Episode 23

6.6K 226 30
                                    

UNTI-UNTING umigting ang panga ni Sebastian. His gaze is not landed on my face. Nakatingin siya kay Mylo na para bang isang tigre na ano mang oras ay handang salakayin ang kanyang kaaway. Iyong tipong para ba siyang isang mabagsik na tigre na handang pumatay maibsan lang ang init ng kanyang ulo.

Anong problema ng isang 'to?

"Sad, may kasabay ka na palang kumain Chance." Ang sambit ni Mylo kaya't napalingon ako sa kanya. Kung gaano ka-delikadong tingnan ang mukha ni Sebastian, ganoon naman kaamo ang sa kanya. Parang pumapagitna tuloy ako sa demonyo at anghel, shuta.

"How about next time? Can I invite your for a lunch—"

"Wala nang next time." Ang pagputol naman ni Sebastian kung kaya't sa kanya na naman ako napalingon. "I am not going to share her with you."

Luh? Ampucha, desisyon ka?!

Magsasalita na sana ako para salungatin siya pero hindi ko na iyon nagawa pa. Hinablot niya na kasi ang kamay ko. Ngayon ay magkahawak-kamay kami nang magsimula siyang hilahin ako papalayo. And the only thing that I did is to just smile apologetically at Mylo. Sinagot niya naman ito ng isang tango habang nakangiti.

Nang makalayo na kami nang tuluyan kay Mylo ay doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob. Isinalya ko papalayo ang kamay ni Sebastian.

"Ano bang problema mo?"

"I am the one who should be asking you that. Anong problema mo? Bakit wala ka sa library? Bakit may ibang lalaki kang kasama?"

Wait, why do I feel like he sounds like a boyfriend who caught her cheating girlfriend in the act? Luh? Buwaka ng shit ba 'to?!

"Sa grassfield ko piniling tumambay kasi nga doon ako nakakapag-relax. Hindi naman everytime ay nasa library ako. I need time to chill and my own way to do that is by enjoying the nature." Ang patuyada ko naman.

Suminghal pa ako bago nagpatuloy. "Saka teka nga. Magkalinawan nga tayo."

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Nagseselos ka ba?"

Doon ay bigla siyang nag-iwas ng tingin. "Kapal." Ang sambit niya lang.

"Oh, eh bakit kung makatanong ka diyan eh parang nag-cheat ako sa 'yo? Parang niloko kita? Sige nga."

Hindi na niya ako sinagot pa. Tinalikuran niya ako at biglang naglakad papalayo sa akin. Bastos talaga ang isang 'to! Sa inis ay hindi ako sumunod sa kanya. Bagkus ay naglakad ako sa kabilang direksyon—sa direksyon pabalik sa grassfield.

Ngunit ilang segundo lang ng paglalakad ay bigla akong natigilan. May humawak sa kamay ko. Bahagya niya akong hinila dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Saan ka naman pupunta?" Ang sambit ng supladong boses ni Sebastian.

Malabo talaga ang isang 'to! Inis na inis sa akin pero lapit naman nang lapit! Ano? Hobby niya bang pahirapan ang sarili? Bagong trend ba 'to sa internet? Lumapit-sa-taong-kiniinisan challenge ba 'to?

"Babalik ka na naman sa lalaki mo?" Ang pagpapatuloy niya. May kakaibang emosyon sa kanyang boses. Hindi ko iyon mawari dahil komplikado talagang intindihin ang lalaking ito.

"Alam mo, ikaw. Aminin mo na lang kaya na nag-seselos ka—"

"Paano kung sabihin kong oo? Lalayuan mo ba siya?"

Napalunok ako sa narinig. Hindi ako nakapagsalita. Natameme ako nang slight, dzai. Legit ba? Luh? Teka nga, bakit ganito 'tong isang 'to?! Bakit pakiramdam ko, hindi siya nagsisinungaling?! Hanuba talaga?!

"Tss . . ." Ang sambit niya lang bago ako hilahin papunta sa direksyong nilakaran niya kanina.

Patuloy akong natahimik nang makapasok na kami sa cafeteria. Puno ng mga estudyante ang loob nito. Marami tuloy ang nakatingin sa aming dalawa. Agaw-atensyon naman kasi talaga ang magkahawak naming kamay. Dahil doon ay binitawan ko ang kamay ni Sebastian. Tiningnan naman niya ako nang masama. Muli niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan. Bibitawan ko na uli sana iyon pero hindi na niya ako hinayaan pa. Sa huli ay hinayaan ko na lang siya sa trip niya. Boset.

"What do you want to eat?" He asked me as soon as we sat on a vacant table. Naiilang pa rin ako kasi pakiramdam ko, marami pa ring mga mata ang nakatingin sa amin.

"Kahit ano." Ang sagot ko lang.

"Kahit tae?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Sumilay naman ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Pero hindi iyon nagtagal. Muling nag-seryoso ang kanyang mukha. "What specific food does you want?"

"Adobo. Okay na ba?" Ang napipilitan kong sagot para matapos na talaga 'to.

Walang paa-paalam siyang iniwan akong mag-isa sa table. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Ngayon ay nandoon na siya sa counter.

Looking like a model with his well-toned body, he is giving his order at the old lady. Gwapo lang talaga ng isang 'to. Siya iyong tipo ng gwapo na suplado. Iyong tipong kahit na nakakainis na iyong ugali niya, gusto mo pa rin kasi parang mas lalong lumalakas ang appeal niya sa ugali niyang iyon.

Swear, kung wala lang talaga akong trust issues, kikiligin na ako sa ginagawa ng lalaking ito. Kasi let's face the reality. What are the chances na ang isang katulad ni Sebastian Molina na gwapo, matangkad, makinis at maskulado ay pagsisilbihan ang isang hamak na katulad ko? At ang malupit pa, gusto niya pa akong ligawan.

Para talagang fairy tale, eh! Parang ang sarap umasa pero mabuti na lang talaga at matino akong mag-isip. I am a wise woman na marupok man sa pagkain, matalino naman pagdating sa lalaki. Alam kong may tinatagong baho ang Sebastian na 'yan. At sisiguraduhin kong mailalabas ko ang baho na iyon! Sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay sa masamang binabalak niya sa akin!

"Don't stare at me as if I am plotting to kill you." Ang sambit niya nang muli siyang maupo sa harap ko. Inilapag na niya sa table ang mga pagkain namin.

"Let's eat." He mumbled at nagsimula na nga kaming kumain.

Dahil naiilang talaga sa mga matang nakatingin sa amin ay pinili ko na lang ang kumain nang mabilis. Para ngang hindi na ako ngumunguya. Lunok na lang nang lunok ang ginawa ko.

"Alam mo bang ang normal na tao ay ngumunguya muna bago lumunok ng pagkain?" Tanong ni Sebastian. Nagulat naman ako dahil mukhang kanina pa pala siya nakatingin sa akin!

Habang punong-puno pa rin ng pagkain ang bibig, sumagot ako. "Alam mo rin bang hindi ako normal na tao?"

Hindi niya na naman ako sinagot. Parang wala siyang narinig nang bumalik na uli siya sa pagkain. We continued to eat in silence after that.

Hindi nga nagtagal ay natapos na rin kami sa pagkain. Magkahawak-kamay na naman kaming lumabas sa cafeteria. Hindi ko na magawa pang bitawan ang kanyang kamay dahil ang gago, para bang tuko kung makakapit. Iyong tipong parang may glue siya sa palad dahil hindi ko na talaga maalis ang kamay niya sa akin! 

"About my question last Saturday," ang bigla niyang sambit habang naglalakad kami papunta sa kung saan. "Have you already thought about it?"

Right!

The plan!

Gosh, muntik ko nang makalimutan. Mabuti na lang at pinaalala niya!

"Yes . . ." Ang mabilis ko namang sagot. Patuloy pa rin kaming naglalakad.

"How about it? Anong sagot mo?" Hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"Hmm . . ." Sambit ko kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Tumigil din siya sa paglalakad.

"Yes, pinayapayagan na kitang manligaw." I tried my best to sound as genuine as I should.

Doon ay kitang-kita ko kung papaano mabilis na lumingon sa mukha ko si Sebastian. At one moment, I saw some joy on his eyes. Hanggang sa bigla siyang mapangiti habang nakakagat-labi. Huli na ang lahat nang subukan niya iyong itago nang ibaling niya ang tingin sa ibang direksyon.

"Good decision." He mumbled and we started to walk again. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Damang-dama ko tuloy ang init ng malambot niyang palad.

Ang hindi niya alam, mula sa likuran niya ay naka-evil smile ako. Iyong tipong para bang kontrabida sa pelikula na ano mang oras ay sasaksakin siya sa likod.

Good decision, huh?

You wish, Sebastian Molina. You courting me is going to be the worst decision that you will ever made.

Maghanda ka na!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now