"What are you looking at?" Sambit niya pang muli kung kaya't doon ako natauhan! Shutangina naman, Chance! Umayos ka naman!

Uubo-ubo ay inabot ko ang jacket. I am wincing when I covered it to my body. Doon ay naamoy kong muli ang panglalaki niyang amoy.

"By the way," he mumbled again, hindi niya ako pinukulan ng tingin. Nanatili ang kanyang mga mata sa daan. "Alam mo kung saan nag-elementary si Mylo? I think, I know him."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "I don't know."

Napuno na naman kami ng katahimikan. Wala ni isa amin ang nagsalitang muli. Dinako ko na lang ang sarili sa loob ng sasakyan. This is my spot before. I hate myself for missing this. Walang nagbago sa loob ng kanyang sasakyan. Ganito pa rin. Pati na ang amoy, amoy-Sebastian pa rin.

Now, I am wondering, kamusta na kaya sila ni Catalina? Wala na rin kasi akong nasagap na chika about sa kanila. Si Alaia naman ay bibihira ko na lang makausap kasi busy din ang gaga sa internship niya.

Hmm . . .

Ginagawa rin kaya ni Sebastian ang ginawa niya sa akin dati? Iyong romantic dates and whatever- dumb me, ofcourse. Baka nga sa kanya niya iyon unang ginawa. Baka nga lahat ng banat niya sa akin before, una na niyang nabitawan sa babaeng iyon.

Well, tanggap ko na naman.

Oo, alam ko na.

I will never be Catalina. I am way lower than Catalina's level. Lahat ng kumalaban sa babaeng iyon ay talo na agad kahit na hindi pa naman talaga nagsisimula ang laban. Kaya hindi na rin talaga nakakapagtakang pinagpalit ako ni Sebastian sa kanya. Na iniwan niya ako para sa kanya.

Gets ko naman, eh. Mas maganda siya. Mas sexy. Mas sikat. Mas gusto ng lahat. Eh, ako? I am nothing if I am not good in academics. Ang lamang ko lang, matalino ako pero beyond that? I am nothing.

Doon ko na-realize na kailangan ko na nga talagang mag-move on. Na kailangan ko nang tanggapin ang lahat.

I can't play the role of a bitter ex-girlfriend forever. I will never want that for I don't deserve that role . . . for I am way better than that role.

Natigil lang ako sa malalim kong iniisip nang bigla ay inabot ni Sebastian ang stereo. The next thing that I knew, may isang hindi familiar na kanta ang tumutugtog dito sa loob ng kotse. The intro of it is guitar kaya sobrang sarap nitong pakinggan.

"Unti-unti nang napapagod. Sa aking puso'y humahagod. Sa paghintay hanggang sa dulo, ako'y nalulunod."

I turned my eyes at Sebastian's face. Yes, I am trying hard not to be distracted by his damn abs. "Anong band 'yan?"

"Cup of Joe." He shortly replied.

"Hindi inaasahang oras. Huminto na ang paglipas. Sa lugar na walang alaala, nabigyan ng halaga."

Buong akala ko ay hindi na niya ibubuka pa ang kanyang bibig. Pero nagkamali ako.

"It's my current favorite OPM Band. I like their music, feels nostalgic kahit na first time ko pa lang silang napakinggan."

I nod. "Yep, tipong first time mo lang naman silang napakinggan pero dahil sa sobrang ganda ng music nila, parang dati mo na silang kilala. Ganorn."

"Exactly." He smiled for a second. Agad niya rin iyong binawi nang ibalik niya ang tingin sa daan.

Nagpatuloy lang kami sa ganoon. Nakikinig sa mga kanta ng Cup of Joe. And I must say, I was really impessed to this band. Sa sobrang pagka-impress ko nga, in-add ko lahat ng songs nila sa Spotify playlist.

I am a fan now.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin kami sa bahay. Tumila na ang ulan. Pero nanatili ang lamig na idinulot ng panahon.

"We're here." He stated as he stopped the car infront of my house.

"Salamat sa paghatid." I rolled my eyes playfully. "Mabait ka rin pala. Akala ko, puro sungay lang ang meron ka."

He only gave me a quick boyish smile while slowly shaking his head. Bumaba na ako. Sasaraduhan ko na sana ang pinto nang bigla niya akong tawagin.

"What?"

He looked away. "Sorry for everything."

I smiled. Quite entertained to his sudden change of personality. Gone are the moments where he is so alpha-ish. The one infront of me seemed shy and intimidated.

"Woah." I said while laughing.

He remained silent and I really find this side of him to be entertaining. I laughed more.

"Wala na 'yon. I moved on and it's not like something unprecedented naman. I'm fat and you're, uhm," pabiro akong umirap, "godly. 'Di na nakakapagtakang ipagpapalit mo ako kay Catalina."

I hate that there is still pain on my chest when I said, "bagay kayo."

Huminga lang siya nang malalim. Ako naman ay tumawa nang bahagya bago ko sinaraduhan ang pinto ng kotse. Hindi ko na tiningnan pang muli ang kanyang sasakyan. Dumiretso na ako sa gate, at sa loob ng bahay.

. . . pero agad rin naman akong lumabas sa pintuan nang marinig ang sasakyan niya.

With me watching his car from afar, I can't help but to ask myself.

Naka-move on na nga kaya talaga ako?

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now