Chapter 3

4.9K 278 40
                                    


Flynn


"Dencio?" pagkukumpirma kong saad rito sa lalaking kaharap ko ngayon at tinignan kong mabuti ang kanyang kabuuan kung siya nga ba talaga ang Dencio na halos tatlong taon ko ng hindi nakikita.


Nakita kong sa pangalawang pagkakataon ay sumilay na naman ang mga ngisi niya sa labi at nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa dahil lumapit siya ng sobra sa akin dahilan para mapabato ako sa kinatatayuan ko.


"Nakakasakit ka naman ng damdamin, Flynn. Halos tatlong taon lang naman ang nakalipas pero hindi mo na kaagad ako makilala? Fvck! You're hurting me!" tila may kalungkutan niyang sabi sa akin at umakto pa ito na para talaga siyang nasasaktan dahil sa mga sinabi ko.


Dahil na rin sa mga isinalaysay nito ay walang duda at nakumpirma ko na nga talaga kung sino ang pontio pilatong lalaking ito.


"Dencio, ikaw nga!" halos pabulong kong sabi rito nang makilala ko siya ngunit sakto lamang ito upang marinig niya ng kami lang dalawa.


Kung kanina lang ay nagulat ako dahil sa ginawa niyang paglapit ng sobra sa akin, ngayon ay may mas hihigit pa pala roon dahil sa pangalawang pagkakataon ay tila ba na-semento ang mga paa ko sa aking kinatatayuan nang bigla na lamang niya akong yakapin ng mahigpit.


"Na-miss kita, Flynn." halos pabulong niyang sabi sa akin na sakto lamang upang di lumagpas sa aking pandinig.


Hindi ko alam sa aking sarili ngunit unti-unti rin akong gumaganti ng yakap sa kanya hanggang sa mapangiti na lamang ako dahil tila ba napawi ang lahat ng tinik sa aking dibdib na aking nararamdaman tatlong taon na ang lumipas.


Halos mahigit trenta segundo rin tumagal ang pagyakap sa akin ni Dencio nang siya na ang naunang kumalas ng aming pagyayakapan.


"I'm sorry, Flynn sa lahat ng mga hindi magagandang salita na nasabi ko sayo noon. Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nagkagulo tayong dalawa. Patawarin mo sana ako, Flynn." sinserong untag nito sa akin at nakita kong napayuko pa ito sa aking harapan dahilan para muli akong lumapit sa kanya at maingat kong iniangat ang kanyang mukha paharap sa akin.


"Huwag ka ngang mag-emote d'yan na parang bata dahil hindi kaya bagay sayo. At saka huwag ka na nga ring malungkot lalo na't birthday mo pa naman ngayon!" biro kong sabi rito at nakita ko na lang na napakaamot ito sa kanyang sariling ulo dahilan para mapatawa ako.


"Happy birthday, Dencio!" masaya kong pagbati rito at pinisil ko ang kanyang pisngi na aking sobrang na-miss dahil noong bata kami ay hilig naming dalawa ang magpisilan ng kanya-kanya naming mga pisngi.


"Ang sadista mo pa rin tulad ng dati, Flynn! Halos wala talagang pinagbago sayo dahil bansot ka pa rin tulad ng dati!" natatawa tawa niyang pang aasar sa akin at talagang iniinis niya pa talaga ako sa dati niyang tawag noong mga musmos palang kami.


Gaya rin ng dati ay tanging pag irap lamang ang ginawa kong pagganti para sa kanya.


Hindi porke't mas lalo siyang gumwapo sa mga mata ko ngayon ay papayag akong asar-asarin niya ha! No way!


"Bago ko nga pala makalimutan e nasa'n na nga pala ang regalo mo para sa akin, bansot?" nakataas-kilay nitong tanong sa akin at muli na naman akong inasar nitong lalaking 'to.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now