Episode 61

5.5K 195 33
                                    

"HELLO?"

"Ayoko."

"Gaga, wala pa nga eh!" Gigil na anas ni Alaia mula sa kabilang linya. Ngayon ko lang uli nakausap ang babaeng ito. Na-miss ko tuloy bwisitin.

"Kung ano man 'yan, a yo ko." My cold voice continued.

"Alam mo, ikaw. Napaka-KJ mo talaga! Hindi mo ba ako na-miss? Ayaw mo ba akong maka-bonding? Ngayon nga lang ako free! Tapos ngayon ka pa mag-ma-maldita nang ganyan!"

I chuckled and rolled my eyes. "Blablabla. Ano ba kasi 'yon?"

"Hmm," there it goes. Her forced cute voice.

"Yayayain sana kita tonight, may gig ang PDYN Band sa Tagaytay." She stated and initially, I felt like it's not a good idea. "Tara, sama tayo! Matagal na rin kasi simula nung nag-Tagaytay tayo!"

On cue, I shook my head as if she is just infront of me. "A-Ayoko, 'di ako pwede ngayon. May lesson ako with my tutor-"

"Nagsisinungaling ka." From the other line, I can really imagine her poker face right now. With matching crossed-arms pa 'yan, panigurado.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. Wala talaga akong kasinungalingan masasabi sa babaeng ito. Magsisinungaling pa lang ako, huli na niya agad.

"Hulaan ko, ayaw mong sumama dahil nandoon si Baste?" Patutyada niya pa. "Teka nga, akala ko ba naka-move on ka na sa kanya?"

"O-Oo nga! Naka-move on na nga ako!"

"Nagsisinungaling ka na naman."

"Alam mo ikaw, desisyonavility ka talaga! Sabing oo, naka-move on na nga ako sa bakulaw na 'yon!"

"Sige, kung talagang naka-move on ka na," she made sure that she will emphasize the word "move on". I want to hit her. "Sumama ka mamayang gabi. Kasi as what you just said, okay ka na. Moved on ka na. So, what's stopping you pa from our bonding? At saka, girl. Ito lang ang free kong oras para sa bonding natin. Makisama namern!"

"Oo na," umirap ako. "Pero kailangan ko pang magpaalam kay Mylo, okay?"

"Ay, jowa mo siya, teh?"

"Hindi."

"Tanga ka, teh?"

"Gaga," I laughed. "Magpapaalam ako kasi sa kanya ako committed ngayon. Kahit nanliligaw pa lang siya, the fact na pinayagan ko siya, I should also be responsible with his feelings. Panigurado, ganoon din ang mararamdaman ko kapag nalaman kong makakasama niya 'yung ex niya somewhere else."

"Alright, okay." Na-i-imagine ko talagang umiirap siya ngayon. Gusto ko na talaga siyang mabatukan. "Oh siya sige na! See you later na lang! Luv yah!"

Hindi niya manlang ako hinintay na sumagot. Marahil ay alam na niyang hate yah lang ang isasagot ko.

Natawa na lang ako bago naisipang tawagan si Mylo. And as expected, the moment na narinig niya ang PDYN Band ay hindi na naging maganda ang timpla ng boses niya. He has this strong jelousy against Sebastian and I get it, ex at first love ko ang damuhong iyon eh.

In the end, pumayag naman siya pero may condition, dapat ay kasama siya. Well, I didn't bother naman to say yes. Welcoming naman si Alaia at ang PDYN Band sa lahat at sure akong hindi siya ma-a-out of place.

Paniguradong magiging okay lang naman siguro kung pagsasamahin namin si Sebastian at Mylo sa iisang table.

Hmm, right?

Everything will be alright naman . . . or, so I thought?

KINAGABIHAN, nagtungo na kami ni Mylo sa Tagaytay. Si Alaia ay hindi sumabay sa amin. Doon na lang daw siya sa van ng PDYN Band sasakay.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now