Chapter 43

1.4K 92 42
                                    


HAPPY 7TH BIRTHDAY, MIKHAELO!" sabay-sabay na pagbati namin sa batang lalaki na ngayon ay inihip ang kandila na nakapatong sa kanyang customize cake na may disenyong spider-man.



Masaya kong kinuhanan ito ng litrato hanggang sa iniabot ko ang aking cellphone  sa aming kapit-bahay upang makisuyo na kunan kami ng litrato ng napakagwapo at bibung-bibong bata na ngayon ay nasa tabi ko.



"Happy birthday, anak." nakangiti kong pagbati rito at pinapak ang may katabaan niyang pisngi dahil sobra akong nanggigigil sa kanya.



Narinig kong bumungisngis ito habang nakayakap sa akin, "Salamat po, Papa."



Siya si Michaelo Kristoff Samartino. Ang pitong taong gulang kong anak. Ngayon idinaraos ang kaarawan niya kung kaya't talagang pinag-ipunan ko ito ng masinsinan para maging masaya siya.



"Sir, ang cute-cute po pala ng anak ninyo! Siguro po nung ginagawa niyo 'yan e' yung partner niyo yung nasarapan!" entrada bigla ng katrabaho ko nang makalapit ito sa kinaroroonan namin ng anak ko.



Pinanlakihan ko siya ng mga mata at mahina kong tinampal ang braso niya, "Huy ikaw talaga! Bibig mo may bata!" suway ko rito dahilan para mapatakip siya kaagad ng bibig.



Lintik talaga 'tong babaeng katrabaho kong ito! Kung anu-ano ang pinagsasabi. Juskupo!



"Sorry po sir ha. Napansin ko po kasing parang mata niyo lang yung nakuha ni baby boy e! the rest sa kapartner niyo na po." dagdag pa nitong sabi hudyat para mapasentido na lamang ako.



"Oh sige. Bukas mag-OT ka ha without pay. G?" pagbiro ko rito ngunit hindi ko pinahalatang niloloko ko lang siya at pinigilan ko ang aking sarili na matawa.



Nakita ko namang bumagsak ang balikat niya at halos tumutol ang ekspresyon ng kanyang mukha.



"Heto naman si Sir Flynn. Joke lang naman po iyon e'. Peace!" biglang sabi niya lamang na nagpailing-iling lamang sa akin.



Oh 'di ba. Nasindak tuloy siya. Deserve.



Mula sa opisina hanggang sa planta ay inimbita ko lahat ng mga katrabaho ko ngayon dito sa kaarawan ng unico hijo ko. Nagtatrabaho ako sa isang manufacturing industry sa pagawaan ng mga sabon pero sa opisina ako naka-assign. Sa katunayan nga ay nag-leave ako ngayong araw dahil syempre tumulong ako sa pag-decorate at nag-prepare din ako ng mga iba't-ibang putahe.



"Anak, napakain at nabigyan ko na ang lahat ng mga bata." lapit at pagbibigay-alam ng edad sisenta anyos na ginang.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now