Episode 32

6.9K 225 27
                                    

NANG matapos ang klase namin kay Mrs. Catapang ay hindi na ako nilubayan pa ni Sebastian. He is clearly following me non-stop. At take note, nang magka-hawak pa ang mga kamay namin. Pinagtitinginan na nga kami ng estudyante pero parang wala lang sa gagong ito.

"Ibang level na talaga ituh!" Pumalakpak si Alaia habang humalakhak. Ang sarap sungangalin sa ngala-ngala ampucha.

"Shet, guys! Meet the new Campus King and Queen!" Ang sigaw niya pa at gusto ko na talaga siyang sampalin.

Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Sebastian nang bigla niyang higpitan iyon. I glared at him. He only threw me a haughty "what?" look.

Napatakip na lang ako sa mukha. Hinayaan ko na lang talaga siya hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. Ramdam kong pulang-pula ang mukha ko nang biglang tumingin sa amin ang mga estudyante dito sa loob. Sinundan nila kami ng tingin hanggang sa makaupo na kami sa bakanteng pwesto.

"Girl, nako mag-ingat ka!" Ang panimula ni Alaia. "Tingnan mo ang tingin sa 'yo ng mga babae, ang tatalim. Marami kang kaagaw dito sa jowa mo—"

"Manliligaw." I glared at him. "Manliligaw pa lang."

"Pa lang?" She is now smiling like crazy. "So, may chance na one of these days ay sagutin mo rin siya?"

"Hindi malabong mangyari 'yon." Si Sebastian ang sumagot habang nakangisi nang makamundo sa akin.

"Gago!" I rolled my eyes at him. "Alam niyo, tantanan niyo ako sa kagaguhan niyong 'yan. Kumain na lang tayo, okay?"

"Sure, baby." Ang sagot sa akin ni Sebastian at talagang gusto kong mahimatay sa sahig. "Ano bang gusto mong kainin?"

"Tigilan mo ako sa baby na 'yan!" This is the first time he ever called me that. At hindi ko alam kung bakit parang ang sarap-sarap niyong pakinggan.

"So ano nga ang gusto mo, baby?"

Napatakip na lang ako sa mukha. Nagkunwari akong naiinis pero ang totoo, sa likod ng mga kamay ko ay nakangiti ako! Jusko naman kase, bakit nakakapanghina iyang pagtawag niya sa akin ng baby? Bakit parang sagad sa buto iyong epekto sa akin?!

"Ano nga, baby? Para makakain na tayo." Ang pangungulit niya pa.

Inalis ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko. I rolled my eyes at him. Still trying to hide my god damn smile. "M-Menudo na lang."

He only chuckled huskily as he stood up. Si Alaia naman ay patuloy ang pagngiti sa akin na para bang tanga. Sinundan na rin niya ang baby ko—este Sebastian! Sebastian kase!

Sinundan ko lang ng tingin sina Alaia at Sebastian. Pinauna ni Sebastian ang best friend ko sa pila. Ngayon ay kitang-kita ko ang malapad niyang likod. Bagay na bagay talaga sa lalaking ito ang kahit na anong isuot niya. Partida, uniform lang namin itong suot niya pero kapag siya ang nagsuot, nagmumukhang mamahaling damit ito.  Isa pa siguro sa nakapagpadagdag sa kanyang appeal ay ang maskulado niyang katawan. His well-toned legs are long and as well, his behind is freaking prominent. Bakit ba kasi ganito ang mga lalaki? Parang mas malalaki pa ang mga pwet nila keysa sa aming mga babae?!

Makaraan ang ilang saglit ay bumalik na uli ang dalawa sa table namin. Doon ay nagsimula na kaming kumain. Hindi na talaga ako nakatingin pa nang diretso kay Sebastian. Kung may itinatanong siya ay maikli lang ang isinasagot ko. Mabilis akong bumabalik sa pagkain.

"Girl, gusto mo bang sumama sa amin bukas sa Tagaytay?" Ang biglang tanong ni Alaia.

"Bakit naman? Anong gagawin niyo doon? May date kayo ni Maxton?"

Pero imbes na sagutin niya ako ay ibinaling niya ang tingin kay Sebastian. "Teka, hindi mo siya niyaya Baste?"

Doon na ako tumingin kay Sebastian. He blinked as if that caught him offguard. It took him a few more seconds to finally recover. 

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now