Episode 38

6.9K 237 56
                                    

MATALIM ang mga mata ko nang sundan ko ng tingin si Sebastian. The bastard just fucking left me for some random whore. The hell with him? Wala ba siyang natitirang konsensya para makaramdaman man lang ng katiting na hiya sa taong nililigawan niya? O iyong basic humanity na lang sana! Kahit iyong magkaroon man lang siya ng pagpapakatao kasi hello? Tangina, ginagago na niya ako nang harap-harapan. Gaano siya kabalasubas?

Ngayon, naghahalo na ang inis at lungkot sa puso ko. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan . . . pero naisip ko, baka sa huli ay ako lang din ang masaktan. Kasi . . . kasi . . . ano bang karapatan ko? Sino ba ako sa buhay niya? Saka alam ko na naman ang lugar ko sa kanya—alam na alam ko na iyon nung nakaraang mga linggo pa, bago magsimula ang katarantaduhang ito.

Pero bakit ang sakit-sakit pa rin?

Hinanda ko na naman ang sarili ko dito. Aware na rin naman ako dito, eh. Pero bakit gan'on? Bakit ang lala pa rin nung sakit?

Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si Sebastian ay hinawakan ko ang bote ng alak. Wala sa sariling ibinuhos ko iyon sa red cup ko. Doon ay nagsimula na akong uminom. Nilagok ko iyon sa pagbabakasaling maaalis niyon ang kirot sa dibdib ko. Napangiwi ako sa init na luminya mula sa lalamunan ko. Lalong-lalo na sa naramdaman kong pagkapaso ng bituka ko.

Pero wala pa rin, eh. Nandito pa rin talaga ang gunggong na sakit. Bakit ayaw niyang mabura? Bakit parang permanente na ito sa akin? Tangina, ayoko n'on. Ayoko nito.

Doon ay natagpuan ko na naman ang sariling binubuhusan ng alak ang red cup ko. Nilagok ko uli iyon. Napangiwi na naman ako sa luminyang init sa lalamunan.

Akmang kukuha na sana muli ako ng alak nang bigla kong maramdaman na may umupo sa tabi ko. Nang mapalingon ako sa kanya ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"Hi," told by a guy with a long black hair. Umabot iyon hanggang sa kanyang balikat. May tattoo siya sa leeg at dahil nakasando lang siya ngayon ay nakita ko rin ang sleeve tattoo niya sa kanyang kaliwang braso.

He is Gregor. Kilala ko siya kasi naging crush ko lang naman siya nung freshman pa lang ako. Manly, eh. Tapos ang lalim pa ng boses.

"Hello . . ." I scooted myself away from him, that allows me to have some distance with him.

"Ngayon lang kita nakita dito sa town natin. What's your name?"

Wow, ngayon mo lang ako nakita dito? Totoo ba? Lagi nga kitang nakakasalubong sa University! So after all this time pala, invisible ako sa putragis na mga mata mo?!

"Chance." Maiksi kong sagot kasi na-insulto ako nang slight sa sinabi niya. Gagi 'to. So kung hindi pala ako magsusuot ng revealing na dress ngayon, hindi niya malalaman na nag-e-exist ako? Mga lalaki talaga!

"What a beautiful name, Chance. By the way, I'm Gregor." He smiled with his natural sexy grin. "Wanna dance with me?"

Tumikhim ako. At first, naisip kong humindi kasi baka magselos si Sebastian. But then again, naisip ko rin na sino ba siya para magselos? May kami ba? 'Di ba wala?

"Sure," I smiled back at Gregor.

Nang nilahad niya sa akin ang kanyang kamay ay inabot ko iyon. We are holding hands as we walked towards the dancing party people. Ngayon ay wala na doon sina Alaia at Maxton.

Pero nasa kalagitnaan na kami ng pagpunta doon nang biglang may humawak sa kabilang kamay ko. Nang mapalingon ako sa direksyon niya ay napalunok ako sa nakita ko.

It was Sebastian and his flaming eyes.

"Let's go." Sambit niya. Malalim ang kanyang boses. Madilim ang kanyang mga mata. Umiigting ang kanyang panga.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now