Episode 54

7.5K 278 63
                                    

HINDI ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. I was just there, standing with my tears endlessly streaming down my cheeks. Para akong batang humahagulgol, umiiyak sa gitna ng pagkaligaw sa gitna ng madilim kong mundo.

"Come on." Ang sambit ni Mylo.

Ewan ko ba, seeing him made me cry more. Siguro kasi . . . na-disappoint ako? Na sana, si Sebastian at ang kanyang sasakyan ang nasa harap ko ngayon? Na dapat, siya iyong nandito. Humihingi ng kapatawaran sa akin. Iyong sinusubukan akong kunin muli. Iyong pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako . . . katulad ng kung papaano niya ako sinanay.

Pero hindi, eh.

Siguro, ganoon nga lang talaga iyon.

Siguro, hindi nga ako mahalaga sa kanya. Nagawa niya ngang makipaghalikan sa ibang babae nang hindi iniisip ang mararamdaman ko. Nagawa niya akong gaguhin kahit na alam niyang masasaktan ako doon. Ito pa kayang magawa niyang hindi ako habulin para manlang sana gumaan ang loob ko?

He is a total fucker and what a fucking December this is for me.

Patuloy ang paghagulgol ko nang lumabas na si Mylo sa kanyang sasakyan. I can clearly see how he hid his grimace as he held my hand. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa kanyang sasakyan.

"Where's your house?" He asked me and I am too messed up to answer.

"Hey . . ." Ang pag-uulit niya pero wala akong balak na sumagot. Kasi iyong sakit sa dibdib ko? Iyong kakaibang init ng kirot dito? Malala. Malala to the point na nawalan na ako ng ganang magsalita.

Sa huli ay naramdaman kong nagbuntong-hininga si Mylo. Matapos niyon ay pinaadar na niya ang kanyang sasakyan. Wala akong pakialam kung saan kami patungo. Kasi ang naiisip ko lang ngayon ay walang iba kung hindi ang tanginang kirot sa dibdib ko.

I continued to just cry like a kid for about a couple of minutes. Ang mga minutong iyon ay pinunan ang sasakyan na ito ng mahina kong paghagulgol at ng walang sawang pagtulo ng mga luha ko.

Hanggang sa bigla, tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa harap namin. Mylo just parked his car infront of a convenience store.

"Just wait here." He told me with a careful smile. "I'll be back in a minute."

I only nod at him as I wiped my endless tears. Agad rin naman siyang lumabas ng sasakyan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa loob. Pero matapos din ang ilang mga minuto ay bumalik rin siya dala-dala ang isang plastic bag.

Nang makapasok na siya sa loob ay malawak ang ginawa niyang pag-ngiti. "I think, this will make you feel better."

Inilabas niya ang kanyang binili. Isang gallon ng ice cream. At doon ay para akong tanga na lalong lumakas ang paghagulgol. Ano ba, teh! Ice cream lang 'yan! Ewan ko ba pero natural na sa akin ang maging emosyonal lalo na at pagkain ang pinag-u-usapan!

"H-Hey . . . This is supposed to make you feel good." Mylo winced as he handed me the white plastic spoon. "Here, kuha ka. Try it. Lagi akong kumakain nito everytime I feel like the universe is against me."

I only nodded at him. With my tears still falling down my cheeks, nagsimula akong kumain. The coldness of ice cream embrace the inside of my mouth. It travelled towards my throat. And for some reason, it kinda ease the burning pain on my chest.

It's working.

From my peripheral vision, I can see Mylo to smile while watching me eat. While watching my tears to slowly fade as the coldness of ice cream played the role of a remedy to my war against this immense pain on my chest.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora