Chapter 11

3.5K 179 17
                                    


Flynn


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Flynn? " tanong ni ninong Anthony sa akin nang puntahan ko siya sa mansyon upang ipagbigay alam ang naging pinal kong desisyon.


Halos madaling araw na akong nakatulog dahil kinausap ako ni ninong Anthony kahapon na kailangan ko ng ibigay ang magiging desisyon ko kung ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa maynila o dito na lang sa probinsya magko-kolehiyo.


At ngayon nga ang araw kung saan kailangan ko nang sabihin ang naging desisyon ko.


Nang marinig ko ang naging katanungan ni ninong Anthony ay tumango muna ako rito bago ko ibigay ang aking kasagutan.


"Opo ninong. Napagdesisyunan ko na pong mag-aral ako sa maynila upang doon mag-kolehiyo." Pinal kong sagot sa gobernador at matapos ay ngumiti ako rito.


Nakita kong napatangu-tango ito sa akin at kasunod no'n ay ang pagganti niya rin sa akin ng isang matamis na ngiti.


"Masaya akong tinanggap mo ang inaalok kong scholarship para sayo, Flynn." Maligayang saad nito sa akin dahilan para lumawak pa ang aking mga ngiti sa aking ninong.


"Maraming salamat po ninong. Ngunit bago ko po pala makalimutan ay ayos lang po ba kung humingi ako sa inyo ng maliit na pabor?" medyo nahihiya kong sabi rito.


Sino ba naman kasi ako para manghingi ng pabor sa isang gobernador na sobrang makapangyarihan?


Eh isang hamak lamang ako na inaanak at iskolar niya.


"Ano 'yang maliit na pabor na tinutukoy mo hijo?" tanong sa akin ni ninong Anthony dahilan para sabihin ko na sa kanya ito.


"Ninong, gusto ko po sana kapag tutungo na po ako ng maynila ay paki-gabayan po sana si mama lalo pa't siya na lamang po mag-isa dito sa probinsya at wala po ako para mag-alaga sa kanya." Pagbatid ko sa aking ninong Anthony at isinawalat ko sa kanya ang gusto ko sanang mangyari habang ako'y nag-aaral sa maynila.


Nakita kong agad na tumango si ninong Anthony sa mga sinabi ko at kasunod no'n ay ang paglapit niya sa akin upang hawakan niya ang aking balikat.


"Huwag kang mag-alala, Flynn dahil hinding-hindi ko pababayaan ang nanay mo hangga't nandito siya sa mansyon. Pangako ko 'yan sayo, hijo." Paniniguradong wika ni ninong Anthony sa akin dahilan para mapanatag ang loob ko.


"Sige na't umuwi ka na muna sa inyo hijo dahil kailangan mo pang mag-ayos ng mga dadalhin mo sa maynila." Nakangiting paalala sa akin ng gobernador na siyang dahilan upang agad naman akong mapatango.


"Sinong kailangang mag-ayos ng mga dadalhin papuntang manila, dad?"


Halos sabay kaming napatingin ni ninong Anthony nang may bigla na lamang nagsalita at ito'y walang iba kundi ang unico hijo ng gobernador slash ang aking matalik ko ring kaibigan na si Dencio.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now