Prologue

10K 367 12
                                    


"Gusto kita, Dencio. Gustung-gusto kita." pag-amin ko sa aking nararamdaman habang kaharap ang lalaking gulat na gulat dahil sa aking mga itinuran.

Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang aking pinakamatalik na kaibigan.

Si Dencio.

Ang anak ni Gov. Anthony Montefiore.

Malalim akong napabuga ng hangin nang sa wakas ay nasabi ko na rin ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.

Unti-unti akong lumapit patungo sa kinaroroonan niya at nang ilang sentimetro na lamang ang layo namin sa isa't-isa ay napalunok ako ng sarili kong laway nang magtungo ang aking paningin sa kanyang mala-perpektong mga labi. Dahil na rin sa dala ng tukso ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na mas lumapit pa sa kanya at dahil sa napakatangkad ni Dencio ay kailangan ko pang tuming-kayad sa harapan niya upang maabot ang kanyang mga labi.

Malapit na sana ako sa aking tangkang inaasam nang matigilan ako sa aking mga narinig.

"Hindi ako katulad mo, Flynn." paunang wika ni Dencio sa akin dahilan para mapamulat ako ng mga mata.

Nang magtama ang aming mga tingin ay mababakas sa kanyang mga mata ang tila ba walang emosyon dahilan para hirap ko siyang basahin.

Patuloy pa rin kami sa aming pagtititigan hanggang sa siya na ang unang bumawi at iniwas ang kanyang mga tingin sa akin.

"Hindi kailanman ako magiging katulad mo, Flynn. Hindi ako bakla." mariing saad nito sa akin at dahil sa kanyang mga sinabi ay tila ba unti-unti akong nalalagutan ng hininga.

"pe-pero 'di ba mahal mo rin ako?" lakas-loob kong sabi rito at mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"a-alam ko mahal mo ako, Dencio. nararamdaman kong mahal mo ako pero pinipigilan mo lang kasi hindi mo matanggap na nagmamahal ka ng katulad ko na sinasabi mong bak---

Hindi ko na nagawa pang matapos ang gusto ko sanang sabihin nang mabilis niyang kinalas ang nakahawak kong mga kamay sa kanyang braso at kasunod no'n ay ang pagtulak niya sa akin ng malakas dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo na lamang ako sa lapag.

Napaangat ang aking tingin sa kanya dahilan para magtama ang aming mga mata at bakas sa mga ito ang galit na animo'y umaapoy at anumang oras ay handa na itong magliyab.

"Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na hindi nga ako kagaya mo, Flynn?! Hindi ako kagaya mo na isang bakla!" matabang na saad nito sa akin at nakita kong nginisihan niya pa ako habang unti-unti siyang lumuluhod papalapit sa kinaroroonan ko.

Nang magka-lebel na kaming dalawa ay mas lalo pa siyang ngumisi na animo'y nang-aasar na kontrabida sa isang teleserye at nang-aapi ito ng kanyang alipin.

"Tandaan mo na hindi ako magiging isang katulad mo na malambot at walang alam kundi magpakanto---

Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang mga sinasabi nang dumapo sa kanyang pisngi ang aking kamay na kanyang lubusang ikinagulat.

"Oo bakla ako, Dencio! At tama ka nga rin dahil malambot nga ako pero ni minsan ay hindi ko nagawang pagnasaan ka dahil katulad ng pagrespeto mo sa akin ay gano'n din ang pagrespeto ko sayo!" halos sumisigaw kong turan sa kanya at hindi ko napigilan pa ang aking sarili na mapaluha sa kanyang harapan.

"pero kanina lang 'di ba gusto mo akong halikan, Flynn hindi ba?" agad akong napalingong muli sa kanyang harapan nang marinig ko ang kanyang mga sinabi at nakita kong muli siyang ngumisi sa akin.

"Sa tingin mo ba ay hindi pagnanasa ang gusto mong pagnakaw ng halik sa akin, Justin Flynn?" hindi ko alam sa aking sarili ngunit tila ba napipilan ako sa naging katanungan sa akin ni Dencio.

"What now, Flynn?! Bakit para yatang tinakasan ka ng isip mo at hindi ka na ngayon makapagsalita? Nasaan na ang tapang mo? Sumagot ka!" tila nang-aasar pa nitong sabi sa akin dahilan para mas lalo akong makaramdam ng galit sa kanya.

Marahan akong tumayo upang magka-lebel kaming dalawa at dahil sa magkahalong inis at galit ang namumutawi ngayon sa akin ay hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na bigyan siya ng isang plastikadong ngiti.

"Halik lamang ang hinahangad ko sana sayo, Dencio na para sana iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal." paunang saad ko rito at nakita kong nawala na parang bula ang mga kanyang mga ngisi na akin namang ikinatuwa.


Mas lalo ko pang inilapit ang aking sarili dahilan para mapaatras siya hanggang sa makita kong wala na itong maatrasan pa dahil nasa likuran niya na ang pader na humaharang sa kanya.

Iniharang ko pa ang dalawa kong mga kamay nang makita kong magtatangka siyang tumakas at nang mapatingin siya sa akin ay hindi ko na inaksaya pa ang panahon na ilapit pa ang aking sarili sa kanya.

Unti-unti kong inilalapit ang aking mga labi patungo sa kanyang pisngi at nang ilang pulgada na lamang ang layo ko sa kanyang labi ay pinigilan ko ang aking sarili upang gawin ang tunay kong binabalak sa kanya.

"Ngunit kung sa tingin mo ay pagnanasa ang mahalikan kita upang ipadama ko sana sayo ang tunay kong nararamdaman ay sayang lang pala ang pagmamahal ko sayo. Sayang lang." huling bigkas ko para sa kanya at ipinapangako kong ito na rin ang huli naming pag-uusap na dalawa.

Kasabay nang paglisan ko sa aming pook-pasyalan ay ang pagtulo ng aking mga luha na kanina pa gustung-gustong kumawala.


Bakit ba hindi sumagi sa aking isipan,


na kailanma'y hinding-hindi magiging sa akin ang anak ng gobernador,


At hanggang pagkakaibigan lamang ang mayroon sa amin na ngayon ay nawala na.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon