Chapter 35

1.8K 83 5
                                    

Flynn

Nilalagnat ako.

Hindi ko alam kung bakit tumaas ang temperatura ko ngayon. Pero natitiyak kong ito ay dahil sa naganap kagabi na kung saan naisuko ko na nga ang bataan sa aking minamahal na kaibigan.

Ano ba naman 'to?! Halos kumbulsyunin na ako pero paglalandi pa rin ang nasa isip ko!

"Flynn, nagpahatid ako ng porridge since masama ang pakiramdam mo." bungad na sabi ni Dencio nang bumukas ang pinto.


Nakita kong bitbit niya ang isang may katamtamang laki na mangkok na tiyak kong naglalaman ng mainit na lugaw. Nang makalapit ito sa akin ay siya na ang nag-adjust at lumebel dahilan naman para ako ay dahan-dahang mapaupo sa kama.

Napangiti ako ng maramdaman kong inalalayan niya ako para sumandal sa headboard ng kama.

Hindi na yata mawawala ang nararamdaman kong kilig dito kay Dencio. Napaka-maginoo niya pero yun nga lang kagabi ay medyo bastos.

"Lumilipad na naman 'yang isip mo, Justin Flynn." rinig kong wika nito sa akin nang makita niyang napapatulala ako sa kawalan.

Inirapan ko lamang siya ngunit agad din naman akong napangiti rito.

Naramdaman kong hinipo niya ang noo ko

"Thanks, God. Mabuti na lang hindi ka na masyadong mainit, baby. Muntik na kaya akong atakihin kanina." dagdap niyang sabi at nagkunwari pa itong na-heart attack.

Napailing-iling lamang ako rito ngunit hindi ko maitago ang aking mga ngiti kahit na alam kong may pagka-corny ang mga sinabi at ginawa niya.

Hay nako. Napasobrahan yata talaga ang pagka-adik ko sa lalaking ito.

Bago pa lumamig ang pinagawa niyang soup sa isang in-charge na chef dito sa hotel ay tinulungan niya na akong pakainin. Tila isa akong spoiled na bata sapagkat ang gagawin ko na lang daw ay ngumanga dahil siya na raw ang lahat bahala.

"Sakto lang ba yung init ng porridge, Flynn?" tanong nito nang matapos niyang ipasubo sa akin ang lugaw na pinakain niya.

Tumango lamang ako bilang sagot dahil patuloy pa rin ako sa pagnguya. Medyo mainit-init din kasi itong lugaw kaya hindi ko siya nagawang sagutin.

"Anong mas masarap, itong porridge o ako?" sunod niyang naging katanungan sa akin dahilan para malunok ko ng dire-diretso yung kinakain ko.

Naging maagap naman siya dahil binigyan niya ako ng isang basong tubig kung saan mabilis ko naman itong nilagok.

"I'm sorry, baby." rinig kong sabi nito habang pinapakpak ng mahina ang likuran ko.

Habol hininga akong napaharap sa kanya nang matapos kong mainom ang tubig sa baso.

"Sorry na, baby. promise, hindi na ulit kita bibiglain." wika pa niya dahilan para simangutan ko siya.

"Kahit may sakit pa ako, Dencio.. naku tatahiin ko talaga yang bibig mo!" namamaos kong pananakot sa kanya.

Nakita kong tinakpan nito ang bibig niya at parang ewan na sunud-sunod na umiling sa harap ko.

Hay nako! Buti naman at takot siya dahil kahit anak pa siya ng gobernador ay hinding hindi ko talaga ito sasantuhin noh!

Halos kalahati lamang ang nabawas sa kinain kong porridge daw. Ewan ko ba at ang arte niya dahil panigurado naman akong lugaw lamang ito dahil magkatulad lang naman sila ng rekado ngunit ayaw nito magpatalo at porridge daw ang tawag dito.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon