Episode 60

5.7K 206 13
                                    

"ARE you dumb? Bakit nagpapakabasa ka sa ulan?" Sebastian's deep voice came. Dahil malaking porsyento ng payong ang nakasukob sa akin, unti-unti nang nababasa ang kanyang puting long sleeves.

Wait? 'Di pa pala siya umuuwi? As far as I know, nagmadali siyang lumabas kanina after ng working hours namin. Hindi ko na naman siya inusisa pa kasi duh? Anong pake ko?

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa payong. Inilayo ko iyon sa akin dahilan para sa kanya lang sumukob iyong payong. "I can handle myself."

He is too quick to put the umbrella above me. With now dark eyes, he mumbled, "lower your pride. Magkakasakit ka niyan. Alam mo namang kaunting ambon lang iyong pumatak sa ulo mo, nagkakasakit ka agad."

"Wow, concern 'yarn?" Umirap ako nang pabiro. Ibinalik kong muli sa kanya ang payong. "Seryoso ako, Sebastian. Okay lang ako, at saka malapit na lang naman dito iyong waiting shed. Tatakbuhin ko na lang. Basa na rin naman ako ng ulan kaya okay lang talaga."

Magsasalita na sana siyang muli nang bigla ay tumakbo ako papunta sa waiting shed. Pero hindi ako naging handa nang madama na naman ang mainit niyang palad mula sa kamay ko.

"Take this." Inangat niya ang kamay ko at saka inabot ang payong. Nang mahawakan ko naman ito ay siya naman ang tumakbo papalayo sa akin.

Kitang-kita ko kung papaano pumatak ang ulan sa puting long sleeves niya. Sa lakas ng buhos ng ulan niya ay mabilis na nabasa ang kanyang kasuotan. Doon ay bumakat tuloy ang maskulado niyang likod.

I winced. Jusko 'tong lalaking 'to, ang galing mang-guiltrip! Ano? Kapag siya naman ang nagkasakit, ako naman ang sisisihin niya?

"Aish!" I irrtatedly mumbled as I have no choice but to follow him.

Siya naman ang natigilan nang hawakan ko ang alsado niyang braso. Kinailangan ko pang tumingkayad para mapayungan siya nang maayos. Kapre.

"Ihatid mo na lang ako sa waiting shed, okay na?"

"Bakit ba kasi doon ka pa pupunta? Wala ka bang sundo? Where's that fucking Mylo?"

I rolled my eyes. "May kinailangan siyang gawin kaya 'di na niya ako mahahatid sa bahay. Sina Mom at Dad, 'di ko ma-contact. Si Hope naman, nag-out of town. Kaya no choice ako kung hindi ang mag-take ng bus."

I really hate that I feel like a girlfriend explaining something on his boyfriend!

Tiningnan niya muna ako nang ilang segundo. Matapos ay nasundan iyon ng isang malalim na hininga. And I was never ready when he hold my hand.

"I'll bring you home."

Magsasalita na sana ako nang bigla ay inunahan niya ako. "Hindi ako magdadalawang-isip na buhatin ka papunta sa wheels ko kung hindi ka papayag."

"Baket? Kaya mo ba akong buhatin?" Mapanghamon akong nagtaas ng kilay. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang akmang bubuhatin niya nga ako. "Sandale! Oo na! Oo na nga! Magpapahatid na nga! Napakaseryoso sa buhay?!"

"Tss," was all that he said.

Nagtungo na kami sa kanyang sasakyan. Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang madulas na kalsada. Patuloy ang pagbuhos ng ulan na para bang wala nang katapusan. Bigla tuloy akong napayakap sa sarili dahil sa lamig.

"Here," Sebastian mumbled. May inaabot siyang jacket sa akin.

Pero shuta, ang mga mata ko ay sa iba dumako! His hair is really wet. Tumutulo ang tubig mula doon patungo sa kanyang mukha at sa kanyang prominenteng Adam's apple. Sinundan ko iyon hanggang sa malapad niyang dibdib. Then I found myself centering my gaze at the rock-hard surface of his tummy. Bumabakat iyon sa basang-basa niyang white long sleeves.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now