Episode 12

7.8K 284 47
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw, namalayan ko na lang na Lunes na pala.

Ngayon ay nasa loob na ako ng SUV papunta sa University. Hindi ako sanay bumiyahe nang umaga. Usually naman kasi talaga, nasa dorm na ako Linggo pa lang para kinabukasan, hindi na ako ma-le-late sa klase.

Pero iba ngayon. Hinding-hindi ako matutulog sa dorm na 'yon!

Imbyerna pa rin talaga ako kay Alaia. Magmula nang umuwi ako sa bahay ay hindi ko na talaga siya pinansin. I even blocked her sa lahat ng socmed accounts ko. Tawag kasi nang tawag. Alam naman niyang irita ako sa kanya!

"Thanks po, Mang-" hininaan ko ang boses ko nang mapansing may mga taong naglalakad sa likuran ko.

Letche, nakalimutan kong may makakarinig pala sa akin. Nasa gilid kasi kami ng pathway papunta sa main gate ng University. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging pangalan, Kanor pa ang pangalan ng driver namin?!

Nagpaalam na lang ako sa kanya nang mabilis. Nagmadali na akong pumasok sa University. Right now, I am walking towards the stairs of Business Management building.

My class for today is Techinical Writing in Research and Law on Obligation and Contracts. Iyong nauna ay sa umaga at iyong huli naman ay sa hapon. At ang saya lang, iyong huling subject namin ay pahirap pa sa buhay. Ngayon ay bigat na bigat ako sa tatlong makakapal na librong bitbit ko. No choice naman kasi ako, required ito sa subject na 'yon. At hindi ko rin naman ito pwedeng iwan sa dorm kasi nga, imbiyernang imbiyerna talaga ako sa gagang si Alaia.

Pawisan ako nang sa wakas ay marating ko na ang classroom. Sa loob ay marami na ang mga kaklase kong nakaupo. Lahat sila ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ang iba ay aligaga sa pagtapos ng assignment at ang iba naman ay nag-ce-cell phone lang.

Pero si Alaia? Ngayon ay nakangiti siya sa akin nang malawak na para bang wala kaming problema.

"Girl! Tara dito, absent iyong partner ko. Pakopya ako ng assignment-"

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako at nilagpasan ko siya. Doon ako naupo sa pinakalikod. Parang bata naman si Alaia, halos maluha-luha siyang nilapitan ako. Niyakap niya ang braso ko at nagpumiglas ako. Pero para siyang tuko kung makakapit, napakahigpit, kaya hindi niya ako nagawang bitawan!

Sisikuhin ko na 'to sa lalamunan! Nyeta!

"Ano ba?!" Mataray kong sambit.

"Sorry na kase." She is giving me a puppy eyes. Namumula ang kanyang pisngi at mga tenga. "Ito naman, akala ko kasi gusto mo ring mahalikan ni Sebastian. Akala ko, pangarap mo 'yon. Kasi 'di ba patay na patay ka sa lalaking 'yon? So akala ko-"

Malamig ang mga matang ipinukol ko sa kanya. "Akala mo, ano? Akala mo, basta-basta na lang akong bibigay at magpapahalik sa kanya? For fuck's sake, Alaia. That was my first kiss. Special dapat sa akin iyon pero wala na. Wala na dahil sa fucking game ninyo."

Umirap ako at lalong humigpit ang pagyakap niya sa braso ko. Isa na lang talaga, i-a-upper cut ko na 'to sa puson!

"Sorry na nga," her lips is forming an upward curve together with the bead of tears on her eyes. "Bati na tayo."

Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin. Nanahimik ako. Masama pa rin kasi talaga ang loob ko sa kanya. Mainit pa rin talaga ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.

"Bilis na," nagtatalon-talon pa siya sa upuan na para bang batang nag-ta-tantrums.

"Pwede bang 'wag kang mag-demand?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka gusto mong ipaaalala ko sa 'yo na ako ang na-agrabyado dito. Sa ating dalawa, ako iyong nabastos at hindi ikaw."

Doon na siya natigilan at nanahimik.

Nag-iwas uli ako ng tingin sa kanya.

"Just give me enough time to heal and think about what happened, Alaia. 'Wag mo muna akong kausapin, please." Sambit ko, ang mga mata ko ay nakatingin sa white board.

"Okay . . ." Came by her small yet fragile voice.

Matapos niyon ay tumayo na siya. Nakatungo siyang bumalik sa kanyang upuan. Nang makaupo na siya ay nakita ko siyang huminga nang malalim matapos ay inihiga niya ang kanyang ulo sa armchair.

Hindi ko na siya pinansin pa.

"OMG! Girls, ayan na si Sebastian!" Napalingon ako sa kaklase kong babae na nakaupo sa gilid ko.

Naningkit ang mga mata ko sa kanila. Mga haliparot! Kung alam niyo lang kung gaano kademonyo ang hayop na 'yan, magsisisi talaga kayo! Pero ang mga bakunawa, nagtilian pang lalo nang nasa pintuan na si Sebastian.

Napairap na lang ako.

Nang makapasok na si Sebastian ay walang pagbabago sa kanya. Suplado at antipatiko pa rin siyang tingnan. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Hindi rin siya naka-coat, tanging polo lang ang suot niya. It was unbottoned down to the lower portion of his broad chest. Iyon ang dahilan kung bakit nakikita ko ngayon ang puting tank top niya beneath his uniform.

Nagtaka ako nang bigla siyang huminto sa harap. Inilibot niya ang mga mata sa buong classroom. And when his gaze landed on me, I glared at him. Pero ang gago, nagulat ako nang makitang naglalakad siya papunta sa akin.

At lalo akong nagulat nang maupo siya sa tabi ko. Pinagtinginan tuloy kami ng mga kaklase namin. Nang makita ko naman si Alaia ay nakangiti na ito na para bang kinikilig. Pero nang mapansin niyang nakataas ang kilay ko sa kanya ay bigla siyang tumalikod sa akin.

"Good morning," Sebastian mumbled as he stared at me for about a couple of milliseconds.

Gago ba 'to?

I am glaring and quizzically staring at him at the same time. Pero wala siyang pakialam. Hindi na niya ako pinukulan pa ng tingin.

Napailing na lang ako. Naisip na baka may kung anong kagaguhan na naman itong pinaplano sa akin. Ako na lang ang lalayo. Ako na lang ang mag-a-adjust. Na naman.

Akmang tatayo na sana ako para lumipat pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. That made me automatically throw his hands off of me.

"What is wrong with you?" I harshly asked as if growling like a tiger.

Nang tingnan niya ako diretso sa mga mata ay may ilang segundong napalunok ako. Pero nakabawi rin naman ako agad. I mentally shook all of my intimidation away. I glared at him.

"Dito ka lang sa tabi ko." He mumbled with his baritone voice. Still not giving me a single glance.

Nanggagago na nga talaga ang isang 'to. Paanong out of nowhere, gusto niyang tumabi ako sa kanya? At take note, after pa nung pang-ga-gago niya sa akin sa party?

My patience is growing thinner and thinner. Napapikit ako sa inis at piniling lumayo na lang talaga sa kanya. The last thing that I want right now is nothing but trouble with him. Si Mrs. Catapang pa naman ang professor namin at malilintikan talaga ako kapag naabutan niya kami ditong nagkakagulo.

Tumalikod na akong muli kay Sebastian. Akmang maglalakad na sana ako para maupo sa ibang upuan nang bigla, naramdaman ko na naman ang kamay niya sa kamay ko.

Before I knew it, he swiftly made me sit on the chair beside him. He is standing infront of me when all of a sudden, he leaned forward with his hands resting on top of his armchair and mine. Trapping me. Making me dumbfounded.

"Stay here . . ." He is staring right into my eyes with our lips getting closer and closer up until the distance between us became too dangerous for me. I can freaking smell his breath, it's minty. All that I did is to just swallow hard when he added, ". . . beside me."

Matapos niyon ay bigla na siyang naupo sa tabi ko.

Napakurap na lang ako.

Hindi ko alam pero para akong nanghina sa ginawa niya. Napasapo ako sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim. Pinakalma ko ang sarili ko. Hanggang sa hindi na nga talaga ako nakalipat pa ng upuan nang makitang pumasok na si Mrs. Catapang sa loob ng classroom namin.

Peste ka talaga, Sebastian Molina . . .

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora