Chapter 31

2.9K 135 9
                                    


Flynn

"Pati ba naman hanggang dito sa sasakyan e nakayuko ka pa rin, Justin Flynn?" rinig kong sabi ni Dencio sa akin dahilan upang mapaangat ang tingin ko rito at nakita ko na lamang ang pag-iling iling niya habang nakatingin sa pwesto ko.

Dahil sa wala akong masabi ay tanging pagkagat lamang ng labi ang nagawa ko habang napapakamot ako sa aking sariling ulo.

Matapos kasi ng ginawang pagpapakalat ni Dencio kanina tungkol sa relasyon naming dalawa ay kulang na lamang magpalamon na ako sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

Nahihiya ako dahil paniguradong tutuksuhin ako ng mga kaklase ko lalung-lalo na ang kaibigan kong anak ng mayor na sobrang lakas mang-asar. Si Jude Montemayor.

"Kaya ka ba nahihiya hanggang ngayon ay dahil sa ikinahihiya mo yung ginawa kong pagpapakalat kanina na boyfriend na kita?" tanong bigla ni Dencio dahilan upang mapalingon akong muli sa kanya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

Bago sumagot ay napailing lamang ako sa kanya, "H-Hindi, Dencio! Nagkakamali ka."

"Ako.. nagkakamali, Flynn? Kung nagkakamali ako e bakit ganyan ka na lang kung makayuko? Ikinahihiya mo ba ako na maging boyfriend mo?" tumataas sa tono nitong tanong muli sa akin.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling umiling lamang ako sa kanya, "H-hindi kita ikinakahiya, Dencio. Alam mo naman siguro na hindi nawala ang pagmamahal ko sayo kung kaya't alam mo rin na gustung-gusto kitang maging boyfriend 'di ba?"

Hinintay ko ang kanyang kasagutan ngunit nakita kong blanko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha kung kaya't muli ko na lamang ipinagpatuloy ang aking sasabihin.

"A-Alam mo kung gaano ka ka-importante para sa akin, Dencio.. kaya lang kasi.. gusto sana kitang itama sa mga sinabi mo kanina dahil.. dahil hindi pa tayo, Dencio.. i'm sorry pero hindi pa kita boyfriend." lakas loob kong sabi sa kanya at mabilis kong iniwas ang aking mga tingin rito.

Wala pang tatlong segundo natatapos ang mga sinaad ko nang bigla ko na lamang narinig na tila ba may kumalampag sa gilid ko kung kaya't muli kong napagdesisyunang humarap kay Dencio na kung saan ay nakita ko na lamang na hinahampas niya ngayon ng malakas ang manibela ng kanyang sasakyan.

"Fvck! Fvck! Fvck!" malalakas niyang mura habang pinagdidiskitahan niyang paluin ang kanyang manibela dahilan para agad ko siyang pigilan.


"D-Dencio! Anong nangyayari sayo? Tama na! Baka masira 'yan!" pagpapatigil ko sa rito at mabilis kong hinawakan ang kanyang pulso upang pahintuin siya sa kanyang ginagawa.

Kahit na alam kong mas malakas siya sa akin ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang patigilan siya at mabuti na lang ay huminto ito bigla.


"A-Ano bang nangyayari sayo, Dencio? Ano ba 'yang ginagawa mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya nang makita kong umayos na ito ngayon.

Wala kasi akong ideya ngayon kung bakit niya ito ginagawa at kung bakit na lamang siya biglang parang nagwala na tila ba nawala siya sa kanyang sariling katinuan?

Nakita kong umiling-iling lamang siya bilang sagot sa akin, at matapos no'n ay bigla siyang humarap sa pwesto ko at kasunod no'n ay ang paghawak niya bigla sa magkabilaan kong mga balikat.


"I'm sorry sa ginawa ko, Flynn. Hindi ko lang matanggap yung mga sinabi mo na hindi pa tayo. Pasensya ka na." seryoso nitong paghingi ng tawad sa akin dahil sa mga nagawa niya kani-kanina lamang.

Ngumiti lamang ako sa kanya at tumangu-tango rito kay Dencio.


"Ikaw na nga yung nagsabi 'di ba? Na hindi pa tayong dalawa. May word na 'pa' for the meantime dahil alam mo naman siguro na magiging tayo rin soon." pagbibigay-alam kong sabi sa kanya dahilan para muli kong makita ang kanyang nakakahawang mga ngiti na kanina ko pa hinihintay.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon