko.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Habang patagal nang patagal ay bumabagal ito nang bumabagal. Iyong para bang sa pelikula, nag-i-slow motion pati ang boses.

"Pweeeedeeee baaaaa kiiitaaaaaang liiigaaaaawwwwaaaaaan?"

Jusko naman, Sebastian! Kagabi ka pang shuta ka! Hindi ka ba napapagod? Hindi ka paos? Taena naman, natutulig na ako sa boses mo!

Swear, ramdam kong mukha na akong pagod na tutubi na walang tinatagong bato sa aking kamay—ay laro pala 'yon. Ano kase, mukha na akong stress na tinubuan ng mukha ng tao nang makalabas na ako sa elevator.

Hindi ko alam kung sincere ba si Sebastian doon. More so, natatakot din ako kasi baka dare na naman iyon. Na baka sa huli, ako ang talo. Na baka pinaglalaruan niya lang ako.

Putragis kasi, dapat pala noong una pa lang ay hindi na ako pumayag na dumikit sa kanya! Galit ako sa kanya pero kasi naman, marupok ako sa pagkain kaya ang dali niyang kuhanin ako!

Mukha pa rin akong nag-iinasong stress nang mabuksan ko na ang pintuan ng dorm. At sa loob, ang unang bumungad sa akin ay ang namimilog na mga mata ni Alaia. Kung tingnan niya ako ngayon ay para ba akong tae na nabuhay para dumihan siya.

"Girl!" Ang sigaw niya.

Napatakbo siya sa akin. Halos mabaklas ang mga buto ko nang hilahin niya ako sa loob para yakapin nang mahigpit. Iyong tipong parang panahon pa ng kastila ang huling pagkikita namin.

"Ano ba, hindi a-ako makahinga! Shuta ka! Balak mo ba kong patayin dito?!" Ang mataray kong bulyaw.

Pero parang wala lang iyon sa kanya. "Sabi ko na talaga, hindi mo ako matitiis eh!"

Ngayon ay umiiyak na ang gaga. "Sabi ko na talaga, love mo ko ihh!"

"Oo na." Umirap ako. "Ang drama mo na, sige na."

Tinulak ko siya nang malakas. Kinabahan ako dahil kung hindi kama ang binagsakan niya ay tiyak na bagok na ang ulo niya ngayon. Ako yata ang may balak pumatay dito, hayop.

Ilang minuto pa ang kinailangan ni Alaia para maka-move on. Habang naglalagay kasi ako ng mga gamit sa cabinet ko ay nakayakap sa akin ang gaga. Miss na miss talaga ako. Well, ganito naman kasi talaga kami kapag nag-aaway. It usually take one week for us to heal and remember that our friendship is better than our feelings. Kabagang ko na ang gagang iyan magmula nang lumabas kami sa pepe ng mga nanay namin. At hindi ko sisirain ang mahabang taon ng pagkakaibigan namin nang dahil lang sa tampo ko.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now