Chapter 9

3.5K 194 18
                                    



Flynn


"Ang susunod nating lalaruin ay ang sikat na newspaper game!" saad ng emcee upang ipagbigay alam ang susunod na lalaruin ng mga binata't dalaga na kasali ngayon sa palarong pam-piyesta.


Matapos akong kumanta kanina sa videoke ay agad din akong umalis doon upang makalanghap ng sariwang hangin at sa kakahanap ko ay dito ako bigla dinala ng aking mga sariling paa na tama lang din naman dahil nag-e-enjoy naman ako ngayon.


"Kulang pa tayo ng isang pares kaya huwag na kayong mahiya pa dahil kahit sino ay pwede rito basta kabataan! Sumali na kayo para magsimula na tayo!" wika pa ng tiga-salita ng event ngayong piyesta at nanghihikayat ito ng ibang kabataan upang sumali sa nasabing palaro.


"Hello po kuya! Sure po ako na ikaw po yung kasama kanina no'ng anak ni governor Anthony. Itatanong ko lang po sana kung nasaan siya dahil gusto lang po sana naming magpa-picture sa kanya?" tanong na lamang bigla ng isang dalaga sa akin at nang makuha ko kung sino ang hinahanap niya ay agad ko siyang sinagot.


"Naku pasensya ka na. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Dencio---


Hindi ko na natapos pa ang aking pagpapaliwanag sana doon sa babae nang may bigla na lamang pumasok sa aming usapan.


"I'm sorry if I'm late sa pangalawang pagkakataon pero nandito na ako." Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.


Hindi ko na siya tinignan pa dahil boses pa lamang nito ay tiyak akong tama naman ako na siya ito.


"Hello po kuya Kristian Denniz! Pwede po bang magpa-picture sa inyo?" rinig kong tanong ng dalaga na kung saan siya iyong kausap ko kanina.


"Sure. Of course. Pwedeng pwede syempre." Rinig kong sagot naman nito ni Dencio dahilan para mapairap na lamang ako sa kawalan.


At kailan pa siya nahilig sa pagpapakuha ng litrato aber? Pagkakaalala ko noon kay Dencio ay madalas itong nagtatakip ng panyo kada gusto ko siyang kuhanan ng litrato e?


Muli akong napaismid nang tignan ko si Dencio kasama ang isang dalaga na nanghingi sa kanya ng litrato.


Wow! At talagang nag-pose pa siya nang naka-peace sign kasama yung babae na 'to ha? Eh di kayo na close! Psh.


"Maraming salamat po!" rinig kong sabi ng dalaga dito kay Dencio at nakita kong ngumiti lamang itong kaibigan ko sa babaeng nanghingi ng litrato kasama siya.


Hindi rin naman nagtagal dahil agad namang umalis yung dalaga nang matapos siyang magpakuha ng litrato kasama itong si Dencio.


"May gusto pa bang humabol upang maglaro ng newspaper game? Kailangan pa namin ng isang pares!" ang announce ng emcee sa lahat ng tao kung sino pa ang gustong sumali sa laro.


"Kami!"


Halos natigil ang lahat ng mga taong naririto nang may isang pamilyar na boses na nagsalita dahilan upang mapalingon din ako at agad akong napakunot ng noo nang makilala ko kung sino ang nagpresenta.

The Governor's Son [BxB] ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum