Episode 26

6.7K 219 35
                                    

FOR the whole drive, Tita Gab talked to me non-stop. Natalo niya talaga si Charo Santos sa pagku-kwento. As in! Halos buong kabataan yata kasi ng magulang ko ay na-i-kwento na niya sa akin. At siyempre, ganoon na rin ang mga baho nila. Ang isang pinakatumatak sa akin ay iyong part kung saan nag-viral ang mga magulang ko dahil sa conversation nila sa IG. Ang magaling kong tatay kasi ay nag-post ng shirtless picture niya ng may caption na, "What? Whatdog mo maitim." At dahil may pagka-loka-loka ang nanay ko, nag-reply siya doon ng #Whatdog mo ay #mHiNe.

For a moment, gusto kong gumawa ng time machine. Gusto kong pagsasampalin ang mga magulang ko habang ginagawa nila ang nakakadiring pangyayaring iyon!

Humanda talaga sila sa akin pag-uwi ko!

"We're here." Ang sambit ni Tito Ralph dahilan para matigil kami ni Tita Gab sa pag-uusap.

Naunang lumabas ang mag-ama. Matapos niyon ay pinagbuksan nila kami ng pinto. Nang makalabas na ako ay namangha ako sa nakita. Dahil nakatuon ang pansin ko kay Tita Gab kanina ay ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang lugar kung nasaan kami ngayon.

Isang malaking villa ang bumungad sa akin. Ito ay antique-looking. Mukhang kahoy ang mga pader nito. Pero ang talagang nakapagpaganda dito ay ang swimming pool na nakapalibot sa buong villa. Umuusok ito at imbes na tiles ang nasa ilalim nito ay iba't-ibang kulay ng mga bato ang nandito.

I am inlove with the design of it! Paniguradong genius ang architect na nag-design nito!

Buong akala ko ay iyon lang ang maganda sa lugar na ito. Pero nagkamali ako. Nang mapadako ako sa kung saan nakaharap ang villa ay talagang lumawak ang ngiti ko.

Maalat na hangin ang humahampas sa mukha ko. Puting buhangin at asul na dagat ang natanaw ko. Ang dagat ay para bang kumikislap nang dahil sa sinag ng araw. Mukha itong kalmado sa ibabaw ng bughaw na langit at mga gumagalaw na mga ulap.

"This is . . . freaking beautiful." I am really stunned. I am blinking slowly. "The world should know about this! Mas maganda pa ito sa Boracay—"

"Private resort 'to ni Dad. Family and friends lang ang pinapayagan niyang makapunta dito." Si Sebastian ang sumagot sa tanong ko.

"Right, hija. Suplado kasi itong si Attorney Ralph mo." Ang dagdag pa ni Tita Gab kung kaya't sinamaan siya ng tingin ni Tito Ralph. Natawa na lang ako.

Pumasok na kami sa loob ng villa. Doon ay mas lalo akong namangha dahil may iba't-ibang paintings ang makikita dito. Idagdag pa dito ang magaganda detalye ng furnitures dito. For someone who is so appreciative when it comes to arts, I am dying to have selfie with it. Kaso, napigilan ko ang sarili ko nang magsalita si Tita Gab.

"Let's go have some breakfast first before we rest." Sambit niya habang iginigiya kami sa kanilang kusina.

Naupo na kami sa malaking table. Si Tito Ralph ay sa pinakadulo, nasa gilid niya si Tita Gab. Samantalang sa opposite direksyon ni Tita kami magkatabing umupo ni Sebastian.

Ngayon ay may mga pagkain nang nakahain sa ibabaw ng mesa. Typical Filipino breakfast ang mga pagkain. Longganisa, tocino, sunny-side up, sisig, pritong isda at sinangag. Karindirya 'yarn?!

When we started to put food on our plate, that was the point where I remember the reason why I am here. The freaking reason why I forced Sebastian to bring me here.

The plan.

The Oplan Pasukuuin Si Sebastian Sa Panliligaw Sa Akin.

Deep inside, I am smiling like an evil. Sinadya kong damihan ang pagkain sa plato ko. Isa ito sa magiging props ko para mamaya.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora