Episode 29

7K 232 24
                                    

NANG makapasok na kami sa loob ng bahay ay doon lang tumigil si Sebastian sa pang-aakit sa akin. Nawala na ang pagkagat niya sa labi. Gayon na rin ang makamundo niyang pag-ngisi.

Shuta! Buti na lang talaga at may limitation ang kamanyakan ng isang 'to! Kasi kung magpapatuloy talaga 'yon? Ay nako, dzai! Kawawa ang bataan ko—charot!

"Oh, bakit ang bilis niyo naman yata?" Bulalas ni Tita Gab na ngayon ay nakasuot na ng red one piece swimsuit. Mukha talaga siyang dalagang tingnan. Iyong tipong mas mukha pa siyang ate ni Sebastian keysa nanay.

"It's okay, Mom." Sebastian is still holding my hand. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Nag-enjoy naman si Chance."

Nang bigla akong mapatingin sa kanya ay talaga nga namang ngising-ngisi ang gago. "Right?"

Naubo tuloy ako sa sariling laway. Muntik ko na siyang mahampas. Mabuti na lang talaga at nakapagpigil pa ako nang magsalita si Tita Gab.

"Really? What did you do ba? Nag-swimming kayo?"

"Y-Yes po, T-Tita . . ." Ramdam kong lahat ng dugo ko ay umakyat na sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang pag-iinit nito ngayon.

"Swimming lang?" Ang tanong naman ni Sebastian. Gusto ko na talaga siyang pitikin sa esophagus!

"Bakit, may iba pa ba?" Ang tanong naman ni Tita Gab.

Talagang para ba akong na-trap ng mag-ina. Gusto ko na lang talagang magsimulang mag-bungkal ng lupa para sa sarili kong libingan. Mukhang ang pagkapahiya talaga ang ikamamatay ko, jusko naman!

Pero mabuti na lang ay biglang dumating si Tito Ralph na kagagaling lang sa taas. Right now, he is wearing a white t-shirt and a navy blue drawstring shorts. He is looking like a real zaddy, I mean it with rolling eyes emoji. Walangya, bakit parang mas hot pa siya keysa sa anak niya?!

"Let's go, babe." Supladong sambit niya. "Kanina pa tayo hinihintay nina Vince."

"Ah, oo nga pala! Sobrang liit pa naman ng pasensya ng baklang iyon!" Hinampas ni Tita Gab ang hangin at saka bumeso sa amin ni Sebastian. "Siya, sige na. Mag-gagala lang kami ng Dad ninyo. Kayo na muna ang bahala dito sa Villa, ha? The maids are outside, tawagan niyo lang sa telephone if may kailangan kayo."

Tumango ako. "Ingat po kayo, Tita Gab and Tito Ralph."

Ngumiti sa akin si Tita Gab at hindi naman ako pinansin ni Tito Ralph. I really want to slap myself for what I did earlier this morning! Dahil tuloy sa kagagahan ko ay turn off na turn off sa akin ang childhood idol ko!

"Tell Tito Vince that I say hello, Mom."

"Sure, anak. Na-miss ka rin ng isang iyon, baka nga bisitahin ka niya dito mamaya, eh."

Bumeso pa muna uli sa amin si Tita Gab bago sila lumabas ng bahay. At ang hindi ko lang alam ay doon na pala magsisimula ang kalbaryo ko . . .

"Paano ba 'yan? Tayong dalawa na lang dito." Biglang bulong sa akin ni Sebastian. His voice is low and husky. Para bang hinahagod niyon ang hita ko. "Solo na talaga kita."

Nahampas ko nga! "M-Magtigil k-ka nga! Kilabutan ka sa mga sinasabi mo!"

Ramdam kong pulang-pula pa rin ang mga pisngi ko nang pumadyak ako patungo sa hagdanan. Sebastian just laughed naughtily while following me.

Nang makatungtong na ako sa second floor ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko. I quickly opened the door and was about to close it when all of a sudden, Sebastian halted me.

"Are you scared?" He is smiling sexily. He is biting his lips as he smiled. "Don't be because pleasure is not something to fear with."

Napalunok talaga ako. "E-Enebe, Sebastian . . ." Hindi ko sinasadyang mag-tunog pabebe, jusko nemen—hanuba, Chance?!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now