Chapter 6

3.7K 190 9
                                    


Flynn's POV


"Dear Mr. Justin Flynn Samartino, Congratulations! We are honored to notify you that you have been selected to receive Walton University's Scholarship. Receiving this is a tribute to your outstanding accomplishment. Again, Congratulations and good luck to your educational plans now and in the future. Welcome to Walton University. Sincerely, Marc Ediejer Walton. President, Walton University." Pagbasa ng buo ng aking ina sa sulat na iniabot ni ninong Anthony Montefiore kanina.


"Anak, totoo ba 'tong pangyayari ngayon o nananaginip lang ba ako? Talaga bang nabigyan ka ng tiyansa dito sa unibersidad na 'to dahil sa ninong Anthony mo?" tanong ni mama sa akin at napangiwi na lamang ako sa kanyang naging katanungan.


Sa totoo lang ay kanina pa niya paulit ulit na binabasa ang sulat at kanina pa rin niya paulit ulit na tinatanong sa akin kung totoo bang ipinasok ako ni ninong Anthony sa isang tanyag at kilalang eskwelahan sa Maynila.


Dahil wala naman akong mapagpipilian pa ay muli ko na naming inulit ang aking sagot dito sa aking pala tanong na ina.


"Opo, Ma. Si ninong Anthony nga po ang nag-apply para makapasok nga po ako sa Walton University." Medyo naiirita ko nang sagot kay mama dahil nga sa ilang beses ko nang sinagot ang mga tanong niya na ito.


Kahit medyo irita na ako ng kaunti ay syempre hindi ko ito pinaramdam kay mama dahil baka malungkot na lang ito bigla.


Inisip ko na lang ngayon na masaya lang talaga siya dahil nga sa naipasok ako ng aking ninong Anthony Montefiore sa isang kilalang unibersidad.


Ang Walton University.


"Alam mo ba anak. Hindi biro ang magkaroon ka ng oportunidad na makapasok dito sa sikat na unibersidad na 'to. Ayon kasi sa balita bukod sa mahal ang tuition at iba pang mga bayarin dito ay mahigpit din ang unibersidad na 'to lalo na sa mga estudyanteng hindi nag-aaral ng mabuti dahil hetong eskwelahan na ito ay masyadong tutok sa mga estudyante nila para mag-aral sila ng mabuti." Pahayag ng aking mahal na ina sa akin at tanging pagtango lamang ang naging sagot ko sa kanya.


Well, talaga namang may punto hetong si mama dahil base rin sa mga balitang napapanood ko sa TV ay talagang nagto-topnotchers ang mga estudyante rito at hindi pa yon dahil miski ang mismong Walton University ay masasabi ring nangunguna kumpara sa iba pang sikat na unibersidad hindi lang sa pilipinas kundi sa pangkabuuang asya.


"Anak, maiba nga muna ako ano. Nasabi na ba sayo ng ninong Anthony mo kung kailan ka pupunta ng maynila? At kung kailan din ang unang araw ng pasukan mo sa eskwelahang papasukan mo?" tanong na lamang sa akin ni mama.


Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya at agad akong nagpunta malapit sa kinauupuan niya at saka ko siya tinabihan.


"Ma." Paunang saad ko sa pangalan ng aking ina dahilan upang mapukaw ang atensyon niya sa akin.


Kinuha ko ang sobreng hawak hawak niya na kanina niya pa paulit ulit na binabasa dahilan para tignan niya ako ng may halong pagtataka.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now