Episode 1

17.2K 494 205
                                    

KAIN. Tulog. Tapos kain uli. Tapos tulog na naman. Kapag nagising, kain uli. Tapos kapag busog na, tulog na naman. Letche, wala na bang iba? Eto na talaga 'yon? Mamamatay na ba talaga akong kain at tulog lang ang cycle ng buhay?

"Ate, ang taba mo na," biglang sambit ni Hope. Nakahiga siya sa tabi ko.

"Tinatanong ko?" Patutyada ko naman.

"Mag-excercise ka nga." She is staring at me as if my weight is a national problem. Parang mas malala pa ito sa pag-agaw ng China sa West Philippine Sea kung makatingin sa akin, naknamputcha naman.

Sinimangutan ko siya. Tumayo ako mula sa kama. "Sige pero may hahanapin lang ako, ha?"

"Ano?"

"Iyong pake ko," lalo akong sumimangot nang lumabas na ako sa kwarto ko.

Ko

Oo.

Nilait niya lang naman ako sa mismong kwarto ko. Ang galeng! May sarili naman siyang kwarto pero trip talaga n'on mambwisit sa kwarto ko lagi. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Naturingang kapatid ko pero numero unong basher ko naman. Naging problema na niya sa buhay ang timbang ko. Pambihira.

Dahil kagagaling ko lang sa tulog, dumiretso na ako sa kusina para makumpleto ang daily cycle ko-- ang kumain. The first thing I grabbed when I opened the refrigerator was my ever favorite, lumpia.

Yes, I will forever bow to lumpia supremacy!

I was busy munching and savoring my precious lumpia when all of a sudden, my phone vibrated. It was a call. Alaia's name flashed through the screen.

"Hey, bestie!" ang aligagang pambungad niya.

"Ayoko," puno ang bibig kong sumagot.

"Punyeta ka, hindi ka manlang na-curious?!"

"Ayoko."

Tila bang hindi niya ako narinig. "May party daw ngayon sa flat ng PDYN Band, tara sama ka!"

As expected. Hindi na ako nasurpresa. Puro party kasi ang nasa isip ng babaeng ito.

"Ayoko nga." Pag-ulit ng iritado kong tono.

Narinig ko siyang huminga nang malalim. "Bestie naman, come on."

Her voice is begging. "After a week, magsisimula na ang second semester natin. Third year College na tayo. Hindi na natin ma-e-enjoy ang buhay dahil puro acads, acads at acads na lang ang ganap natin. Ano ba? Mag-enjoy ka naman sa buhay--"

"A . . . yo . . . ko . . ." agad na pagputol ko sa kanya. Sinabayan ko iyon sa pagsubo ng lumpia. "Mas pipiliin ko pa ang kain-tulog kong cycle keysa diyan. Alam mo 'yan. Hinding-hindi ko iyan magiging trip. Kaloka ka, iba na lang kasi. Sasama ako sa 'yo sa lahat, 'wag lang diyan--"

Ginantihan ako ng loka, pinutol niya rin ang sasabihin ko. "Talaga ba?"

Dinalawa ko na ang sinubo kong lumpia, "oo, mamamatay muna ako bago mo ako makita sa party na 'yan. Ano ba? Kilala mo ako."

"Sure na?"

"Oo nga."

"Truelalu? Final answer?" Her voice is teasing. Napakamot tuloy ako sa ulo dahil sa pagkairita.

"Para kang tanga."

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na . . ."

Humikab ako. "Wala akong pake. Bahala ka diyan--"

"Nandoon daw ngayon si Sebastian Molina."

Kusa akong napahinto sa pag-nguya. Biglang nag-ningning ang mga mata ko . . .

"Oh, 'di ba natahimik ka! Gusto mo rin 'yang gaga ka, ano? Laglag panty tayo, teh?"

"Hoy, bestie? Nasaan ka? Ang sabi ko, nandoon si Sebastian Molina."

Ngayon ay para ba akong naparalisado. Wala akong ibang narinig kung hindi ang pangalan ni Sebastian.

"Hooooy!"

"Walanghiya, nasaan ka nang vavae ka?!"

Shet . . .

"Hoy, ano ba--"

"WOW, ang galeng!" Pumalakpak si Alaia sa mismong mukha ko. "Buhay ka pa? Akala ko ba mamamatay ka muna bago kita makita dito? Ano 'to? Kaluluwa mo na lang ba itong nasa harap ko?!"

Kahit na malakas ang tunog ng speaker ay walang sinabi iyon sa lakas ng boses ng best friend ko. Right now, she is staring at me as if I am the worst traitor on Earth.

"Alam mo, ang dami mong sinasabi. Ang daldal mo, dzai." Itinulak ko siya patungo sa lamesa kung saan may mga red cup. Kinuha ko ang isa at iniabot iyon sa kanya. "Inom ka na lang. Lumagok ka na lang ng alak, dzai."

Pabiro siyang umirap. "Whatever."

Nang abutan niya rin ako ng red cup na naglalaman ng beer ay tinanggap ko iyon. Katulad ng lagi kong ginagawa, nagkukunwari akong iniinom iyon.

Swear, I will really puke my liver out if I effin drink this. Hindi ko alam kung bakit gusto iyan ng karamihan. This, for me, is the worst drink ever.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam muna sa akin si Alaia. She is the Miss Congeniality when it comes to party. Halos lahat ay kilala niya-- well, hindi ako sure diyan. Minsan kasi may pagkasinto-sinto ang isang iyan. Feeling close. Kahit hindi niya naman talaga kilala, kinakausap niya na para bang hinubog na ng ilang siglo ang pagkakaibigan nila.

Pinili ko na lang na ilapag ang red cup kung saan iyon kinuha ni Alaia. Minabuti kong libutin ang flat ng PDYN Band. Itutuloy ko na ang siyang ipinunta ko naman talaga dito. Wala nang patumpik-tumpik pa.

Sebastian, baby . . . here I come.

Una kong hinanap si Sebastian sa nagsisiwalaang mga tao sa first floor. Naknamputcha, may mga nag-he-head bang pa. Rock star kayo, dzai?!

Ako talaga ang napapagod para sa kanila! Lahat kasi sila ay nagtatalunan sa saliw ng upbeat na kanta. Nakita ko pa nga doon si Alaia. Ang loka-loka, tawa nang tawa habang nakikipagsayaw kay Maxton, iyong vocalist ng PDYN Band. I heard, they are dating when the summer vacation started. Well, bagay naman kasi sila. Sexy si Alaia, may pa-abs naman itong si Maxton.

Eh, kami kaya ni Sebastian?

No comment.

Tumaas na ako. Sumama ang mukha ko nang madaanan ang ilang babae at lalaki na naghahalikan sa hagdan. Walang hiyang mga 'to, gawin ba namang motel 'tong flat?!

Nandidiri ang mukha ko nang marating na ang second floor. Dito ay puno na naman ng mga malalantod na kabataan!

Ang isa ay nakakalong sa lalaki. At si Ate, talaga nga namang isang alamat! Gumigiling pa siya sa ibabaw ng kagat-labing lalaki!

Hanuba?!

Party ang ipinunta ko dito hindi live show, ha?!

Napakamot na lang ako sa ulo. Sinubukan ko na lang na hanapin si Sebastian pero wala rin siya dito. Maski sa ehem, CR, wala siya pero kung nandoon talaga siya, ay naku po! Mapapalaban siya-- naubo ako. Hanuba, Chance?! Ang dumi mo!

Nang makalabas na ako ng CR ay hindi ko na pinili pang tingnan si Sebastian sa mga kwarto. Ang lala kasi ng mga ungol sa loob. Parang mga baboy na kinakatay kung makaaungol ang mga walang hiya! At saka sigurado naman akong wala doon si Sebastian. He will never do that. I . . . know him. Ehe.

Nagpatuloy pa ako sa paghahanap. Naglakad pa ako sa buong second floor. At bigla akong naubo nang maamoy ang usok ng sigarilyo. Napatakbo tuloy ako papunta sa balcony.

I was about to savor the fresh air that I am longing to breathe when all of a sudden, I heard a familiar voice . . .

"What was that, Catalina?!"

"Ano na naman ba, Baste?!"

"Why did you kissed him?"

Napakurap ako. It was Sebastian . . . and his gorgeous and voluptuous girlfriend.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now