Chapter 47

1.7K 96 29
                                    

Flynn

"The blood transfusion was successful."



Halos mapaluhod ako sa sahig nang marinig ko ang magandang balita na nagmula sa physician doctor ng aking anak.



Napaluha na ako sa dala ng kasiyahang nararamdaman dahil sa wakas ay matagumpay na nasalinan ng dugo ang aking pinakakamahal na Mikhaelo.



"Maya-maya rin po ay pwede niyo na pong dalawin si Mikhaelo and anytime din po ay magkakaroon na rin po siya ng malay." nakangiting pagbibigay-alam ng doktor sa akin dahilan para mapatangu-tango ako rito at gumanti ng isang matamis na ngiti.



Sulit ang pagdarasal ko kanina sa Chapel ng ospital habang isinasagawa ang operasyon sa aking anak. Tunay ngang ang Diyos lamang ang makapangyarihan sa lahat at kapag magtitiwala ka sa kanya ay ibibigay niya ang iyong kahilingan.



"Flynn.." napalingon ako sa di kalayuan na kung saan tinawag ako ni ninong Anthony.



"Po? Bakit po ninong?" tanong ko rito at lumapit ako sa kinaroroonan nila ni Mama.



Nang makarating ako sa pwesto nila ay agad siyang nagwika, "anak, pwede ba akong makisuyo sana sayo?"



Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong napatango sa harap niya.



"Sige po ninong. Ayos lang po.. pero tungkol saan po ba iyon?" usisa kong naging tanong dito dahil wala akong ideya kung ano nga ba itong gusto niyang ipasuyo sa akin.



Malay ko ba kung ano itong ipapagawa ni ninong? Sana nga lang ay madali ito at hindi konektado sa taong ayaw ko pang makasalamuha.



"Ahh Flynn.. makikisuyo sana ako sayo hijo. Ayos lang ba kung ikaw ang bumisita kay Dencio doon sa kwartong pinagtutuluyan niya ngayon?" tanong at naging pabor ni ninong Anthony na nagpasakit bigla ng ulo ko.



Oh jusko! Bakit naman sa lahat ng pwedeng ipagawa nito sa akin ay talagang doon pa sa ayaw kong mangyari?



Mariin akong napapikit ng aking mga mata at nag-isip ng mabuti.



Tama bang sundin ko ang ipinapasuyo nito ni ninong Anthony gayong iwas nga ako doon sa taong gusto niyang bisitahin ko ngayon?



Halos ilang minuto ang lumipas ngunit wala akong naisagot sa kanyang hinihinging pabor. Sa totoo lang ay hindi ako makatugon sapagkat wala talaga akong balak na sundin si ninong.



Siguro ay nakaramdam ito bigla at para bang natauhan siya sa kanyang ipinapasuyo, "I'm sorry, hijo. Nakalimutan ko nga palang hindi pa kayo ayos ng anak ko." rinig kong saad ni ninong at nakita kong napasentido pa ito sa harap ko.



Hindi ko alam kung bakit ganoon pero tila yata nakaramdam na lamang ako ng matinding konsensya sa hindi pagsunod sa hindi naman masyadong mabigat na kahilingan ni ninong.



"Ahh sige uhmm.. Flynn anak, mas mabuti sigurong ako na lang ang titingin kay Den---



Hindi na na naituloy pa ni ninong Anthony ang kanyang sasabihin nang putulin ko siya bigla.



"Ah ninong.. ako na po siguro ang pupunta kay.. Dencio." tanging untag ko lamang sa kanya at nakita ko pang bahagya itong nagulat.



Hindi ko naman napigilang mapangiti sa kanyang naging reaksyon. Sa katunayan miski ako ay nagulat sa naging desisyon kong ito. Inaamin ko na hindi ko ito masyadong napag-isipan pero ang punto ko na lang siguro ay gusto ko nang makita ang anak ko.



The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now