Episode 71

5.8K 209 70
                                    

Author's Note:

The story of Chance's parents is to be published as a physical book soon!

The story of Chance's parents is to be published as a physical book soon!

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

×××

NANG pareho na kaming kumalma, may bigat pa rin si dibdib ko nang muli kong tingnan si Sebastian. Ngayon ay nakatulala siya sa dagat. Ang lungkot sa kanyang mga mata ay bakas sa kung papaano siya mag-buntong hininga.

I joined him as I directed my eyes on the calming waves again.

To be honest, I really don't know if I did the right thing. May isang parte sa akin ang nagsasabi na bawiin ang mga sinabi ko. Na tanggapin ko uli siya kasi baka may chance pa nga. Baka nagbago na nga siya. Baka this time . . . this time, magiging maayos na talaga ang lahat sa aming dalawa.

But he cut my thoughts off when stood up. Sinundan ko lang siya ng tingin. Matapos ay inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Right now, he is smiling but still, the sadness is in his eyes.

"Let's go?"

Tumango lang ako sa kanya bago ko hawakan ang kanyang kamay. Inalalayan niya ako patayo. Matapos ay naglakad na kaming muli patungo sa kanilang beach house.

Nauuna siya sa aking maglakad. Kitang-kita ko tuloy kung papaano mag-flex ang muscles mula sa kanyang likod. That sturdy back . . . I used to always rest my head there whenever I hug him from the back.

I took a deep sigh. 'Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit parang sising-sisi ako sa mga binitawan kong salita. May kung ano sa akin ang nagtutulak na bawiin ko na iyon ngayon.

Pero wala na. Nasabi ko na. Nangyari na. Tapos na.

Totoo nga ang sabi sa akin ni Mom noon. Na 'wag akong mag-de-desisyon kasama ang emosyon ko. Dapat ko pa rin itong gamitan ng utak.

Ngayon, heto tuloy ako. Naguguluhan at nagsisisi. At aaminin ko, nasasaktan rin ako sa posibilidad na baka . . . baka 'di ko kayanin kapag nakita kong hawak na siya ng iba. Alam kong magulo. Alam kong hindi maayos ang pag-i-isip ko. Pero sa sinseridad na pinakita niya sa akin sa nagdaang mga araw, sinong babae ba ang hindi magiging marupok?

Nang makapasok na kami sa loob ay huminga na naman ako nang malalim. Nagpaalam muna ako sa kanya bago ako nagpunta sa kwarto ko. Doon ay naligo muna ako bago muling bumalik sa first floor. Bathrobe lang ang suot ko. I don't have any undergarment beneath it. Nasa laundry lahat ng kasuotan ko.

I directed my feet towards the kitchen. Nandoon na rin si Sebastian. Katulad ko ay bagong ligo din siya. He is now wearing a shirt with a comouflage print. He is also wearing a white gym shorts that covered half of his long legs.

"What do you want to eat?" Sambit ko nang makalapit na sa kanya.

He turned his face at me. Noong una ay para ba siyang naguguluhan. He is blinking. "You will cook for us?"

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora