The Finale

2.3K 82 18
                                    


Merry Christmas everyone! And Happy birthday to GELO (me). 😉❤️

***

Dencio

"Dad, do you think po.. tama lang na hindi po natin kasama sina Mikhaelo and si Papa Flynn ngayon?" tanong ng pitong taong gulang na bata na katabi ko habang nakamasid sa papalayong ospital na kung saan naroroon ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.

Mapait akong napangiti habang pinasadahan ko ng tingin ang ospital gamit ang salamin ng aking sasakyan.

"Dad, are you crying pu ba?" bahagya akong natigilan nang marinig ko ang naging katanungan ng anak ko hudyat para mabilis kong pawiin ang butil na luhang tumulo galing sa aking magkabilang mga mata.

"No, Riley. Napuwing lang si Daddy." naging palusot ko na lamang sa bata at bahagya akong tumawa upang maging payak ang aming pag-uusap na dalawa.

"You're lying, Dad." seryosong sabi nito na ikinabigla ko. Nakita ko pang ikinrus niya ang kanyang mga maninipis na braso habang nakatingin ng seryoso sa harap ko. "Madali ka lang pu basahin, Dad. Kaya I know po na umiiyak ka po ngayon." dagdag pa nito sa kanyang sinasabi na siyang dahilan para mapatikom na lamang ang aking bibig.

Akala ko ay tapos na ito sa kanyang mga sinasabi ngunit muli lamang itong nagtanong sa akin

"Dad, bakit po ba kailangan niyo pa po silang iwan? Hindi po ba mahal na mahal niyo po si papa Flynn gaya ng ikinukwento niyo po lagi sa akin?" tulad ng naging reaksyon ko ay tanging tikom lamang ang nagawa ko at gustuhin ko mang sumagot sa aking anak ay hindi ko magawa sapagkat walang salitang lumalabas galing sa aking bibig.

Wala sa sariling napasandal na lamang ako sa bintana ng aking sasakyan habang nakamasid sa payapang kalangitan na kung saan saksi sa lahat ng dinanas ko anim na taon ang nakararaan.

"Are you sure na pakakasalan mo si Rianne, Kristoffer Denniz?" naguguluhang tanong ni Dad sa desisyon ko at sa palagay ko ay halos pang-isang daang tanong niya na ito sa akin na kung saan ay nagsasawa na ako dahil paulit-ulit na lamang ito.

Bago ko sinagot ang aking ama ay minabuti ko munang ayusin ang aking kurbata gamit ang whole body mirror na nasa aking harapan.

Nang matapos ay ngumiti lamang ako kay Dad nang mapaharap ako sa kanya, "Dad, ilang beses ko pa bang sasabihin sa inyo na buo na ang desisyon ko. Pakakasalan ko na si Rianne. 'Di ba nga't girlfriend ko siya at boto ka rin sa kanya?"

Matapos ko itong sabihin kay daddy ay tanging pagbuntong lamang ng malalim na hininga ang kanyang nagawa at para ba itong nabigo tulad ng ilang beses niyang nagiging reaksyon kada itinatanong niya ang tungkol sa pagpapakasal ko sa aking nobya.

Naramdaman kong tinapik niya ng marahan ang aking balikat at nakita kong ngumiti ito subalit hindi ito tulad ng kadalasan niyang mga ngiti sapagkat ngayon ay hindi ito umabot sa kanyang mga mata.

"Kung ano man ang magiging pasya mo ay rerespetuhin ko, anak. Pero nawa'y sana sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan, Dencio." may tila malalim na pahiwatig na saad nito ngunit tanging pagtango lamang ang naging sagot ko.

Nang iwan ako ni Dad ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkasakit ng ulo. Mabuti na lamang ay agad akong naging alerto at mabilis na napakapit sa kobre kama ng aking higaan.

"Sh*t!" halos mapamura ako ng maramdaman kong unti-unting lumalala ang sakit sa aking sentido.

Halos mapaluha ako dahil tila binabarena ang aking itaas na bahagi at para ring may tumutusok na libu-libong karayom sa ulo ko.

"Arrgh! Sh*t! Fvck!" sunud-sunod ko pang naging daing at habang nakapikit ako ay para bang may nakikita akong replika ng dalawang tao ngunit hindi ito malinaw sa aking paningin at halos sobrang labo nito.

The Governor's Son [BxB] ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora