Chapter 39

1.5K 80 18
                                    


Flynn

"Flynn, kumusta? anong sabi ng doktor sayo?" nag-aalalang tanong ni Jude sa akin habang nakaalalay ito nang maglakad kami pabalik sa aming classroom.

Tumigil naman ako bigla sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ito, "Wala naman. Masyado lang akong na-overfatigue kaya magpahinga raw ako at inumin ko yung gamot na nireseta niya." may kasinungalingan kong pahayag sa kaibigan ko at pilit akong ngumiti sa harap nito.

Sa una pa lang ay humihingi na ako ng tawad sayo, Jude. I'm sorry kung hindi ko pa masabi kung ano ang tunay kong kalagayan.

Naisip ko kasing mas mabuti muna sigurong si Dencio ang unang makaalam ng kundisyon ko bago ang iba. Lalo pa't siya naman ang ama ng pinagbubuntis ko kaya deserve niyang malaman ang katotohanan.

Ini-imagine ko pa lang kung ano yung magiging reaksyon ni Kristoffer Denniz ay gusto ko nang matawa. Panigurado kasing magiging epic ang reaksyon niya once na malaman niyang nagdadalang tao ako.

Sino ba naman kasing hindi magugulantang sa sitwasyon ko? lalo pa't kung malaman nito na ako na kanyang nobyo ay may kakayahan palang magbuntis at magluwal ng bata.

Malapit na kami ni Jude sa classroom nang matigilan ako. Dahil nakaalalay siya ay natigil ito sa paglalakad.

Maagap kong dinukot ang telepono sa bulsa ng aking pantalon nang marinig kong magvibrate ito.

Medyo napawi ang mga ngiti ko at nadismaya ng bahagya nang makitang hindi pala si Dencio ang tumatawag.

"Uhmm.. Jude, pwede mo ba muna akong maiwan? kailangan ko lang sagutin hetong tawag ng kaibigan ko sa probinsya." pabor ko at ipinakita ko rito ang pangalan ni Jamie na ngayon ay patuloy sa kanyang pagtawag.


Hindi naman siya umalma pa at tanging ngiti lamang ang iginawad niya. Nagpaalam na ito sa akin kung kaya't mabilis kong sinagot ang tawag ng kaibigan kong na-miss ko ng sobra.


"Hello, Jamie! kumusta?" masaya kong pagbati rito nang sagutin ko ang tawag.

Narinig ko rin itong gumanti ng pagbati sa akin dahilan para mapangiti ako habang kausap siya.

Kinumusta ko rin si mama kahit na nakausap ko na ito noong nakaraang araw.

"Ayos naman ang mama mo, Flynn. Kaya lang.. uhmm.. may dapat ka yatang malaman?" rinig kong pautal-utal na sambit ng kaibigan ko dahilan para mapakunot ng bahagya ang aking noo.

"Ha? ano? may dapat akong malaman? sa mama ko? tama ba, Jamie?" sunud-sunod kong tanong dito at nahimigan kong parang nagdadalawang isip na ito sa kanyang gusto sanang sabihin.

Bestfriend ko siya. Kaya alam ko kapag may inililihim siya sa akin.


"Ahh.. ehh.. huwag na lang kaya?" rinig ko pang sabi nito kung kaya't mabilis ko siyang pinilit.

"Hoy Jamie! Ano ba kasi yang sasabihin mo at bakit patungkol sa nanay ko? Huwag mo akong bitinin lalo pa't nag-aalala tuloy ako ngayon kay mama." medyo kinakabahan kong saad dito sa kaibigan ko dahil para bang may nililihim ito tungkol sa aking ina.

Kapag heto niloloko niya lang ako ay isusumpa ko talaga siya. Alam niya namang ayaw ko sa lahat ay ang madamay sa usapan si mama.

"Uhmm.. Flynn.. kasi ano e'?! Ahh.. pwede bang i-send ko na lang sayo yung kumakalat na litrato ngayon dito sa probinsya?" anito dahilan ng pagkunot ng aking noo.

Kumakalat na litrato? Ano raw? Anong ibig niyang sabihin?

Hindi ko naman napigilan ang aking sarili at medyo napataas ang tono ng aking boses

The Governor's Son [BxB] ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora