Chapter 40

1.9K 93 13
                                    


Flynn


"I'm sorry for your loss, Mr. Samartino. Wala na ang baby sa sinapupunan mo." masamang balita ng doktor na nasa harap ko at dahil sa sinabi nito ay tila ba tumigil ang paghinga ko.


Napailing-iling ako sa doktor


"Doc, bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pwede! hindi pwedeng mawala ang baby ko!" pagkontra ko sa kanyang mga isinawalat habang tumulo na ang mga luha na galing sa aking mga mata.


Hindi maaari iyon! Hindi totoo ang sinabi niya dahil alam at nararamdaman kong buhay ang anak ko!


Nakita kong napayuko lamang ang doktora habang muli itong humingi sa akin ng pasensya.


Biglang nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa gilid ng kama. Hinayaan ko lamang na tumulo ang mga luha ko.


Ang sakit-sakit.


Sa lahat ng mawawala ay bakit ang inosente pang bata na nasa loob ng tiyan ko?


Bahagya akong natigilan nang may maramdaman akong umupo sa gilid ko. Hindi na ako nag-abala pang tignan ito dahil kilala ko naman siya.


"I'm sorry, Flynn. Hindi ko alam." halos pabulong nitong wika at mahihimigan sa boses nito ang pagkabigla dahil sa mga nangyari.


Imbes na sagutin siya ay nanatili lamang ako sa aking pwesto. Hindi ko siya inintindi at binalewala ko lamang ang kanyang mga sinabi.


Naramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko. Gustuhin ko mang tumanggi ngunit wala akong lakas upang bawiin ang aking kanang kamay.



"Maniwala ka sana, Flynn. Wala akong alam.. hindi ko alam na.. na buntis ka." dagdag pa nitong saad sa akin.


Nanlalabo man ang aking mga mata dahil sa pag-iyak ay pinilit ko na ang aking sarili na humarap sa lalaking kinasusuklaman sa tanang buhay ko.


"H-Hindi mo alam kasi sasabihin ko palang sana sayo. Wala kang alam kasi mas pinili mong kampihan yung ex mo!" may kalakasan kong pahayag kay Dencio habang ipinapaliwanag ko sa kanya kung bakit wala siyang alam sa kalagayan ko.


"Patawarin mo ako---



Hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya nang mabilis ko siyang sampalin sa kanyang pisngi.


"Hindi mo na kailangan pang humingi ng tawad, Dencio. Wala ka ng dapat pang sabihin at gawin dahil hindi mo na maibabalik ang.. ang a-anak ko!" gumagaralgal kong turan sa kanya habang napapakuyom ang aking mga kamay.


Bago ko pa siya muling atakihin ay napigilan ko ang aking sarili at pinili ko na lamang na talikuran siya.

The Governor's Son [BxB] ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant