Episode 8

7.7K 279 13
                                    

IT was slightly raining when I arrived to the venue of the party at exactly eight in the evening. Nakakabwiset nga! Kung kailang pumorma ako nang bongga, saka pa umulan!

Right now, I am wearing a denim jumper short. Tinernuhan ko ito ng cream pink na t-shirt and white nike shoes. I also tie my long black hair in a messy bun.

The moment na binuksan ko ang pinto ng SUV namin, agad akong tumakbo at nagpaalam na kay Mang Kanor. I heard him yelled about letting me borrow his umbrella but I refused. Mawawala rin naman ang ulan na iyan later on—well, hopefully.

My clothes are partially soaked the moment I reached the entrance of PDYN's flat. Pansamatalang pinagpag ko muna ang mga nabasang bahagi dito sa harap ng main door. After that, I opened the door. At kahit na sanay na ako sa bumungad sa akin, hindi ko pa rin talaga mapigilan ang mapangiwi.

The music is so loud that I can't even hear my own breathing. Samahan pa iyan ng mga taong naghihiyawan at nagtatawanan. Nagsasayawan at nagtatalunan rin sila na para bang mga kabayong nakawala sa kulungan. Mga amoy alak pa, jusko. Kasabay ng malakas na tugtog ang pagkislap ng iba't-ibang kulay ng ilaw sa ceiling. Sumasabay pa dito ang neon colors na laser lights.

One thing is for sure, the living room is a total mess right now.

"Inom pa, guys! Let's enjoy life!"

I am with a wince when I directed my eyes towards that moron-ish girl laughing on top of the center table. Nag-sasayaw siya doon na para bang feeling niya napakaganda niya. Iyong feeling niya, siya si Marimar. And yes it's my iritating best friend—Alaia.

I gravitated my feet towards her. I poker face at her. Kahiya-hiyang nilalang talaga 'to! Nang makita niya ako ay muntik na siyang matumba nang tumalon siya sa sahig.

"Dzai! Atlast!" Hinampas niya pa ako, ginantihan ko nga! "Aray! Highblood ka na namang shuta ka!" Tumawa siya at saka hinila na ako patungo sa bartender.

Ang una niyang kinuha ay iyong shot glass na may laman na green na alak. 

"Taste it, dzai. It tastes like greeen." Halatang may tama na itong si Alaia.

"Alam mo, ngarag ka na." Umirap ako saka kinuha ang inaabot niya. Nilagok ko ito dahil kailangan ko ng lakas ng loob para sa nalalapit na digmaan namin ni Sebastian mamaya!

"Hoy, magdahan-dahan ka naman—"

Hinablot ko ang pangalawang baso at nilagok iyong muli. Gumuhit sa lalamunan ko ang init ng alak. Napapikit ako. Para ba kasing magnet na sinakop ng init na iyon ang buong katawan ko. Pinagpawisan ako.

Inilapag ko ang shot glass sa island ng bartender. "Nasaan si Sebastian? Nakita mo ba?" I am trying to hide my glare.

Inirapan ako ng gaga. "Here we go again with Sebastian."

"Just answer me, moron." Hindi ako nagpatalo, inirapan ko rin siya.

"Alam kong tatanungin mo sa akin 'yan. Don't worry, I got you! Talagang binantayan ko ang bawat galaw niya just for you!" She touched the tip of my nose using her forefinger.

"He's right—" tinuro niya ang second floor. "There, at the balcony! Prolly smoking or something. Lagi naman kasi siyang nandoon every party, you know? He's not the guy who loves to drink. He loves to be alone with his cigar and all."

Pinigilan ko ang mapangiwi. Kingina naman, heto na naman tayo sa balcony na 'yon. Doon ako unang napahiya kay Sebastian! Take two ba 'to?!

Nagulat na lang ako nang biglang itulak ni Alaia ang likod ko. "Go, girl! Follow your dreams! Aim high! Dream high! Go! Move!"

Hindi na niya ako pinasagot pa dahil pinagtulak-tulakan niya talaga ako hanggang sa makarating na ako sa hagdan. Wala na lang talaga akong nagawa kung hindi ang umakyat na lang sa taas! Letche namang babaeng 'to!

No choice ako nang marating ko na ang second floor. Badtrip naman, eh! Kulang pa ang alak na ininom ko! Dinadaga pa rin ang dibdib ko!

Bahala na nga!

Naglakad na ako sa dureksyon kung nasaan ang balcony. I tried not to mind the loud moans from the rooms. Malalaswa talaga ang mga taong ito. Kebabata pa pero puro kalaswaan na ang nasa utak. Buti pa ako, tamang imagine lang—eme!

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang makita ko na ang balcony. The cold fresh air is coming from it. Ang lamig nito ay nakaka-badtrip. Dumagdag lang kasi ito sa namumuo kong kaba!

Bahala na talaga!

Buong tapang akong nagpunta sa balcony. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Bagama't nakaka-relax sa tenga ang tunog nito ay malaking kalbaryo naman ang dala ng lamig nito sa akin.

Mula sa terrace ay may nakaupong lalaki. He is wearing a white shirt. Malapad ang likod. His shoulders are broad and his biceps are well-toned.

I ball my fists. Clenching my jaw, the memories of what he did to me earlier automatically made an avalanche to my mind.

"Hoy, Sebastian!" Marahas kong kinuha ang one thousand sa bulsa ko. Binato ko 'yon sa kanya. "Buwaka ng ina mo! Akala mo ba kailangan ko ng pera? Ang kapal! Gusto mo bang sampalin kita ng sampung ATM cards ko—"

Pero natigilan ako nang lumingan siya sa akin. My jaw almost hit the floor. With wide eyes, I almost lost my balance.

Oh my God . . .

Oh my freaking God!

His beautiful eyes is as confused and shocked as mine. Pero bigla rin namang nagbago ang mukha niya.

"Uhm, sorry?" Came by his husky voice. Matapos ay bigla siyang ngumiti sa akin, nakita ko na naman tuloy ang dimples niya.

It was not Sebastian! It was Mylo Rivas! Oh, yes! The Mylo-freaking-Rivas. Siya lang naman iyong crush ko magmula first year to second year pero nang dumating si Sebastian ay talaga in-uncrush ko na siya kasi nga gusto kong maging loyal sa mokong na 'yon!

Jusko, paano ba maging utot ng uwak ngayon? Please, send youtube tutorial naman! Ayoko na dito!

"Ah . . . Eh—" ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. "Akala ko kasi ikaw si . . ."

"It's okay." Mylo chuckled and jumped out of the terrace. Inabot niya iyong crumpled one thousand. "Pero hindi okay iyong basta-basta mo na lang tinatapon iyong pera. Blessing 'yan, marami ang naghihirap para lang diyan."

Kahit na parang nangangaral ang tono niya, bakit ang sweet pa rin? Bakit nakakapanghina? Bakit parang nalalaglag ang panty ko—hoy, hanuba?!

"Sorry talaga." I covered my face nang kuhanin ko na sa kanya iyong pera. "I'm really sorry."

Matapos ay para akong tanga, wala akong sagot-sagot na tumakbo patungo sa first floor. I have to save my own face. Mabuti na iyong hangga't maaga, umalis na ako para hindi na niya ako maalala pa! Sana lang talaga ay lasing na siya para makalimutan na niya ang mukha ko bukas.

Walanghiyang Alaia kasi 'yan! Napaka-fake news! Troll ba siya ng Gobyerno?! Nasaan na 'yang gagang 'yan?! Pupusunan ko lang ng isa!

"Dzai! Huy! Over here!"

Speaking of the scammer, bigla kong narinig ang boses niya. Ewan ko ba, malakas na nga ang speaker pero para bang mas malakas pa rin talaga ang lalamunan niya. Nang nilingon ko ang kinaroroonan ng boses niya ay nakita ko siya sa sofa ng living area.

Kasama niya doon ang PDYN Band.

Pati si Sebastian.

"Truth or dare tayo!" Ang dagdag pa ng gaga pero ang mga mata ko? Naka-sentro kay Sebastian. Kasalanan niya talaga 'to, napahiya tuloy ako kay Mylo! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya! Sirang-sira na ang pagkatao ko—teka, hindi niya nga pala ako kilala. Pasensya.

Tinuloy ko na lang ang pagtitig nang masama kay Sebastian. Right now, he is just staring at me with his cold eyes. Antipatiko talaga kahit kailan.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now