Chapter 49

1.7K 88 17
                                    

Flynn



"Papa ku! Nasa'n na pu si Daddy ku?" bungad na tanong ni Mikhaelo nang makapasok ako sa pinto ng kanyang silid.



Payak lamang akong ngumiti sa aking anak bago ko ito sinagot, "nagpapahinga ang.. daddy mo, anak."



Nakita kong tumangu-tango muna ito bago siya muling bumalik sa kanyang higaan.



Inayos kong mabuti ang comforter niya. Masyado kasi itong malikot matulog kaya kung saan-saan nagsusuot ang kanyang panakip sa katawan.



Nang matapos kong ayusin ang comforter niya ay sinunod ko namang pagka-abalahan ang unan niya. Nang makita kong komportable naman siya sa kanyang pagkakahiga ay muli akong napabalik sa kanyang gilid na kung saan naroroon ang bakanteng sofa.



"Papa ku, may kuwentu pu aku."



Agad akong napalingon dito nang marinig ko ang biglaan niyang pagsasalita. Sumenyas pa ito na tabihan ko siya sa kanyang kama kung kaya't agad akong napaangat sa kanyang malambot na higaan.



"Ano namang kwento ng pogi kong anak, aber?" masaya kong tanong dito habang marahan ko pang kiniliti ang tagiliran nito.



Narinig kong napatawa ito dahil sa ginawa kong pagkiliti sa kanya, "tama na pu, papa. magkukwentu na pu aku."



Tinigilan ko naman ito agad nang marinig ko ang pagsuko niya. Umayos na kami ng upo hudyat para magsimula siya sa kanyang ikekwento.



"Papa, alam mu pu ba.. yung classmate ku pu inaasar pu aku na wala raw akung tunay na papa." anito bigla dahilan para mapalingon ako sa kanya.



Nakita kong lumungkot ang mukha nito kung kaya't agad akong nagsalita.



 "Anong walang tunay na papa, anak? Anong tawag mo sa akin? 'Di ba papa mo ako? Galing ka sa akin kaya papa mo ako." paliwanag ko naman dito ngunit inilingan niya lamang ako.



"Hindi pu pwede iyun. Yes pu na papa pu kita pero pu sabi ni nanay Linda dapat daw pu may isa pa akung papa." kiming sagot nito na siyang dahilan para mapasentido ako.



Oh jusmiyo! Ano ba itong pinagsasabi ng anak ko?



Napakamot muna ako sa sarili kong ulo bago magsalita rito sa batang ito," anak, hindi mo dapat iniisip yang mga ganyang bagay. Bata ka pa kaya hindi mo pa ito masyadong maiintindihan. Ang mas pagtuunan mo ng pansin ay ang pag-aaral mo at syempre iyong paglalaro mo sa mga kalaro mo, dahil kapag malaki ka na.. maiintindihan mo rin ang mga bagay na iyan." mahinahon kong pahayag para rito sa anak ko upang malaman niya na mas maiging mag-focus muna siya sa mga pambatang bagay at iwaksi sa isipan ang mga pang matandang gawain.



Nakita kong tumango ito sa akin at ngumiti, "Opu, papa. alam ku naman po iyun e'. ang gustu ku lang naman pung sabihin.. masaya pu aku na may daddy na pu aku ngayun." anito at mahihimigan sa boses niya ngayon ang matinding saya at sigla.



Lihim naman akong napangiti habang nakatingin sa anak ko. Ngunit agad itong nagbago at mabilis na naman itong napawi nang may rumehistro bigla na boses sa aking isipan.



'Ou, Mikhaelo! Siya ang daddy ku. Siya si Daddy Dencio'



Ngayon ay biglang nanumbalik sa akin ang tagpo kung saan ay may tumawag na 'daddy' sa aking dating nobyo. Kay Dencio.


Isang batang paslit na halos kaedaran lamang ng anak kong si Mikhaelo.


Sino kaya iyong batang iyon? Siya kaya iyong anak ni Rianne na dating nobyo ni Dencio?



The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now