Chapter 27

2.9K 176 23
                                    


Flynn

"Wish I could, I could've said goodbye" panimula kong pag-awit sa isa sa paborito kong kanta ni Lady Gaga, ang 'I'll never love again.'

Kasabay ng pag-umpisa ko sa aking awitin ay ang mga luhang patuloy pa ring kumakawala na animo'y walang kasawaan ito at tuluy-tuloy ang ang pagragasa.

"I would've said what I wanted to
Maybe even cried for you." patuloy ko pa sa aking awitin at dahil nandito kami ngayon sa loob ng pribadong ktv bar kung saan ako dinala ni Jude ay dito ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagkanta at pag-inom ng alak.


kahit unang beses ko pa lamang titikim at iinom ng alak ngayon ay wala na akong pakialam kung malasing man ako ng sobra dahil gusto ko lamang mawala ng bahagya ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa kaibuturan ng aking puso.


"If I knew it would be the last time
I would've broke my heart in two
Tryin' to save a part of you." pagpapatuloy ko pa sa aking pagkanta at bago ko pa awitin ang korus ng kanta ay mabilis kong kinuha ang may katamtamang laki ng baso kung saan may nakasalin na roon na alak at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil mabilis ko itong idiniretso sa aking bibig atsaka ko itinungga.

Napangiwi ako ng bahagya nang malasahan ang may katapangang alak na pina-order ko kay Jude ngunit nang masanay ang panlasa ko ay tila ginawa ko ng tubig ito at mabilis na nagsalin sa aking baso.

"Flynn, hinay-hinay ka lang. Huwag ka masyadong magpakalasing." rinig kong sabi ni Jude sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya at naisipan kong bigyan ito ng isang 'thumbs up na nagsasabing 'okay pa ako kaya wala siyang dapat alalahanin sa akin.'


"Don't wanna give my heart away, to another stranger, or let another day begin, Won't even let the sunlight in. No, I'll never love again." halos pasigaw kong pagkanta ng ituloy kong muli ang aking pag-awit.

Agad akong napasapo sa aking sentido nang maramdaman kong parang dumodoble ang paningin ko at nagbu-blurred na ang paligid.


Heto na siguro yung feeling na lasing ka na. Na lasing na ako ngayong gabi.

"Ang sakit ng ulo ko, Jude." mahinang daing ko sa lalaking katabi ko sa upuan nang maramdaman kong parang kumikislot-kislot ang loob ng aking ulo.

Shemay! Legit na lasing nga ako.

"Ayan na nga ang sinasabi ko, Flynn e. Ginawa mo ba naman kasing tubig ang alak at nagdire-diretso ka ng lagok. Na-knock down ka tuloy. Ano? masakit pa rin ba yang ulo mo?" anito at kahit na nakapikit ang mga mata ko ngayon ay malinaw pa rin ang aking pandinig dahil narinig ko ang sunud-sunod niyang naging katanungan sa akin.

Umiling-iling lamang ako upang ibagbigay alam ang kalagayan ko.

"Masakit ang ulo ko, oo ngunit mas nanaig pa rin ang sakit at kirot nitong dibdib ko, Jude." pagbibigay-alam ko sa kanya at muli ay hindi ko na naman napigilan ang aking emosyon dahil awtomatikong naglandasan na lamang ang mga luha ko upang kumawala.

Sa katunayan ay parang wala nang mas sasakit pa para sa akin ngayon ang katotohanang mga nalaman ko tungkol kay Dencio at Rianne kung saan magkakaroon na sila ng supling at alam kong mamumuhay silang masaya.

Naramdaman kong may mahinang tumatapik sa likuran ko at kahit na malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na rumaragasa ngayon ay alam kong si Jude ang may-ari ng kamay na humahagod sa aking likuran na nagbibigay sa akin ng kaginhawaan.

"Pakihatid na lang ako sa condo ni Dencio, Jude. Salamat." tanging nasabi ko sa kanya dahil hindi ko na kaya at malapit nang sumuko ang mga mata ko upang kainin ng kadiliman dahil na rin sa sobrang tinamaan ako ng alak.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon