Episode 68

5.2K 208 31
                                    

ANG alon ay malakas na rumaragasa sa saliw ng dominanteng hangin. Ang kalangitan ay madilim. There are no signs that the rain is going to stop at any moment.

Ngayon ay naglalakad na kami nina Sebastian kasama ang dalawang bata. Siya ang nauuna kaya't kitang-kita ko ngayon kung papaano bumakat sa basang sando niya ang maskulado niyang likod. Hindi na ito plain na white ngayon, prominente na ngayong nakikita doon ang kulay ng kanyang balat.

"Ate, ano pong pangalan niyo?" Ang tanong ng batang babae. Hinahawakan ko ang kanyang kamay habang patuloy lang kami sa paglalakad.

I smiled at her. "Ate Chance na lang ang itawag mo sa akin. Ikaw naman, anong pangalan mo?"

"Ako po si Bebe Anne," tapos tinuro niya ang kuya niyang naglalakad kasabay si Sebastian, "ito naman po si Kuya Batotoy."

Sobrang cute niyang magsalita dahil may mga letters pang nabubulol siyang bigkasin. She really reminds me of my favorite baby cousin. Sobrang cute talaga! Parang magka-age nga lang sila, eh. For sure, Bebe Anne is also 3 years old right now. Tapos mukhang 6 years old naman si Batotoy.

Habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay patuloy pa kaming naglakad. We are now hiking on a mountain. Never thought na may bundok pala dito. And then the next thing I knew, we are on the edge of a gigantic hole. Pero nang mapatingin ako sa ibaba nito ay talagang namangha ako sa nakita. There lies a small lagoon. Malinaw ito na animo tubig mula sa gripo ang nilagay dito.

"Woah . . ." Was all that I said. "Sobrang ganda . . ."

"Yes," from my peripheral vision, I can see Sebastian staring at me. "Sobrang ganda talaga."

Nang mapatingin ako sa kanya ay sinimangutan ko siya. Siya naman ay tatawa-tawa na lang na inalalayan ako pababa. Kasunod ko ay ang mga bata.

"Malalim ba 'to?" I asked him when we reached the lagoon. Lalo itong gumanda sa malapitan. Malinaw nga talaga ito dahil ngayon ay matatanaw sa tubig ang puting buhangin.

He shooked his head before smiling at me boyishly. I really can't last his smiling face. Sobrang unusual, eh!

"Nope, hanggang beywang ko lang 'yan. And don't worry, if ever naman na may mangyari sa 'yong masama, ililigtas kita."

There is his crooked smile again. It is damn sexy and I hate to admit it. "I can never let my baby be hurt under my watch, you know?"

Inirapan ko lang siya. "Dami mong knowledge!"

Doon ay nagsimula na kaming maglangoy sa lagoon. Nagulat pa nga ako kasi mas magaling pang maglangoy keysa sa akin ang mga bata! Susme!

Sa pagtagal ng mga sandali ay naglalaro na kami. Nakakatawa na para kaming isang pamilya ngayon na naglalaro dito sa gitna. Bebe Anne and Batotoy is laughing hard while I am slapping Sebastian's arms. Ang gago kase! Nagtataya-tayaan kami tapos ako ang laging tinatarget!

Nang magdilim na ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Doon ay nagpasya na kaming umuwi dahil ani Sebastian, wala raw ilaw sa daan at baka madulas kami dahil sa basang lupa.

Nagmadali na kaming umalis at dahil hindi naman ganoong kataas ang inakyat naming kanina, agad rin kaming nakarating sa kapatagan. Malapit lang doon ang bahay nina Bebe Anne at Batotoy. Naisip namin ni Sebastian na ihatid na muna sila bago kami umuwi.

"Ay nako, ang mga batang ito talaga!" Ang bulalas ng isang matandang babae mula sa isang bahay kubo. "Naligo na naman kayo sa ulan! Bilisan niyo nang magbanlaw sa banyo at baka kayo ay lagnatin—" agad siyang napahinto nang makita niya kami.

"Sir Sebastian?! Kailan ka pa bumalik?" The old lady is smiling wide as if she saw her son again after a decade. "Hindi ka naman nagpasabi. Nadalhan sana kita ng paboritong mong nilagang kamote sa inyo."

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now