Chapter 44

1.6K 100 31
                                    


Flynn

"Ninung, ang astig pu ng car ninyu!" natutuwang sabi ng aking anak na si Mikhaelo habang nasa backseat ito ng sasakyan.

Napangiti ako nang mapansin ko kung gaano siya namamangha sa magarbong sasakyan ng kanyang ninong.

"Papa, kapag laki ku pu bibili rin pu tayu nitu. wan tawsan pu na cars!" dagdag pa nitong saad habang nagbibilang pa ito na akala mo talaga ay marunong magbilang nang hanggang isang libo.


Narinig kong napatawa itong si Jude na nasa gilid ko.


"Naku Mikhaelo, kahit hindi ka pa lumalaki ay sigurado akong mabibilhan ka na rin ng cars." turan naman nitong katabi ko na nagmamaneho ngayon na si Jude.


Nang lingunin ko ito ay napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi masyadong nagets kung ano yung pinunto niya.


Pinasadahan niya ako ng tingin ngunit sandali lamang iyon dahil nang magbalik ang mga mata niya sa pagmamaneho ay napansin ko naman itong ngumiti ng nakakaloko.


"Naku 'pag nalaman mo talaga yung secret ng papa mo, malalaman mo kung gaano kayaman ang dadd---


Hindi na nagawa pang matapos ni Jude ang binubulong niya nang maagap ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran.


Napadaing siya ng sobra dahil sa piniga ko talaga ng todo ang gilid niya.


Lintik na Jude na 'to! Ipapahamak pa ako!

"Anu pu sabi mu ninung? secret pu ni papa ku?"


Napasentido na lamang ako nang marinig ko ang naging katanungan ng anak ko sa kanyang ninong. Nang mapalingon naman ako kay Jude ay agad ko siyang tinignan ng matatalim at ipinahiwatig kong gumawa siya ng palusot upang sabihin kay Mikhaelo.


Nakita kong napakamot muna ito sa kanyang ulo bago pa siya nagwika, "Ahh.. Eh.. w-wala nak. Ang sabi ko talaga eh.. uhmm.. kung gusto mo bilhan ka namin ni papa mo ng cars kako."


Agad akong napalingon sa likuran kung saan naroroon si Mikhaelo. Nang tignan ko ito ay seryoso lamang ang mukha niya ngunit di naglaon ay nagbago ang ito at biglang sumigla ang mukha dahil sa sinabi ni Jude.


"Opu, ninung! Gustu ku pu! Gustu ku pu ng cars!" masayang saad ng anak ko at sa sobrang saya niya ay napapapalakpak din siya.


Nang muli kong ibinalik ang tingin kay Jude ay nakita kong nakamasid pala ito sa akin kung kaya't agad ko siyang hinampas ng mahina sa kanyang balikat.


"Huy! tingin-tingin mo d'yan? Mabangga tayo!" suway ko rito na siyang ikinatango niya lamang.


Napailing lamang ako sa kanya at minabuti ko na lang umidlip para makabawi man lang ng kaunti dahil antok na antok pa rin ako hanggang ngayon.




"PAPA! PAPA! ANDITU NA PU TAYU!" mabilis akong napabalikwas galing sa frontseat ng sasakyan nang may maramdaman akong maliliit na kamay na humahaplos sa aking mukha.


Umunat muna ako ng bahagya at matapos ay marahan kong kinurot ang pisngi na parang siopao ng aking pinakamamahal na anak.


"Yey! Gising na Papa ku! Tara na pu, Papa sa labas. wait daw pu tayu ninung duon." tila naeexcite nitong paanyaya sa akin at sa sobrang atat niyang lumabas ay inaangat niya pa ang mga kamay ko para tulungan niya akong tumayo.



Wala na akong nagawa kundi mapatango na lamang at mapangiti dahil sa kakulitan nitong anak ko.



Kahit kailan talaga ay napaka-cute nitong Mikhaelo ko!



The Governor's Son [BxB] ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora